Chapter 86

6.8K 145 4
                                    

[Hiii there! Sorry for not being around for long...just busy with a lot of stuff going on. Anyways, here are the new chaps! Road to the end:) Enjoy! Gracias 🤌]


____



Present day...



       "NAY SULENG, SI SHU PO, WALA NA NAMAN POD SA KWARTO NIYA!" Humahangos na bulalas ni Cera pagbungad palang sa kusina kung nasaan ang ina ni Shu.

"ANU? WALA NA NAMAN SIYA?" Gulat naman nitong tugon na iniwan pa saglit ang niluluto dahil sa pagkaalarma.

"Opo, Nay. Wala din po siya dito sa mansion. Kanina pa po ako naglilibot para hanapin siya eh, pero wala po siya."

"Hah? Saan na naman kaya siya nagpunta! Hay!!!"

"Eh Nay, hindi ho kaya nagpunta na naman po siya sa hospital?" Suhestiyon pa ni Cera kaya naman natigilan ang matanda.


"Maari," Kapagkuwa'y tugon nito kasabay ng isang malalim na buntong hininga dahil sa awa sa anak.




Tatlong buwan na ang nakalipas simula nang magising at makalabas si Shu sa hospital.

Apat na buwan naman simula noong maganap ang engkwentro sa ospital kung saan namatay si Dhark.

Dahil sa nangyaring engkwentro sa harapan ay nagkaroon ng sepsis shock si Shu na naging sanhi ng muntikan niyang pagkamatay. Mabuti na lamang at nabuhay pa siya matapos ang halos isang buwang commatose status sa GMGF hospital.

Subalit sa kabila ng isang buwang commatose status ay si Dhark ang unang-unang lumabas sa mga bibig niya pag-gising na pag-gising niya mula sa mahabang pag-idlip.

Sariwa sa kanyang gunita ang naganap sa araw kung saan nasaksihan niya ang naganap na engkwentro sa pagitan ng kanyang asawa at ang NBI, lalo na ang Nocturnal Bandits na noo'y nakita niyang nabuhay at umalis mula sa silid niya bago pa man siya magka-sepsis shock.

Nagising siyang walang amnesia, ngunit nagising siyang may galit at puno ng pagluluksa.

Malinaw na malinaw sa kanyang ala-ala ang naganap sa kanyang asawa kaya naman simula noong magising siya'y hindi siya makausap ng maayos.

Araw-araw, oras-oras siyang umiiyak. Hindi kumakain ng maayos at tulala, laging tila wala sa sarili.

Kung wala sa libingan ni Dhark, ay nasa lawa siya, sa likod ng Hospital kung saan bumagsak at namatay si Dhark.

Ayun sa imbestigasyon, dahil sa malakas na pag-ulan noong naganap ang engkwentro sa hospital ay nalunod si Dhark. Matapos ang isang linggo ay natagpuan ang pinaniniwalaang bangkay nito na bloated at naaagnas na. Nakita ito sa maputik na bahagi ng lawa ilang metro ang layo sa ospital.

Lumabas sa DNA sample na si Dhark nga iyun at dahil na rin sa suot nitong itim na jacket at polo-shirt.



______






"I'm sorry, Nay Suleng. K-kasalanan ko po ito, kung naging matapang lamang sana ako noon at sumunod sa kasunduan, edi sana wala po si kambal sa ganitong sitwasyon. Edi sana hindi niya naranasan ang lahat ng napagdaanan niya na naging resulta ng pagpapakasal niya kay Dhark dahil sa agiging mahina ko." Nakukunsensyang wika ni Cera sa ina ni Shu habang sila'y nakatayo sa di kalayuan mula sa lawa.

Kaagad silang nagpunta doon dahil nga nawawala na naman si Shu sa mansion ng mga Torres sa probinsya.

Bumyahe na naman pala mag-isa si Shu para magpunta ng Manila para lamang tumambay sa gilid ng lawa kung saan namatay si Dhark.

Sa nakalipas na mga buwan ay lagi nito iyung ginagawa. Lumuluwas sa Manila para lamang puntahan ang libingan ni Dhark o kaya ang lawa.


Ngayun ay naabutan nila itong tulala lamang na nakatayo sa gilid habang nakatunghay sa lawa.

Hindi sila lumapit ng husto dito ngunit batid nilang umiiyak na naman ito dahil sa malimit nitong pagpunas ng pisngi.




"Kung may magagawa lamang po sana ako upang maibsan ang sakit na nararamdaman ni kambal ay gagawin ko." Sambit muli ni Cera kaya naman hinaplos siya sa likod ni Suleng bago ngumiti ng mapait, "Tapos na Cera, nangyari na ang nangyari. Huwag mo ng sisihin ang sarili mo. Kasalanan ko din naman dahil pumayag ako sa gusto ng iyung mga magulang noon. Kung sana mas naging matapang ako."

"Nay..."

"Pero wala na tayong magagawa pa ngayun Cera. Nangyari na ang mga nangyari, ang kailangan na lamang nating gawin ngayun ay ang tulungan si Shu na makabangon muli, na magrecover at magkaroon ng bagong kabanata ang buhay. Nang sa gayun ay maging masaya siya ulit at magkapag-asa."

Tumango-tango siya sa sinabi ng huli.

"Pero Cera, hindi mangyayari iyun hanggat nandito si Shu. Tatlong buwan na ang nakakalipas ngunit wala paring improvement sa kanya. Araw-araw parin siyang umiiyak, hindi makausap ng maayos at laging tulala. Lagi parin siyang tumatakas, bumabyahe ng apat na oras para lamang magpunta dito sa lawa o kaya sa sementeryo para kay Dhark. Hanggat naririto siya, hindi siya makakalimot sa mga masasakit niyang napagdaanan. Hindi siya makakamove-on kay Dhark at hindi siya kailan man magiging maayos muli."

"A-anu hong ibig ninyong sabihin, Nay?"

"Dadalhin ko ang anak ko sa ibang bansa, Cera. Kailangan niya ng bagong kapaligiran at bagong buhay upang makaalpas sa pinagdadaanan niya ngayun."

"I-ibang bansa ho? S-saan naman po?" Gulat namang naitugon ni Cera.

"Nasa London ang ate niya, gusto siyang kunin doon para ipatherapy at para doon tulungang makarecover. "

"P-po?"

"Cera, anak, hindi makakabuti sa anak ko ang manatili pa dito. Hindi siya makakalimot. Uuwi ang ate niya sa darating na buwan para kunin siya. Doon na siya mananatili. Ako naman ay babalik na sa Batanes, kami ng aking pamilya. Mas mabuti na yung ganito. Lalagay na si Shu sa malayo at tahimik, gayun din kami."




______






















































The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon