Chapter 81

7K 150 15
                                    






Banaag ang pagkalito at pagkaalarma sa mukha ni Khallib matapos nilang mabuksan ng mga bodyguards niya ang pinto ng redroom.


"KHALLIB?!" Kaagad namang bulalas ng first-lady nang iluwa ng bumukas na pinto ang anak.

Nagtinginan naman nun sina Shu at Claire na noo'y malalalalim ang mga paghinga.

"Shu! Thank goodness you're alive!" Sambit naman ni Khallib na dumeretso kay Shu bago nilingon ang ina at mabilis na tinignan ang buong silid.

"What the hell is going on here Mom? What the hell are all of these?!" Bulalas niya pa.

"K-Khallib, a-ang mama mo--" Panimula palang naman ni Shu nang putulin siya ng first-lady gamit ang baril nito.

"You shut up b!tch!"

"MOM NO! MO--" sigaw naman ni Khallib bago dali-daling ihinarang ang katawan upang saluhin ang bala mula sa baril ng ina na ikinagulat naman nito ng labis.


"KHALLIB!!! WHAT DID YOU DO SON!!!" Namimilog pa ang mga matang palahaw nito na kaagad tumakbo para puntahan ang agad ding humandusay na anak dahil sa tama ng baril.

"K-Khallib!" Mahina namang usal ni Claire na noo'y nasa likuran lamang ni Shu na noo'y tutop lamang ang mga bibig. Napasalampak na rin siya sa sahig dahil sa pagbagsak ni Khallib na kalong-kalong niya. Nanlalaki lamang ang kanyang mga mata at nanginginig ang kanyang buong katawan dahil sa pagkagulat sa nangyari.

Tila paralisado ang kanyang dila, hindi siya makapagsalita.

"My son! Why did you do such thing?! Khallib wake up! Khallib!!!" Palahaw parin naman ng first-lady kaya naman nagdesisyon na si Claire na sabihan na si Shu na tumakas na habang nasa ganoong sistema pa ang first-lady.



Ayaw pa sana ni Shu ngunit naisip niyang mas delikado kapag nanatili pa siya doon at bago pa mahimasmasan ang first-lady kaya naman tumayo na siya. Inalalayan nila ang isa't isa patungo sa pinto ngunit kakalabas pa lamang nila ay sunod-sunod na putok ng baril mula sa first-lady ang humabol sa kanila.


"B!tches! Where do you think you're going, huh?! You can't escape me! Pare-parehas tayong mamamatay dito!!!" Galit pang sigaw ng first-lady.

"A-Ate, please stop it! Please stop!"

"No! Isa ka pa! Iiwan mo din ako? No, isasama kita sa hukay ko!"

"Clarissa anu ba!" Palahaw naman ni Shu na noo'y nasa sahig na habang hawak-hawak ang tagilirang tinamaan kanina. Akala niya yun lamang ang tama niya, she doesn't realized that there's another bullet on her neck, just below her ear.

"Oh my dear! S-Shu, y-your neck..." mahina at naiiyak namang wika ni Claire na pinilit pang lumapit sa kanya dahil may tama rin ito. Banaag ang takot at pag-aalala sa mga mata nito para kay Shu.

Noon na napahawak si Shu sa kanyang leeg gamit ang nanginginig na kamay na agad ding nabahiran ng kanyang sariling dugo na nagsisimula ng bumulwak mula sa kanyang leeg. Napatitig pa siya nun sa kanyang palad na puno ng dugo bago tuluyang nangilid ang kanyang mga luha. Nagsimula siyang nakaramdam ng takot na maaring iyun na ang kanyang kamatayan.

Matagal siyang tumulala habang nakatitig sa sariling mga palad at tumatangis ng walang tunog. Her gazes were out there in the wild and full of fear. Fear of death without being able to see her husband at the very last moment.

Seconds had passed, she started vomiting her own blood kaya tuluyan na siyang napaluha as she knows that she's severely wounded.

"Shu..." umiiyak namang sambit ni Claire na balak pa sana siyang agapan ngunit bago pa man ito makalapit sa kanya ay tuluyan na siyang lumagapak sa sahig banging her on head on the floor.

"Oh no! Shu!!!" Palahaw na lamang ni Claire but she too has multiple gunshot wound kaya unti-unti na rin itong nanghihina at hindi na makalapit sa kanya.



"H-Han..." Mahina niya namang naisambit bago pa siya tuluyang mahimbing.



"TIGIL! WALANG KIKILOS NG MASAMA! MGA POLICE KAMI AT NAPAPALIGIRAN KANA NAMIN!" Ito naman ang bumasag sa pansamantalang pagtakas ng katinuan ng first-lady na noo'y tila na tauhan at nagpaikot-ikot pa upang pasadahan ng tingin ang paligid. Tila hindi niya alam ang gagawin.


"No! No, this is not happening! This can't be! This is not happening!!! No!!!" Bulalas niya at napahawak pa sa sariling ulo while still holding her gun.

Noon niya nalingunan ang red room at nakita ang anak na nakahandusay sa sahig kaya lalo siyang naalarma. "Wait! M-my son! My son! He needs to be treated! You have to help me save him! Khallib!!!" Samo't sari niya pang palahaw bago tumakbo pabalik sa redroom leaving her gun behind. Deretso siya sa kinaroroonan ni Khallib upang kalungin at yakapin ito.

"KHALLIB!!!" Ito pa ang pumailanlang sa buong silid kaya naman tumalima na din ang mga awtoridad.

"Men! Search the area!"

____






[BREAKING NEWS]

KAPAPASOK lamang na balita!

Nito lamang mga oras na ito ng hapon ay inaresto ang kasalukuyang first lady na si Clarissa De Magiba- Villarialle, sa kanyang rest house sa Tagaytay kung saan niya dinala si Shuntal Deanna Torres- Griffin, ang third-wife ng dating heneral ng palasyo na si Dhark Han Villarialle Griffin at ang kanyang kapatid mismo na si Shuntal Claire De Magiba bilang hostages.

Ayun sa pa-unang imbestigasyon, nasabing kinidnap niya ang mga ito at ikinulong sa kanyang rest house sa hindi pa matukoy na dahilan.

Nito lamang alas-dyes ng umaga ay nakatanggap naman ng tip ang mga awtoridad tungkol sa insidente kaya naman ay nagsagawa sila ng agarang operasyon at naabutan nga ang kahindik-hindik na pangyayari sa rest house ng first-lady.

Wala ng malay at pare-parehong naliligo sa kanilang sariling mga dugo ang tatlong biktima ng first-lady na sina Shuntal Deanna Griffin, may dalawang tama ng baril, Shuntal Claire De Magiba may tatlong tama, at ang nag-iisang anak mismo ng first-lady at ng Presidente na si Khallib Gray Villarialle, may malubhang tama sa dibdib.

Dinala ang tatlong nabanggit sa Garriego Medical Group Foundation at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa kabila ng agarang medical attention.

Umugong ang samo't saring espekulasyon at usap-usapan dahil sa mga nangyayari sa first family ngayung araw. Matatandaang nito lamang tanghali ay naglabas ng presscon ang kampo ng Presidente tungkol sa mga maling gawain ng first-lady at ngayun nga ay napapabalitang sangkot ito sa kidnapping at attempt murder at kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI.

Hindi pa namin nakukuhanan ng pahayag ang hospital, ang first-lady, at ang NBI ngunit patuloy parin ang imbestigasyon at gayun din ang pagkalap namin ng sapat at wastong impormasyon ukol dito.

Nagbabalita, Andrea Tilde, ng 24/7 NEWS!

_____









The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon