Chapter 19

11.2K 201 15
                                    




____

Nakasandal lamang sa headboard ng kanyang kama si General habang nagbabasa ng libro nang pumasok si Shu pagkatapos kumatok.

Hindi na nito hinintay ang pagtugon niya kaya naman nilingon niya ito ng kunot ang noo.

"Umm, anung ginagawa mo?" Kaswal nitong tanong bago naupo sa kama, sa paanan may niya.

"Obviously, I'm reading." Tugon niya naman kaya ngumiwi ito gayun pa man ay nanatili parin itong kalmado.

"Umm, anung binabasa mo?" Tanong nitong muli kaya tinignan niya ang cover ng libro bago ito nilingon.

"You could tell that yourself just by looking at the book's cover. Artificial Intelligence, it says." Tugon niya kaya napapikit ito dahil sa pagkainis ngunit nagpigil parin ito bago siya nginitian.

"Magluluto pala ako for dinner mamaya, anung gusto mong lutuin ko." Muli pa nitong tanong ngunit halata na ang pagkainis nito kaya lalo niya pa itong inubos.

"I'm sure you have already planned what you'll cook. Besides, Nana Tacy knows what can I and can't eat." Kaswal niya lamang na tugon at ipinako na ang mga mata sa libro kaya tuluyan ng naputol ang pasensya ni Shu. "YAHHH!!!" Inis nitong sigaw sabay kuha ng libro sa kamay niya at ibinagsak iyun sa kama bago tumayo.


"Ganyan ka na ba talaga kamanhid?!"

"Why? What did I do?" Maang-maangan niya pang turan.

"Huh! Hahha! Tatanungin mo talaga kung anung ginawa mo? Sana sa talino mong iyan ay natuto ka rin kung paano maging sensible nu? Magbasa ka kaya ng libro tungkol sa girl-codes. Wala ka kasing lambing eh. Kapag nagtatanong ang babae ng kung anung ginagawa mo, kahit obvious, dapat sana mag-try ka manlang sumagot ng tama. Maanong sabihin mong 'ito nagbabasa, ikaw bakit ka nandito? May kailangan ka ba?' Ganun! Ganun dapat ang sagot dun! Kapag tinanong ka naman ng kung anu ang binabasa mo, wala talagang pakialam yan sa title, ang gusto niyang marinig 'ah wala lang ito, halika nga dito,' Ganun,  tapos lambingin mo at itabi mo muna yung libro. Kapag tinanong ka naman kung anung gusto mong pagkain sabihin mo kung anung gusto mo kasi kaming mga babae kaligayahan namin yun, o kaya sabihin mo, 'tulungan na kita, oh kaya naman 'huwag ka ng magluto, let's eat outside, or pwede mong sabihin, I'll cook for you, what do you want?' Ganun! Ganun dapat ang tugon d'un hindi yung--- hindi yung haysss! Nakakainis ka!" Mahabang litanya ni Shu out of frustration.

Gusto niyang ngumiti n'un but he chose to maintain his straight face na lalong ikinainis nito.

"Wala ka bang kaibigang may asawa o may girlfriend? Subukan mo kayang kumuha sa kanila ng tips para naman lumambot yang puso mo at magkaroon ka din ng kahit kaunting kalandian sa katawan!"  Mahaba pa ulit nitong sermon kaya napangisi na siya.

"I don't have friends, besides, those people around me would rather ask advice from me than to dare to advice me." He said coolly kaya napangiti ito.

"Ah talaga? Then bakit hindi mo subukang magpaturo dun sa pinsan mong si Khallib. Yun, expert yun magpakilig ng babae at expert sa girl's code, mabuti pa nga siya eh!" Mungkahi ni Shu dahilan para magpanting ang tenga niya.

Noon na siya utomatikong napaseryoso.

"So, you really do like him, don't you?" Mapang-usig niyang tanong kaya natigilan ito ngunit matapang siyang tinignan sa mga mata.

"Bakit hindi? He's maybe playboy, but atleast he knew how to value people." Seryoso nitong saad which pierced him directly to heart ngunit ayaw niya iyung i-acknowledge. Instead, he stood up straight and stared at her with his cold looking face which is his usual face.




The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon