Chapter 64

4K 75 24
                                    



Napahilamos si Dhark ng kanyang sariling mga palad kasabay ng malalim na buntong hininga nang paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang pag-iyak ng kanyang asawa kanina.


Subra siyang nagi-guilty dahil alam niyang hindi lamang dahil sa pag-aalala kay Elly ang dahilan nun. Alam niya sa sarili niyang siya ang dahilan ng mga pagluha ng kanyang asawa.


Batid niyang wala siyang karapatang paghintayin ito ng eksplanasyon niya gayong alam na alam niyang subra itong nasasaktan dahil sa panloloko niya.


Mabigat ang paghingang napaupo siya sa kamang nasa loob ng kanyang selda.


"I'm-- I'm sorry, Deanna. I really am. I've been lying to you all this time and you don't deserve it at all. You don't deserve someone like me, I'm selfish and such a manipulator. But that's just me, I've molded myself that way, I had to. It's just a pity that you have to be part of my life, now you're miserable. You deserve a better life, Deanna. And that's why I-- I promise that I should give it to you as soon as possible. I'll let you live the life that you deserve, a life that's not miserable like what you have now with me. I promise that." Madamdamin ang bawat pagbigkas na pahayag niya pa bago pinunas ang kanyang luhang tahimik lamang na dumadaloy mula sa kanyang malamlam na mga mga.


Ilang beses pa siyang nagpalakad-lakad sa kanyang selda habang nag-iisip hanggang sa mapasalampak na lamang siya sa sahig at sumandal sa dingding.

He wonders how Shu's doing. How is she handling the situation lalo na't alam niyang alam na nito ang katutuhanan tungkol kay Claire, siya, at Elly.

Dahil sa isiping iyun ay napayuko na lamang siya while letting out white little sobs.

___



Makalipas ang ilang sandali ng pagtangis at pagkulong sa secret room ay natagpuan na lamang ni Shu ang sariling pababa na ng hagdan upang tunguhin ang kusina.

Gusto niyang makausap si Nana Tacy. Madaling araw pa lamang ngunit alam niyang gising na ito.

Bago pa man makapasok sa kusina ay may naulinigan siyang mga tinig mula sa dining area kaya kaagad siyang lumiko at sumilip doon.

She's surprised to see Nana Tacy consoling Claire who was sobbing. Sa tingin niya katulad niya ay hindi rin natulog ang mga ito. Gayun pa man ay hindi niya mahanap ang pakiaalam niya para kay Claire sa kanyang puso.

Her heart seems numb.

Napakuyom lamang siya nu'n ng mga palad habang nagpipigil ng luha.


Tuluyan na sana siyang papasok doon nang matigilan siya dahil sa usapan nung dalawa na mas maliwanag pa sa araw sa kanyang pandinig.



"Claire, since dumating na rin lamang tayo sa ganitong punto, at tiyak na naghihinala na rin si Shu sa'yo, let's just tell her everything." tinig ito ni Nana Tacy.

"P-pero nawawala pa po si Elly," tugon naman ni Claire.

"And? Claire, sabay-sabay na ito para isang bagsakan na lamang."

"Nana, hindi ko na alam, natatakot ako. Ang-- ang selfish ko."

"Nagmamahal ka lang anak." tugon naman ni Nana Tacy kaya napangiti siya ng mapait.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon