Italy
"No wonder this country is known for being the most romantic place in the world," i whispered while i let Brioni put a red rose behind my ear. Tinignan niya pa kung bagay ba o hindi.
Di mawala ang ngiti sa aking labi habang ineenjoy ang simpleng araw na ito. Wearing my sweetheart cut flowy white dress and my usual french simple makeup look. Just my usual glowy look with a red lips on.
"Oh ghaaad," natatawang umiling si Dinara habang tanaw kaming dalawa ni Yoni. "You are really smitten by that man, huh?" hindi makapaniwala niyang tanong sa akin.
Na para bang ngayon lang talaga napagtanto na hindi na ito laro lang para sa akin. Simula nang unang araw ko sa trabaho si Dinara ang kasama ko. Unang taong naging parte sa bagong chapter ng aking buhay.
Ngayon ang layo na ng nilakbay ng panahon at nandito pa rin ako kasama sila at namumuhay ng normal. Maraming nagbago sa mga buhay namin at ngayon may iba iba na ring pinagkakaabalahan.
Noong baguhan pa ay wala akong ibang naisip na plano kundi ang magkiwaliw at sumubok ng mga bagay na hindi ko naranansan noon. Ibang lifestyle at ibang mga karanasan sa ibang bansa.
Ngayon nasanay na sa buhay kasama ang mga kaibigan at si Deuce. Iba na rin ang priority ko at iyon ay ang pagbuo ng bagong buhay kasama si Deuce.
Mas seryoso na at mas planado ang buhay ngayon hindi tulad noon na parang expiremental at walang kasiguraduhan.
"At least our girl is finally back on her right track," Yoni chuckled. "They really fought for this relationship to work, Dinara. Looking back from how the two started..."
"Yeah right," Dinara scoffed, remembering what we have been through before we reached this point. "Who would have thought that you will really choose that asshole, huh?"
Umiling nalang ako habang naiisip ang dating Deuce na nakilala ko. The broken young man who's struggled with traumas.
Tawang tawa naman si Yoni at tinulak pa si Dinara dahil sa pabirong insulto sa kaibigan.
"Every players will eventually retire, Dinara." Paalala ni Yoni.
"Even the players like Nathan and Nicco?"
I smirked at them. "Don't worry even players are going to be so tired of playing games,"
"Burnt out," patuloy ko habang panay ismid naman ni Dinara.
"I don't think so," Dinara scoffed.
Inakbayan siya ni Yoni na ngayon ay malapad na ang ngisi. "What if it's possible for you to witness that kind of miracle?"
"Then that just means the world is ending,"
"Dinara," natatawa kong reklamo.
"Well, i wonder if you really like someone now," Yoni teased her. Kahit ako ay kuryoso rin dahil hindi naman madalas na nagkukwento si Dinara tungkol sa mga seryosong bagay. Usually abala lang kami sa party o trabaho.
"Do you like someone?" Usisa ko.
"Liking a guy is so tiring," She sighed.
"So you'd rather not like someone? Not making any moves?"
Hindi sumagot si Dinara pero malalim ang kaniyang iniisip. Napatingin sa akin si Yoni at natahimik din.
"What about you Yoni?" Dinara turned to her and raised her brow.
"I dont know...but i'll hate myself if i will suddenly turn to a dumb woman just for a man that doesn't want me again,"
"Oh,"
"So you have someone in mind then?" Dinara asked again.
"You like someone now?" Hirit ko. Yoni shrugged instead of concluding what she's feeling right now.
Pansin kong ayaw nilang mag salita tungkol sa mga buhay pag ibig kaya hinayaan ko na at hindi na naki intriga. Alam kong wala namang boyfriend si Dinara ngayon at free naman siyang manlandi ng mga lalake.
Si Yoni naman sinabi niya lang sa amin noong party na kasal na siya pero hindi namin alam kung sino ang lalake. Naisip ko naman na baka hindi sila okay kaya ganoon nalang ang inaasta ni Yoni.
Baka may ibang lalake na gusto rin si Yoni at hindi sila okay ng asawa niya? Arab ba asawa niya? Pwede lang na maraming karelasyon basta mayaman?
Hindi nga napag usapan ang asawa ni Yoni eh. Masyadong pribado ang buhay ng babaeng ito. Kapag lumalabas naman kami normal lang naman siya, usual Yoni na nakilala namin. Hindi naman siya umaastang may asawa na.
Baka nga may iba siyang gusto at hindi ang asawa niya. Ang weird naman ng set up nila. Kasal pero nandito si Yoni at parang malaya pa rin.
Sa pagkakaalam ko consistent naman si Nicco at Nathan sa buhay nila. Maraming mga babae at pilyo pa rin.
Full Epilogue 1, 2, and 3 are posted on Patreon. You can read it for free :)
———https://www.patreon.com/collection/373340?utm_campaign=collectionshare_creator
BINABASA MO ANG
On His Roster (Aviación #1) Completed
RomanceIt revolves around her journey to becoming a cabin crew in an international airline company and her new life abroad. Avis Carolina Jueblo is a 25-year-old woman who loves to seek different heights. Lost girl is now finding her way to open a new chap...