Chapter 17

6.6K 110 2
                                    


        Ang tanging nasaisip lamang ni Shu habang pinagmamasdan ang mga fireworks sa kalangitan ay kung kailan kaya ang new-year na makakasama niyang magcelebrate ang General, o kung mangyayari ba kaya iyun ever? Or will it be just the same situation all the time?

Dahil sa isiping iyun ay hindi niya napansing humupa na pala ang mga fireworks at kalahating oras na pala siya doon.

Noon na siya nagdesisyong na bumalik sa kwarto niya. Pababa na siya nu'n ng hagdan noong mapatingin siya sa silid ng General kaya napatigil siya hanggang sa matagpuan niya ang sariling nasa loob na ng silid.

She's staring at the big portrait sa dingding na siya mismo ang gumawa. It's almost as big as the half of a king-sized bed. Yun ang pinagkakaabalahan niya kapag boring na boring siya. Gayun din ang mga ibat-ibang paintings na pumuno sa buong mansyon.

Pag-upo niya sa kama ay nakatitig parin siya sa portrait sa dingding. It's a wedding portrait of her and the General na sinimulan niyang ipininta noong gabing nagkulong sa banyo ang heneral noon. Since ginawa niya iyun n'un bago pa ang proper wedding nila, ang itsura niya sa portrait ay bunga ng imahinasyon niya. Kaya naman bago ang proper wedding ay siya mismo ang nagdesign ng wedding gown na susuotin niya at base iyun dun sa gown na natapos na niyang ipininta. Ginaya niya din ang ayos ng buhok niya doon sa painting.

Sa painting, she's happily standing beside the General. As for the General's portrait, nagresearch siya ng kung anung itsura ng common general suits during a wedding kaya iyun ang ipininta niya bilang suot ng kanyang asawa at kapareho nga iyun nung suot ng heneral noong kasal nila, magkaiba nga lang ng kulay but it doesn't matter dahil portrait naman iyun. She used vivid colors to make it more beautiful and eye catching. The only strange about the portrait is that, walang ulo ang heneral. Hanggang leeg lamang ang naipinta niya. Noon, ang rason niya kaya headless ang heneral ay dahil hindi niya pa ito nakikita at hindi niya alam ang itsura nito. Ngayun na alam na niya ang itsura nito, hindi niya parin ito binuo and she has he own reason for leaving it like that, for leaving the General headless.

Dahil sa halo-halong isipin at dahil anung oras na rin ay hindi na namalayan ni Shu na nakatulog na pala siya sa silid ng Heneral.

Dahil nga hindi naman niya sinasadyang makatulog doon ay nakabalandra lamang siya sa kama at namamaluktot sa lamig ng aircon habang nakaunan sa sariling mga kamay.




____

      Ginising si Shu ng sinag ng araw mula sa nakabukas na bintana.

    Nakatagilid siya nu'n at nakayakap sa isang bagay na inakala niyang unan.

Nang magmulat siya ng mga mata ay doon na siya bahagyang napaigtad because of the scene before her eyes widely opened eyes.

Napakuskos pa siya nun ng mga mata at napakurap-kurap ngunit lalo lamang niyang napagtanto na hindi siya sa unan nakaharap at nakayakap kundi sa Heneral.

Halos wala siyang alam sabihin nun dahil sa pagkagulat at dahil narin sa pagkalito. Tinusok niya pa ito ng hintuturo sa pisngi at namilog ang mga mata niya lalo n'ung mapatunayan niyang totoo ito at hindi siya nag-iimagine lang o nananaginip.

      "T-totoo ka? N-nandito ka na?" Hindi niya parin makapaniwalang sambit nang magulat siyang muli dahil sa sunod na nangyari, "I'm deprived of sleep for six months so don't disturb me." Mahina nitong sambit ng nakapikit parin kaya lalo siyang nagulat at babalikwas sana ng pagbangon ngunit bigla siyang napabalik sa paghiga dahil dumagan sa kanya ang paa at isang kamay ng heneral.

"You've used me as pillow all night. I should get some payment now." Wika pa nito sa inaantok na tinig habang nakapikit parin bago siya niyakap mula sa bewang dahilan para mas magdikit sila. Hindi na ito nagsalita o gumalaw matapos iyun, sa halip ay tila matiwasay na itong natutulog.

     Hindi naman niya alam kong anung mararamdaman niya or what's gotten into her. Nakatulala lamang siya habang nakatitig sa gwapo at maamo nitong mukha habang ito'y natutulog.

      Nasa ganoong seste siya ng ilang minuto hanggang sa tumulo na lamang basta ang tahimik na luha sa kanyang mga mata. Kasunod nun ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi. Her mind and her body have finally recovered from being shocked and now realized that he's real, he's really back home.

       Sa kung anung ihinaba ng pagtulog ng Heneral ay ganu'n din ang ihinaba ng pagtitig niya dito dahil magkaharap at dalawang dangkal lamang naman ang layo ng kanilang mga mukha sa isa't isa.

    "Umm' may natira pa ba sa mukha ko? I'm afraid nothing is left. You've been staring at me the whole time." Walang anu-ano'y biglang saad ng Heneral kaya nagulat na naman siya. Mabuti na lamang at nakapikit parin ito.

"A-ah, h-hindi ah." Mahina at nahihiya naman niyang depensa subalit napalunok siya sa pagkataranta n'ung biglang magmulat ng mata ang heneral.

For some reason ay namimilog lamang ang kanyang mga mata at nakaramdam ng hiya. Maybe because it's been six months na hindi sila nagkita.

Napaiwas pa siya at nagbaba ng tingin dahil sa mapanupil na mga titig ng heneral kaya narinig niya itong ngumisi. Nang magbalik siya ng tingin dito ay nagtama ang kanilang mga mata at isang dangkal na lamang ang pagitan ng kaninalang mga mukha.

Ilang segundo pa ang lumipas ay nagbaba na ng tingin sa kanyang mga labi ang heneral at bahagyang nag-angat ng ulo para mas lumapit sa kanya. Utomatiko naman siyang napalunok n'un at noong gahibla na lamang ang layo ng mukha nito sa kanya ay napapikit siya ngunit lumipas ang ilang sandali ay walang halik na nakarating sa mga labi niya, sa halip ay narinig niya itong bumulong.

"Your husband wants some coffee, can you go make one." Bulong nito kaya napamulat siya ng mga mata at namulatan niya itong ngumisi sa kanya.

Noon na siya utomatikong napangiti bago tumango.
"Ah o-okay, H-Han." Mahina at nahihiya niyang tugon at bumangon na.

     Nagtalukbong naman muli nun ng kumot ang heneral habang nakangiti  matapos siyang sundan ng tingin.

   Napasandal naman sa saradong pinto n'un si Shu paglabas ng silid. Noon na namula ang mga pisngi at tuluyang napangiti ng may ligaya bago tumuloy ng hagdan para tunguhin ang kusina to make coffee and breakfast for his long awaited husband: who is now home.

   ____




The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon