Chapter 39

4.1K 71 2
                                    


Makalipas ang ilang oras na pananatili sa silid ay sa wakas kumalma na si Shu at pinayapa ang sarili.

Makailang beses siyang kinatok ng heneral kanina ngunit hindi niya ito pinagbuksan.

Sa halip ay nagmukmok lamang siya hanggang sa makatulog siya. Now that she's awake at nakapag-isip isip na, pinayapa na niya ang sarili at nagdesisyon ng lumabas ng kanyang silid.


Pagbukas niya ng pinto ay natigilan siya't nagulat nang makita niya si Dhark.

Nasa gilid lamang ito ng pinto at nakaupo sa sahig habang nakayukong nakasandal sa dingding.

"H-Han," mahina at asiwa naman niyang tawag dito dahilan para mag-angat ito ng mukha at kaagad na tumayo para harapin siya.

"Deanna," Sambit pa nito sa pangalan niya.

"A-anung ginagawa mo dyan?" Mahina niya paring saad.

"I-- I'm just worried. I'm sorry," madamdaming mahinang sambit ni Dhark, "as you know by now, I have a child who's been missing for 5 long years and I'm sorry that I don't feel sorry enough that she's here, that I've finally found her. And-- and I'm ecstatic about it even if I know that on the contrary, you're shocked and hurt." Mahina at seryosong sambit pa ni Dhark kaya naman ay napaiwas siya ng tingin at napalunok. Ngunit saglit lamang iyun dahil ibinalik niya rin ang kanyang mga mata sa heneral matapos bumuntong hininga.

Ngumiti siya ng pilit bago tumingin saglit sa taas upang pigilin ang sarili sa pagluha, "Bakit? Bakit kailangan mong magsorry na sa wakas ay natagpuan mo na ang anak mo?" Mahina at mahinahon niya namang panimula dahilan para tignan siya ng heneral ng mariin.

"O-oo, s-subra akong nagulat kanina dahil sa biglaang pagdating ng anak mo, hindi ko alam kung anung iisipin o gagawin ko k-kasi ang komplikado ng nararamdaman ko. K-kaya nga din siguro ako nagwalk-out kanina, pero gusto ko lang mapag-isa at mag-isip-isip. In the end, i-isa lang ang malinaw sa'kin, h-hindi ako galit. Naiintindihan ko ang pagkakaroon mo ng anak. Well, bago tayo ikasal alam ko ng may mga naging una kang asawa. H-hindi na nakakagulat kong may anak ka. S-siguro ang masakit lamang ay hindi ko iyun nalaman noon pa man at bakit sa ganitong paraan siya naipaalam sa akin? Nakakagulat at nakakalito." Mahaba niyang madamdaming pahayag kaya napabuntong hininga ang heneral at tinignan siya ng may awa sa mga mata.

Hindi pa man ito nagsasalita ay nagsalita na siyang muli.

"P-pero huwag kang mag-alala, mahal kita at handa akong tanggapin ang lahat l-lalo na ang-- ang anak mo. Matagal mo siyang hinanap, matagal kang nangulila sa kanya. A-alam kong hindi din naging madali sa'yo ang lahat ng ito k-kaya masaya din ako na sa wakas magkasama na kayong dalawa ng anak mo--
a-anak natin-- k-kung papayagan mo akong maging ina niya." Marahan niya pang sambit kaya naman hindi alam ng heneral kung anu ang kanyang mararamdaman.

Napayakap na lamang siya kay Shu ng mahigpit dahil sa tinuran nito, "t-thank you, you have no idea how your words comforted me," maya-maya'y mahina niyang sambit.

Tumulo na n'un ang mainit-init pang butil ng luha mula sa mata ni Shu ngunit sa kabila n'un ay ngumiti siya ng pilit at kumalas na sa pagkakayakap sa heneral, "I'll be fine Han, h-hindi ko alam kong paano o kelan, b-but-- I'll be fine. Aalagaan ko at pag-aaralang mahalin ang anak mo sa abot ng aking makakaya, I will treat her as my own child. Magaling naman akong mag-alaga ng bata eh, sanay na ako." Iyak tawa niya pang dagdag na pilit biro kahit na emosyonal parin siya.

Kinuha naman ng heneral ang kanyang mga kamay at hinaplos ang mga iyun, "thank you, I really am." Mahina nitong sambit bago pinunas ang kanyang mga luha sa pisngi, "but Deanna, d-don't be hard on yourself, I'll take care of Elly so you don't have to worry about her."

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon