Chapter 30

4.8K 72 0
                                    

Kasalukuyang gumagawa ng report si Dhark sa kanyang opisina nang magbeep ang kanyang cellphone.

Si Shu ang rumehistro sa screen ng kanyang cellphone kaya naman ay napatigil siya sa ginagawa at hinarap muna ang cellphone.

(...Hi Hon. Makakauwi ka ba ng dinner mamaya? Nagluluto kasi ako ngayun. May gusto ka bang ipaluto?)

Ito ang laman ng text message ngunit sa lahat ng iyun, sa salitang 'Hon' siya napatitig at kalauna'y napangiti bago muling ibinaling ang atensyon sa ginagawa. "Gotta finish this quickly then..." He whispered and smirked.

___

"Bakit hindi siya nagrereply? Umm, baka busy." Taka namang tanong ni Shu habang nakatitig sa cellphone, "kung sabagay, lahat naman ng niluto tiyak na magugustuhan niya." Maya-maya'y dagdag niyang saad sa sarili bago itinabi ang cellphone at nagpatuloy na sa pagluluto.

Ibat-ibang putahe ang naisipan niyang lutuin na good for two lamang ang bawat klase since day off ni Nana Tacy dahil linggo. Nagprepare din siya ng side dishes kaya naman magsi-7PM na noong matapos siya.

Dumeretso na siya sa pagligo matapos magluto to freshen' up since pinagpawisan siyang magluto ng mahigit dalawang oras.

"Be there." Ito ang nakarehistro sa cellphone niya nang i-check niya ito. Kakatapos lamang niyang maligo n'un kaya naman dali-dali na siyang bumalik sa kusina para magprepare ng may malaking ngiti sa mga labi. "Nakz, nirereplyan ka na din ngayun!" Tudyo pa ng isang bahagi ng utak niya kaya napapangiti siyang nag-aayos ng lamesa.

"1 hour ago pa yung reply so baka paparating na yun. Almost eight na din." Saad niya pang muli habang inaayos ang mga utensils na gagamitin nila sa pagkain. "This is our first ever official dinner ng kaming dalawa lang. Parang unang date ba." Kinikilig niya pang bulong sa sarili.


____

Pauwi na sana n'un si General n'ung pumasok ang first lady sa office niya.

"Madam first-lady, what brought you here?" Propesyonal naman niyang tanong.

"Mabuti naman at naabutan kita General. My husband is busy so I just came straight to see you."

"What it is that you wanted to say then?" Kaswal niya pang turan.

"Khallib is not in the Palace. He ran away again. I've called his closest friends but nobody saw him. Dhark, you are my son's closest. He's been like that since the dinner party here in the Palace. I know, he has a problem, ayaw lang magsabi sa akin. But again, sanggang dikit kayo ni Khallib. Bawat kibo't galaw niya alam mo ang ibig sabihin, alam mo kung anu ang pahiwatig nun. Can you make time to find him?"

Hindi na muna siya tumugon nun at pasimpleng sumulyap sa kanyang relos. It's almost eight.

He let out a deep sigh bago napapatiim-bagang na binalikan ng tingin ang first-lady.

"O-okay then, I'll find him." Pormal niya paring saad dahilan para mapangisi ang first-lady ngunit dinaanan na niya ito at nauna ng lumabas ng office niya.

___

Bakas ang pagkaligalig sa mukha ng heneral habang siya'y nagmamaneho papunta sa nag-iisang lugar na alam niyang pinuntahan ni Khallib.

"Okay, I'll get him and go home right away." Pagsasawalang bahala na lamang niyang deklara sa kabila ng pagkaligalig lalo na't alam niyang may naghihintay sa kanya sa bahay.

Nagmistulang car race ang seste niya dahil sa mabilis niyang pagdadrive.



Sa isang high end club siya tumuloy sa isang beach resort just outside the city.

Paborito iyung tambayan ni Khallib noon pa man. Nagpupunta siya doon for two reasons only, when he's too happy, and when he's too sad.

Pagbukas niya pa lamang ng VIP room kung nasaan ito ay ingay at matapang na amoy ng alak na ang sumalubong sa kanya kaya bahagya siyang napahinto.

Khallib is with bunch of party people, they're drinking their ass* off.

Since hindi siya kilala ng mga ito, inakala nila siyang simpleng tropa lamang ni Khallib kaya naman pagpasok niya pa lamang ay kinuyog na siya ng mga ito lalo na ang mga babae to welcome him with a drink.

Tahimik lamang noong nakamasid si Khallib habang pinagpipyestahan ng mga kainuman niya ang heneral na noo'y nakacasual lamang kasi.

Wala namang nagawa n'un ang Heneral kundi ang mag-maintain ng lowkey profile at makiayon na lamang sa mga pangyayari causing him to take 1, 2, 3 and few more shots before he finally managed to sitdown beside Khallib na noo'y lasing na din.

Noong nawala na sa kanya ang atensyon sa kanya ng mga kasama nila sa room na noo'y nagsasayawan lamang ay nagseryoso na siya't inayos ang sarili bago bumaling kay Khallib.

"We have to go now. The first-lady is looking for you." Pormal ngunit pasimple niyang saad bago nginitian ang babaeng nakakapit na sa kanya mula sa tabi niya. That girl is even giving him a glass full of tequila.

"Mauna ka ng umuwi, I wanna stay here longer." Seryoso din namang saad ni Khallib kaya napatiim bagang siya, "don't be absurd and go home," mariin naman niyang mahinang saad kaya ngumisi ito.

"Absurd? Huh, says the man who is absurd enough to make me fool out of myself!"

"Do you think this is the right time for that?" Tanging malamig niya namang tugon kaya lalo itong napangisi at tinignan siya ng mariin.

"Kailan ba dapat? WHEN?!!!" Biglang galit na sigaw nito dahilan para mapahinto ang mga taong kasama nila at mapunta sa kanila ang atensyon.

Noon na tumayo ang heneral at sinabihan ang lahat na iwanan sila.

"Ngayung wala na sila, go on! Tell me everything that you've been enduring! Tell me!" Baling niyang mariing saad dito sa wakas. He's been turning a blind eye a malamig na pakikitungo sa kanya ni Khallib since the dinner party dahil naiintindihan niya, but it's just getting worse now so he better speak up.

Natahimik lamang si Khallib at sa halip ay iniwanan siya ng masakit na tingin bago bumaling sa tequilang nasa harap nito.

Uminom ito nu'n ng isang baso at uminom pang muli.

"What do you think you're doing Khallib?" Tanong niya naman ngunit hindi parin ito nagsalita at sa halip ay umiling lamang at uminom muli.

Noon na siya bumuntong hininga at tinignan ito ng mariin. "Kung wala kang sasabihin, let's just go then. I have a wife that's waiting for me at home!" Wala sa sarili niyang naihayag.

Napangisi naman ito sa sinabi niya. "Wife? Huh, don't call her that kung hindi mo rin naman siya kayang panindigan!" Masama ang timpla ng bibig nitong wika bago muling uminom.

Napatiim-bagang lamang siya dahil sa tinuran nito. Hindi siya nu'n nakapagsalita kaagad kaya nagsalitang muli si Khallib.

"Huh, I knew it. You're just going to ignore what I've said since it's about Shu. What do I expect, you don't value her so you're good at maintaining a straight face when it's about her! You've been married thrice already but you've treated them all the same! If Shuntal didn't conceive a child back then, you wouldn't even also bother to treat her right!" Mahabang mungkahi nito kaya naman ay napabalik na lamang siya sa upuan at inagaw ang hawak nitong baso ng alak at nilagok iyun.

Binigyan naman siya ng blankong tingin ni Khallib dahil sa ginawa niya ngunit uminom lamang muli siya bago magsalita habang sa hawak na alak nakatingin.

___

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon