Chapter 46

7.3K 124 0
                                    

Nang tunguhin na ni Shu ang kusina ay tsaka nagpatuloy si Claire sa paglalakad papunta sa livingroom. "Ah, i-ito pala yung tubig ni Elly." Naiilang niyang wika kay Dhark.

Tinignan naman siya nu'n ni Dhark bago kinuha yung tubig at tumuon ng muli kay Elly.

"H-how are you?" Walang anu-ano'y mahinang tanong ng heneral habang nakatingin parin kay Elly kaya natigilan si Claire.

"H-hah?"

"Can you really endure it?"  Seryoso at mahina lamang na turan ng heneral.

"Endure what?" Maang naman nitong tugon at nagbaba ng tingin.

"Shuntal Claire, I know how painful is it to you to see what's going on in this house. I have my wife with me and in this household, Elly is our child, Deanna's child, not yours. Can you really endure seeing that everyday?" Mariin at mahina pa niyang sambit kaya napalunok si Claire.

Matagal munang hindi ito nakaimik at umiwas ng tingin nang tignan niya ito. May awa sa kanyang mga mata para sa dating asawa ngunit napabuntong hininga na nalamang siyang nagbaba ng tingin.

Noon na ito tumugon.

"O-of course it's painful," pigil ang luha nitong sambit. "It's-- it's like a sword stabbing my heart every single day that I am here. But-- but what else can I do than to endure? Gusto kong makasama ang anak ko." Mariiin pa nitong pabulong na saad bago siya tinitigan sa mga mata.

Hindi na n'un nakasagot si Dhark dahil bumalik na si Shu mula sa kusina.

"Han, kape mo." Malambing nitong saad bago ibinaling ang tingin kay Claire.

"Ah Claire, pwede ka ng umuwi. Magta-time na rin naman. Para hindi ka na din masyadong gabihin sa pag-uwi. Nandito naman na ang asawa ko, si Nana Tacy nandito din. Kami na ang bahala dito, umuwi ka na para makapagpahinga." Nakangiti niyang wika kay Claire na ipinagpasalamat naman nito.

"S-salamat. K-kung ganu'n mauna na ako. Elly, aalis na si Nanny." Pilit naman ang ngiting wika niya bago dali-daling tumalikod dahil naiiyak na siya.

Isang malalim namang buntong hininga ang pinakawalan ni Dhark bago ito sinundan ng tingin.

"Ah Han, m-may nangyari ba? Bakit parang ang lungkot niya bigla. Parang naiiyak siya eh. Kanina okay naman kami." Curious namang baling ni Shu kay Dhark.

"Hah? Naiiyak ba siya? Parang hindi naman. Her eyes was always like that noon pa man, baka akala mo lang yun."

"A-always like that?"

"H-Hah? Ang ibig kong sabihin, s-simula noong unang beses ko siyang makita dito sa bahay her eyes were gloomy like that. B-but I guess it's because she has expressive eyes." Pagsesegway niya.

"Hindi mo naman pinagalitan nu? Nakakatakot ka kasi magalit eh," pagbibiro na lamang ni Shu.

"What? Haha, why would I even do that?" Natatawa namang tugon ng heneral.

"Wala lang, say ko lang!" Nakatawa din naman niyang tugon kaya kapwa sila natawa.

Noon naman na dumating si Nana Tacy para sabihing nakahanda na ang hapunan.

"Okay, let's eat then." Ngiti namang wika ni Dhark at binuhat na si Elly.

"Sige, tara. Gutom na din ako eh. Nakakagutom magklase maghapon." Nakangiti namang pahayag ni Shu habang nakasunod sa mag-ama.

"How's your school? Have you been doing well?" Kapagkuwa'y tanong naman ni Dhark kaya napangiti siya.

"Oo, okay lang naman."

"That's good then. I'm sorry, I have so much on my plate now, I forgot to ask how your days were." Sambit pa nito ngunit ngumiti lamang siya bago humawak sa bewang nito upang sabay na silang maglakad patungong dining area.



   _____

Nakatayo lamang sa gilid si Dhark nu'n habang pinapanood si Khallib as fencing training nito with his sparring partner.

Kakatapos lamang ng meeting niya with the President to talk about the visitation of Mr. Chang and his daughter in the country.

Supposedly, siya ang magtitrain kay Khallib, but he's busy so nag-utos muna siya ng iba.

He was just standing when Khallib noticed his presence kaya bigla itong nag-iba ng timpla at naging agresibo sa bawat pag-galaw.

Napansin naman niya agad iyun kaya bahagya siyang napatiim bagang.

He even walked closer sa kaninaroroonan n'ung dalawa.

"Khallib, be careful." Narinig niya pang paalala n'ung trainer ni Khallib dahil nga agresibo at tila wala na itong control sa bawat pag-atake.

Nasasaktan na niya ang trainer niya na wala namang ibang ginawa kundi umilag na lamang upang hindi masaktan siya nito masaktan.  Subalit, patuloy lamang sa pag-atake si Khallib na animo'y wala sa sarili.

"Khallib! Stop it now!" Hindi na napigilang bulalas ng Heneral ngunit wala lamang iyun kay Khallib at patuloy sa pag-atake d'un sa trainer.

Dahil sa pagkagulat ay tila natulala lamang naman yung trainer at nagmistulang estatwa kahit na malapit na sa katawan niya ang dulo ng fencing foil ni Khallib.

Noon naman na naalarma ang heneral at ihinarang ang kanyang katawan, "Khallib, stop!" Mariin niya pang bulalas ngunit nakaturok na sa bandang itaas ng likod niya ang matalim na fencing foil ni Khallib.

Kasunod nu'n ang pagbitaw ni Khallib sa hawak na foil kaya naman ay lumikha ito ng ingay mula sa sahig.

Napapitlag din si Khallib nang makita ang unti-unting paglitaw ng dugo mula sa General suit ng heneral. His back's upper left corner is starting to bleed.

Dahil doon ay nag-iwas na lamang ito ng tingin at nagwalk-out na.

"General, okay ka lang? Tatawag lamang ako ng medic!" A'naman kaagad nung trainer ngunit pinigilan lamang ito ng heneral pati na yung iba niyang mga tauhan na naroon din.

"No need to bother. Not something serious. Simple bandage will do." Pahayag niya pa at patay malisyang naglakad palabas ng fencing room.

Kaagad naman siya n'ung sinundan ni Lt. Carber na kaagad nagpakuha ng first aid kit sa isa sa mga bodyguards.



___




The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon