74

138 4 0
                                    

Cold


It is frightening to gradually experience a lack of noise and cold shoulders, as your formerly colorful world begins to take on a monotonous appearance. He no longer exudes the same enthusiasm, his fire has shifted, and although he can speak, it seems as though his head is in an other place.

His repeated assurances that everything is okay and that we are, however, are making me feel as like he is withdrawing and no longer has the same passion to connect with me.

Ayokong isipin na nanlalamig na siya sa akin pero kahit anong deny ko ay iyon ang aking nararamdaman. Siguro dahil hindi nga ako nakakuha ng reaction mula sa kaniya na tulad sa inasahan ko? O dahil ba masyadong kalmado ang lahat kaya kinakabahan ako na baka may mali nga.

Noong nakita niya ang mga larawan na binigay ni Andrea, hindi siya sumabog sa galit at mas naging kalmado ang reaction niya.

Hindi nga lang niya ako pinapansin gaya ng dati na para bang may nagbago at may gumugulo nga sa kaniyang isipan.

Para kaming tanga dalawa dahil ang tahimik namin sa apartment. Hinayaan ko siyang magkaroon ng sariling espasyo at hindi na nangulit pa. Alam kong isa sa epekto ng kaniyang therapy ay marunong na siyang iregulate ang kaniyang mga emosyon ngayon.

Kapag may pagtatalo naman ay hindi na gaya ng dati na iniinis ko siya at pinipilit na magkaayos kami agad. Hindi ko na siya pinipilit na magsalita at solusyonan agad ang problema kasi nalaman ko naman na iba pala siya, magkaiba kaming dalawa.

Iba siya magmahal at iba rin siya kung paano humandle ng problema. Kung kaya kong tanggapin ang paraan niya ng pagmamahal dapat ganoon din pagdating sa problema kaya ngayon kahit na hindi maganda ang pakiramdam ko ay hinahayaan ko siya.

Binibigyan ko siya ng oras para sa kaniyang sarili na mag isa. Ako naman ay hindi natatahimik habang iniisip ang mga bagay bagay. Alam kong may nag iba talaga sa samahan naming dalawa.

Tama nga naman siguro ang sinasabi nila na sa una lang mainit at sa una lang masaya. Tapos na nga siguro ang aming honeymoon stage sa relasyon kaya ngayon matapos ang ilang buwan na pagsasama at biglang bukas na ang aking mata sa katotohanan.

Na hindi sa lahat mainit at hindi sa lahat ng pagkakataon ay uhaw na uhaw kayo sa isa't isa. Gaya nalang nitong mga nakaraang araw ay masyadong malayo ang loob niya, parang ang dami niyang iniisip at hindi niya ako nakikita.

"Guys are so sweet at first then turn into jerks after lasting a few months,"

Nakuha ni Yoni ang aking atensyon. Hindi ko naman naikwento sa kanila ang pinagdadaanan namin ni Deuce ngayon kasi nahihiya ako sa mga kaibigan. Lahat sila boto sa aming dalawa kaya kung malaman nila na may mali ayaw ko naman na dahilan iyon ng kalungkutan ng lahat.

"Because they secured the bag already there is no point faking it," Dinara chuckled.

"Faking what?" napatanong na rin tuloy ako.

"Being the best guy in the world? I dont know...guys show their true colors after months of being in love or i must say being in the relationship,"

Our instincts are at play when we are lustful or even when we first fall in love in a relationship.
Whether you like it or not, when you are initially drawn to someone, you unconsciously display your "best" qualities.

Ganoon din naman ako kaya siguradong nag eeffort din naman si Deuce na maging mabuting lalake sa akin.

Pero sa akin lang talaga bang tapos na at may hangganan ang kay Deuce lalo na ngayon ay hindi kami masyadong nagka usap ng maayos. Ilang araw nga kaming hindi masyadong magkasama at busy na rin sa trabaho.

On His Roster (Aviación  #1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon