Chapter 89

6.3K 120 4
                                    



4 YEARS LATER...




Madaling araw palang ay nagising si Shu ng malakas na pagvibrate ng kanyang cellphone na noo'y sa sahig niya pa nakapa dahil nahulog iyun.

Papikit-pikit ang mga mabibigat niyang mga mata na tinignan ang cellphone at nakarehistro sa screen ang isang protected message. Kailangan niya pa ng password para basahin iyun.

"A new signal has been sent." Ito ang nilalaman nung mensahe kaya kaagad niyang iniwan ang higaan upang tunguhin ang lamesa kung nasaan ang mini-computer niya.

Kasalukuyan siyang nasa hotel room niya sa Hong Kong. Kakatapos lamang niyang isagawa ang kanyang mission roon. Subalit tatlong oras pa lamang ang itinulog niya matapos makauwi sa hotel, ay mukhang bibiyahe na naman siya para sa isa na namang misyon.

At hindi nga siya nagkakamali dahil pagbukas na pagbukas niya palang ng computer niya ay bumungad sa kanya ang isang notification.

"You have an email," it says.

Binuksan niya ang email na iyun gamit ang kanyang iris na itinapat niya lamang sa detector ng kanyang mini-computer. It's a costumized computer by their camp. Sila lamang ang makakagamit n'un because it was programmed specifically for them.

Nang buksan niya ang video na nilalaman ng email ay kaagad siyang nagsuot ng earpiece for security purposes in case there's bug in the room.

"Bonjour, Shu! Congratulations on the success of your Japan and Hong Kong missions. You have successfully taken out the Yakuza leader, Gukken from Japan, and Lhieng Chan, our biggest rival in marketing our products in the Chinese market.  Now, you must leave Hong Kong and head to Istanbul, Turkey. Your new target has just arrived in his hotel, Ibrahim Pasha Hotel. He k!lled one of our VIPs, one of our suppliers. You should take him out tonight. Be careful. He's  a skilled mercenary, a gun pro, and very skilled in martial arts. He's a member of The Nightwatch Reapers. Once it's finished, come back here in Berlin headquarters to celebrate my birthday in two days. Take care!"

Ito ang mensahe ng babae sa video. Madame Hera ang tawag nila dito. Ito ang kanang kamay ng big boss nila na ni minsan ay hindi pa nila nakikilala sa loob ng apat na taon niya bilang kasapi ng Afterlife Camp.

Ang orders ay galing lahat sa big boss nila. Ngunit ang mga sub-heads tulad ni Madame Hera ang humaharap sa kanilang mga agents to disseminate the mission. Hera is also the one who decides who will take what mission. She arranges everything for each agent for each mission. Hera is a top-notch lobbyist and a butler. She's one of the three trusted heads managing the Afterlife Camp agents because there's hundreds of them designated and operating everywhere in the world.


Alam niyang ito ang makakatulong sa kanya upang hanapin ang mga taong hinahanap niya dahil batid niyang malawak ang koneksyon nito at maraming kakilalang ibat ibang grupo sa kaparehong larangan at negosyo. Kaya naman pinagbubutihan niya ang bawat trabahong ibinibigay nito sa kanya simula noong makaalpas siya sa training camp at maging opisyal na myembro ng Afterlife Camp, dalawang taon na ang nakakalipas. Kung pagsasamahin, limang taon na simula nang mamatay si Dhark, isang taon siyang nanatili sa London, ilang buwang nanatili sa France, halos dalawang taon ang ginugol niya sa mga survival trainings sa Somalia at sa Morocco. Ngayun ay dalawang taon na siyang assassin at nagsasagawa ng mission sa iba't ibang bansa,  around Asia and Europe.



____


🎈IBRAHIM PASHA HOTEL, ISTANBUL, TURKEY


Kakalabas lamang ni Carber sa shower room nang tunguhin niya ang kama para magpahinga.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon