Chapter 74

3.7K 63 5
                                    

 
[A/N: oh hii ma'dears, been a while haha. My apologies, I was really busy last month w/ reports and stuff. Well, we have a job to keep:)
Anyways, vacation na so I'll be around as much as I can now:) Here's an update for tonight. Enjoy reading ♡]


____

   Kasalukuyang nagluluto si Shu ng dinner nang dumating si Dhark sa safehouse.

Sinalubong naman kaagad siya ng isang tauhan.

"Good evening, Sir." A'nito.

"Where's my wife?" Tanong naman niya kaagad bago iniikot ang paningin sa livingroom trying to find Shu.

"Ah, General, nasa kusina po si Ma'am Deanna, nagluluto."

Nang marinig iyun ay tumango tango na siya't hinubad ang suot na black suit bago iyun ibinigay sa tauhan.

Naglakad na siya patungong kusina matapos iyun.

While on his way, he halted for a second even before entering the main kitchen.

Namataan niya si Shu na noo'y kaharap ang kalan at abalang nagluluto.

Pinagmasdan niya muna ito habang nakapamulsa ang mga kamay.

Shu was just enjoying what she's doing. She's even humming in an almost faded voice dahilan para lumabas ang bahagyang pagngiti sa mga labi niya.

Nang iwanan nito ang kalan upang harapin ang kitchen bar kung nasaan ang iba pang mga gulay at prutas na inaasikaso nito ay doon na siya nagdesisyong lumapit sa asawa na hindi parin siya nauulinigan.

Kasalukuyang nag-e-slice ng gulay nun si Shu noong mapansin niya ang malimit nitong paghawi ng mga buhok nito na nakatakas na mula sa maluwang na pagkakatali.

He smiled after noticing it kaya imbes na sa harap siya lumapit ay sa likod na ng asawa siya dumeretso.

He gently pulled off Shu's loose ponytail, and then he temporarily held it with his lips bago unti-unting inipon at inayos ang mga buhok nito gamit ang kanyang mga kamay.

Nagulat at napatigil naman n'un si Shu na kaagad tumigil sa ginagawa para lingunin siya mula sa balikat. "H-HAN? NANDITO KANA PALA!" Kapagkuwa'y masaya nitong naibulalas noong mapagsino ang taong basta na lamang sumulpot sa likod.

Ngumiti lamang naman siya n'un bago niya ito sinenyasang lumingon na muna sa ginagawa lalo na't hindi siya makapagsalita gawa ng nasa mga labi pa nito ang pantali ng buhok nito.

Napangiti si Shu n'un dahil doon bago humarap muna saglit sa ginagawa hanggang sa matapos si Dhark sa pagtali ng buhok niya.

That simple action from her husband gave her butterflies in the stomach. Her cheeks even turned into tomatoes again.




Nang matapos na ito ay nakangiti niyang kinapa-kapa ang mga buhok upang tignan kung maayos ang pagkakatali nito.

"Did I do well?" Kapagkuwa'y presko namang tanong ni Dhark.

"Umm, pwede na!" Tila pagkipot naman niyang turan  para biruin ito nang yumukod ito bigla para hagkan siya ng mabilis sa mga labi kaya namilog ang mga mata niya as she smiles.

Nang yumukod muli ito para sana hagkan siyang muli ay umilag na siya't sinalubong ang mga labi nito ng kanyang palad kaya napangisi ito.

"What?" Pilyo pa nitong mahinang sambit at nagkibit balikat bago ngumiti.

"Mamaya ka na! Nagluluto pa ako." Nakatawa niya namang turan bago hinarap ang ginagawa ngunit napahiyaw siya ng wala sa oras noong bigla siyang yakapin ni Dhark sa bewang mula sa likod before he rested his chin on her shoulder para doon silipin ang ginagawa niya.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon