Chapter 42

3.7K 65 3
                                    


     ____

      "General, the yatch where the President is, is under pirate attack! There are few firing being heard from the detector!"

"Connect me to the Russian Special Marine Guard and request the base to dispatch more team in small motorboats for an easier access and escape.

    "Copy that Sir. But what you planning to do now General?"

"I'm a kilometer away from the spot, preparing to engage!"

"What? But General, the situation is too dangerous! You have to wait for the Russian Marine guards, they're almost there."

"There's no time. The PSG is unresponsive. The pirates are on board now! The President's life is at stake! I have to engage now!"

"But General, you'll die if you'd do that!"

"If the President dies, I'll be sentenced to death too, what's the difference? It's my neglegence! Just do as I say and be on standby. Just remember to send my words to my wife if I won't make it!"

"General! General!" Malakas pang palahaw ni Lt. Carber na noo'y naiwan sa base ng Russian coast guard. Labis siyang nag-aalala sa Heneral dahil alam niyang anytime ay maari itong mamatay dahil sa delikado ang susuungin nitong mission.

Noon ay hindi na niya ito ma-contact.

___



"Lt. Carber, magandang araw sa'yo. Bakit ka naparito? Teka, hindi ba nasa Russia ka kasama ng heneral?" Tanong ni Shu kay Lt. Carber nang magpunta ito sa Griffin mansion.

"Lady Deanna," may lungkot sa mga matang tugon lamang ni Lt. Carber. Tila namumuo ang mga luha nito sa mga mata.

"Oh Lieutenant, bakit ganyan ang itsura mo? M-may problema ba? May nangyari ba?"

Hindi nun makapagsalita si Lt. Carber at nanginginig ang kamay na napahawak ng mahigpit sa envelope na hawak-hawak.

Napunta naman doon ang atensyon ni Shu kaya lalong nangunot ang noo niya.

Noon na iniabot ni Lieutenant iyun sa kanya with those melancholic eyes kaya lalo siyang nagtaka.

"Lieutenant, a-anu ito? Tsaka hindi ba't magkasama kayo ng heneral? Nasaan siya? Nakauwi din ba siya dito sa bansa?" Sunod-sunod parin niyang tanong at hindi muna binuksan yung envelope.

Tumango-tango naman si Lt. Carber, "o-oo, n-nandito na din ang-- ang heneral sa bansa. N-naiuwi na siya kani-kanina lang."

"T-talaga nandito na siya? Teka kasama mo ba siya? Asan siya?" Biglang liwanag ng mukhang nasasabik niyang saad at sumilip silip pa sa may gate banda ngunit walang ibang naroon kundi ang mga guards at ang kotse ni Lt. Carber kaya naman nagtaka siya.


"N-nasaan siya kung gayong nandito na pala siya sa bansa?" Tanong niya pa ngunit hindi na nakatugon pa ang Lt. at sa halip ay banaag ang lumbay sa mukha habang nakatitig sa envelope na hawak niya. Noon na siya napapalunok na napatingin din sa envelope with her smile slowly fading out dahil sa biglang pumasok sa isipan niya, "t-teka, s-sabi mo n-nandito na siya hindi ba?"

"O-oo, Deanna. N-naiuwi na namin siya dito sa bansa." Tila dumaloy ang kuryente sa buo niyang katawan nang magsink-in sa kanya ang tinuran nito.

"N-naiuwi?" Paglilinaw niya pang kinakabahang saad bago tinignan ng mariin sa mata ang kausap.

Noon na tuluyang tumulo ang mga luha ng Lieutenant kahit pilit niya iyong pinipigil.

Noon na natigilan si Shu at napaatras pa ng bahagya, "h-huwag mong sabihing..."

"Ikinalulungkot namin ang nangyari sa heneral Lady Deanna. I-- I'm so sorry."

"A-ANU?! Anung sinasabi mo? Hindi! Hindi totoo yan! Sabihin mo sa aking prank lang 'tu! Sabihin mo nagbibiro ka lang! Sabihin mo please!!!" Indenial pang bulalas ni Shu na ayaw maniwala ngunit tuluyan na din siyang lumuha.

"We've tried our best to save him but-- but he was bombed to death by a Somalian pirate few days ago when he's saving the President."

"F-few days ago? F-few days ago pa?!" Usal naman niya na tila natulingag sa narinig.

"We are very sorry Ma'am. We've just retrieved his body this morning---"

"NO! STOP IT! I DON'T BELIEVE YOU SO STOP IT! HINDI TOTOO YAN! HIND--"

"SHU! SHU DARLING! DARLING WAKE UP! WAKE UP DARLING, YOU'RE DREAMING!"

Ito ang tinig ni Nana Tacy na gumising kay Shu. Pawisan siya nu'n at mabilis ang tibok ng pusong agad napabangon.

"Darling, nananaginip ka. What is it about? Bakit parang namumutla ka, umiiyak ka din habang tulog" Kapagkuwa'y curious na tanong ni Nana Tacy na noo'y hinaplos pa siya sa likod.

Matagal naman siyang walang imik at panay-panay ang paghinga ng malalim. Hindi siya halos makahinga dahil sa panaginip niyang iyun.


"Darling, o-okay ka lang? Anu ba yung napanaginipan mo? T-teka, ikukuha kita ng tubi--"

"Ah h-hindi na po Nana, ako nalang po." Kaagad naman niyang pigil dito nang sa wakas ay magawa na din niyang magsalita.

"Hindi ako na, mukhang hindi ka okay eh. Sandali lang."

"Naku ako na po Nana. Okay lang po ako. It was just a nightmare po. W-wala po iyun." Paninindigan naman niyang saad bago ngumiti ng pilit para hindi na ito mag-alala pa.

"Ah eh ganun ba? Sigurado ka ah."

"Oo nga po. Okay lang po ako Nana."

"Oh eh siya sige, ikaw nalang ang manguha ng tubig mo, tsaka dumeretso ka na sa silid niyo ni Sir pagkatapos mong uminom para makapag-pahinga ka na ng maayos. Ako na ang magbabantay dito kay Elly.

"Po? Naku, hindi na po. Okay lang po ako, hintayin niyo nalang po akong bumalik tapos bumalik na po kayo sa kwarto niyo para matulog."

"Hay okay na ako Darling. Alas Siete palang kanina natulog na ako kaya may sapat na akong tulog. Ala-una na, ikaw naman ang matulog ng maayos doon sa kwarto niyo. Ako na ang bahala dito kay Elly. Sabi naman ni Doc Claire kanina bago siya umalis na maganda ang kalagayan ngayon ni Elly. Walang komplikasyon kaya tiyak hanggang umaga na ang tulog niya kaya makakatulog ka din ng maayos." Pangungumbensi pa nito kaya naman ay tumango na siya, "k-kung ganun kayo na po ang bahala sa kanya, basta tawagan niyo lang po ako agad kung sakali." Bilin pa niya bago tuluyang nilisan ang dati niyang silid kung saan nananatili muna si Elly habang hindi pa tapos ang space room nito sa loob mismo ng kwarto nila ng heneral para mas mabantayan nila ito.

Tinungo niya ang kusina upang uminom ng tubig.


Nakatalikod lamang siya nu'n habang malalim ang isip na umiinom ng tubig nang biglang may yumakap sa kanyang bewang mula sa likod.

Namilog ang mga mata niya nun dahil sa pagkabigla ngunit napalitan din iyun ng ngiti at saya nang maamoy niya ang perfume ng heneral.

Kasunod pa n'un ang pagdampi ng mga labi ng heneral sa ulo niya kaya kusang tumulo ang luha niya't agad itong hinarap para yakapin ng mahigpit, "OMG buhay ka! Buhay ka!" Pabulong niya pang wala sa sariling naibulalas kaya nangunot ang noo ng heneral.

"Sorry, what is it? B-buhay ako? Why not, of course I'm alive." Sunod-sunod namang wika nito ngunit ngumiti lamang siya't mas niyakap pa ito ng mahigpit.

Napangiti na lamang nu'n ang heneral sa kabila ng pagkalito at sinuklian na lamang din siya ng mas mahigpit pang yakap wrapping his arms around her.

"Ang sabi ko, na-miss kita and I'm thankful that you're finally home." Mahina niya namang muling sambit. Naramdaman naman niya ang malalim na buntong hininga ng heneral at ang paghigpit ng yakap nito sa kanya.

___


The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon