Chapter 5

10.6K 176 3
                                    







_____

Maggagabi na ng lisanin ni Shu ang University dahil may tinapos pa silang report ng mga kagrupo niya.

Dahil wala ng dumaraang bus at taxi sa harap mismo ng school ay nagdesisyon siyang maglakad nalang papunta sa mainstream road para mag-abang ng masasakyan kung saan medyo malayo na sa school.

Nasa sidewalk siya nu'n at nakasaksak ang airphone sa magkabilang tenga habang nakikinig ng music kaya hindi niya napansin ang pagsunod sa kanya ng isang tricycle na tila humahanap lang tiempo para isagawa ang kung anu mang balak nila sa kanya. Dalawang lalaki ang lulan nun.

Patuloy parin si Shu sa paglalakad nang magulat na lamang siya't matigilan dahil may humila ng airphone niya dahilan para matanggal iyun sa tenga niya. Nang lingunin niya iyun ay nagulat siya dahil si Khallib ang nasa likod niya.

Napakurap pa siya nun dahil hindi siya naniniwala sa nakikita niya without knowing na kanina pa pala ito nagsasalita.

"Hey! Are you listening?" Ito ang inis na saad ni Khallib dahilan para matauhan siya. "H-hah?" Wala sa sariling naibulalas niya bago lumingon-lingon sa paligid at namataan nga ang dalawang lalaki na noo'y kinakausap na ng dalawang security na kasama ng young master. Nakaparada din ang itim na kotse nito sa bandang likuran.

Hindi parin siya makasagot ng maayos n'un at hindi gumagana ng maayos ang utak niya. Nakatitig lamang siya sa gwapong mukha ng young master na tila ba'y na-hypnotize.

"Hays I can't believe this! Hibang ka ba?" Mariin naman nitong usal kaya napakurap siya. This is the first time na marinig niya ang tinig nito. Khallib's voice is manly and strong enough to stir her ears.

"Hey!" Usal pa nito kaya naman ay napatingin na siya sa magaganda nitong mga mata na ngayun niya lamang din napagmasdan ng subrang lapit.

"E-Eh?" Tila wala parin sa sarili niyang usal nang magulat siya dahil bigla siya nitong hinawakan ng mahigpit sa braso. Noon na siya napaigtad at nagbalik sa ulirat.

"I said, what are you doing out here focusing on your phone and that piece of sh!t at this hour?" Seryoso at mahina nitong saad kasabay ng pagtingin nito hawak niyang earphone.

Napalunok naman siya nun. Hindi niya alam ang sasabihin.

"Shouldn't you be keen and observant in this kind of situation instead of doing some sh!ts? Or else bukas nasa dyaryo ka na!" Dugtong pa nito kaya naman ay sasagot na sana siya dahil kinilabutan siya ngunit binitawan na siya nito at pumamulsa na bago naglakad patalikod.

Subalit hindi pa man siya nakakahinga ay nagsalitang muli ito kaya napalingon siya.

"I know that, that petty and fabric-lacking uniform of yours is mandated by the school, but-- next time, you should bring some extra clothes, jacket, or some scarf to cover your body lalo na't madalas kang gabi na kung umuwi!" Mariin at mahina parin nitong saad bago siya pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Naconscious siya nun at nakaramdam ng pagkapahiya ng pasadahn niya rin ng tingin ang kanyang sarili. Half-leg lang ang haba ng maiksi niyang palda. Fitted ang kanyang blouse na puti dahilan para ma-trace ng mabuti ang hubog ng kanyang katawan.

Bago pa man siya makapagsalita ay nakapasok na ito ng kotse.

"H-Hoy!" Sa wakas ay naibulalas niya ngunit umandar na yung kotse at mabilis na naglaho sa paningin niya.

"Hash!!! Kainis, anu yun? T-teka, nananaginip lang ba ako," aniya pa bago tinampal ang sarili ngunit nasaktan lamang siya. "Aww! Shu naman bakit nanananampal ka! Shocks sakit! So hindi panaginip?" Pakikipag-usap niya sa sarili habang hinahaplos ang pisngi.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon