Chapter 88

6.6K 146 14
                                    

A year after...




        Sa loob ng isang taon mula ng tumira si Shu sa London, ay ginugol niya ang oras at panahon sa pagtatrabaho sa isang restaubar.

Doon niya napiling magtrabaho dahil hindi naman talaga ang para lang kumita ng pera ang nais niya. Mayroon siyang mas malalim pang dahilan at lingid iyun sa kaalaman ng kanyang, kapatid o ng lahat.

Ayun sa mga binitawan niyang salita bago niya lisanin ang Pilipinas, batid ng kanyang pamilya na gusto na niyang limutin ang kanyang namayapang asawa at ayaw na niya itong alalahanin pa. Iyun ang gusto niyang iparating sa lahat ngunit sa kanyang puso't isipan, iba ang kanyang ninanais mangyari.

Kararating pa lamang sa London ay ginugugol na niya ang kanyang oras kapag mag-isa na lamang siya sa harap ng kanyang laptop.

She's researching the crime gangs, missionaries, assassins, mafias, lobbyists, and other related businesses and their operations.

Kahit noong nasa Pilipinas palang siya ay ginagawa na niya iyun at napag-alaman niyang London ang isa sa mga bansa kung saan nag-ooperate ang mga ito.

Given the amount of grief and pain in her heart, caused by the grim death of her husband, she has created a monster  version of herself. A version that's full of hatred and anger and is hungry for revenge.

She even hated herself for being ignorant and coward, so she had to create a bolder persona out of herself. Someone braver, smarter, and someone who's even willing to k!ll if needed just to find the people behind her husband's death, the Nocturnal Bandits.

Alam niyang imposibleng mahanap niya ang mga ito ng siya lamang kaya naman ang naisip niya lamang na paraan ay ang maging katulad ng mga ito.  "It takes an evil to destroy another evil", ito ang mga salita ni Dark na pinanghahawakan niya hanggang ngayun.

Kaya naman noong tawagin siya ng kanyang kapatid sa London ay pumayag siya kaagad.

She doesn't want to cause them any more complications and heartaches kaya naman pinaniwala na lamang niya ang mga ito na sumama siya sa London para makalimot at makapagbagong buhay.


____


Ayun sa kanyang pagsisiyasat, napag-alaman niyang mga night clubs and high-end bars ang target places ng mga taong hinahanap niya kaya naman nagdesisyon siyang mag-apply sa isang restaubar kung saan panggabi siya.

Subalit hindi pala madaling makakita o makakilala ng isa sa mga taong myembro ng gangs, mafia, mercenary, o kahit pa lobbyists lamang sana. But it's not shocking anymore. No wonder why they are high-profile criminals or high-valued expendables. They weren't called like that for nothing.


Sa paglipas ng isang taon ay wala siyang nakilala o nakita kahit isa manlang sa mga ito. Gayon pa man, ay hindi siya tumigil dahilan para magpalipat lipat siya ng mga establisyementong pinapasukan.

Nagpunta pa siya ng France para doon magtrabaho sa isang sikat na high-end bar. May dati siyang katrabaho na nagrekomenda n'un.

Nagbilang siya ng araw at mga buwan doon ngunit hindi siya nagtagumpay.

--But the long wait is over when she finally found some of them.





Matapos mag-out sa trabaho ng madaling araw ay dumeretso na siya ng uwi.

Kasalukuyan siyang tumutuloy sa isang average class hotel kung saan halos commoners lamang din ang umuukupa.

But the thing is, may penthouse ang gusaling iyun na inuukupa n'ung nagmamay-ari sa hotel.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon