"I'm not going to meet her. Not today." Seryosong pahayag ni General Griffin sa kausap na Lieutenant."Ngunit betrothal wedding ninyo ngayun, General. Hindi po ba nararapat lamang na naroon ka?"
"It doesn't matter. I was just dragged into this shit. You can go in my stead." The General replied maintaining a straight face.
"B-But General, ipinahanda na ng first lady ang iyung magiging kasuutan. Tiyak ay hahanapin ka rin ng ilang mga VIPs na dadalo sa betrothal."
"Security threat is more important than that. Hindi na kailangang makarating sa first lady pa ito. You do your part. No information of that wedding should be leaked or else..."
"I- I understand General. Gagawin ko po ang mga dapat kong gawin." Agad na lamang na tugon ng Lieutenant dahil alam na niya ang karugtong nun.
"Good."
"Ah- General,"
"Yes?"
"H-how about your wif--"
"Miss Torres! That's how you should address her. She's too young to be addressed as my wife. It will take time!" He cut him off.
"O-opo. K-Kung ganun, anu pong gagawin sa kanya pagkatapos ng dinner tonight?"
"Take her with you here in Manila. My house is waiting. Nanay Tacy is there waiting for her. She knows what to do with Miss Torres so you can just leave her in my house."
"Copy that, General!"
"She's just grade 11. She needs more time to build herself and mature. Ayuko ng alagain! I'm not a babysitter after all!" He said in a mocking tone bago ngumisi kasabay ng pagluwag niya ng kanyang necktie.
_____
Isang malaking katanungan sa isipan ni Shu Torres kung kelan kaya o saan niya makikilala ang lalaking pinakasalan niya.
Sa loob kasi ng dalawang taon simula noong ikasal sila ay hindi pa sila nagkikita o kahit boses manlang nito ay dipa niya narinig.
Oo nga't nakatuntong na siya at dalawang taon ng naninirahan sa bahay na pag-aari ni General Griffin ngunit ni anino nito ay hindi pa nagparamdam sa kanya. For 2 years, she's been wondering about the General. Anu kaya ang itsura nito, boses, o kahit pa ugali kahit na marami na siyang naririnig na sabi-sabi tungkol sa masama at mabagsik nitong pagkatao.
____
2 YEARS EARLIER
"Eh Inang, ala naman po kasi akong alam dyan sa kasal kasal na iyan eh. Isa pa, sixteen palang po ako."
"Shu anak, alam naman namin iyun. Pero diba nak eh pumayag kana. Isa pa, hindi naman ito final anak, parang pamamanhikan palang naman ito. Para lang matupad yung kasunduan ng pamilya nila Señora at ang first family ng bansa, ang mga Villarialle."
"Tama ang iyung Inang, Shu. Huwag kang mag-alala, pre-wedding lamang itong magaganap, kapag nasa tamang edad ka na tsaka gaganapin ang proper wedding."
"Eh kung bakit naman po kasi may ganitong mga kasunduan pa." Ismir naman niya kaya ngumiti ang Señora.
"Hmm, marami man tayong katanungan ukol sa ganitong mga bagay, wala tayong magagawa kundi ang sumunod. Mahalagang pahalagahan din natin ang mga salita at habilin ng mga naunang myembro ng pamilya para sa maayos at tahimik na buhay. Kundi ay malaki ang magiging kabayaran. Mamalasin tayo o kami habambuhay at ayukong mangyari iyun."
BINABASA MO ANG
The Demon General's Young Wife
RomanceApat na taon nang kasal si Shu sa isang lalaking hindi niya pa kailanman nakikita o narinig ang boses. Hindi siya dapat ang ikakasal dito; dapat ay ang nag-iisang anak na babae ng mayamang pamilyang pinagtatrabahuhan ng kanyang ina. Isang magulong k...