Chapter 66

3.5K 59 2
                                    






"Where are you going?" Mapang-usig na tanong ni Khallib kay Shu nang mapansin niyang naghahanda itong lumabas. Kasalukuyan silang nasa Villariale mansion. 

Hindi naman kaagad sumagot si Shu na noo'y inaayos pa ang mga laman ng bag. Hindi niya nagustuhan ang bigla na lamang pagpasok ni Khallib sa guestroom na inuukupa niya. Bukod pa doon ay hindi maganda sa pandinig niya ang tono ng pagtatanong nito.

"So, where are you heading to?" Muli ay tanong nito kaya naman pinansin niya na ito matapos huminga ng malalim.

"Kailangan ko pa bang ipaalam sa'yo kung may pupuntahan ako Khallib?" Malamig ang tonong tugon niya kaya medyo napahiya sa sarili si Khallib.

"Umm, it's not what I meant, Shu. I just wanna know kung saan ka pupunta. Baka lang mapahamak ka."

Ngumiti muna siya ng mapakla bago ito tiningnan sa mga mata, "Khallib, alam kong nag-aalala ka and thank you for all the care p-pero hindi na kailangan. Hindi ako sumama sa'yo dito sa bahay ninyo para mag-paalaga sayo. Aalis na din ako mamayang hapon, uuwi ako ng probinsya. Kaya naman hindi mo na kailangang mag-alala sa akin. Hindi mo ako responsilibilidad. Just-- just focus on yourself." Kapagkuwa'y pilit ang ngiti niyang mungkahi at tumuon muli sa bag upang i-zipper iyun.

Natigilan naman ng matagal si Khallib dahil sa sinabi niyang iyun. Ngunit sa kabila nun ay ngumiti din ito. "Shu, dumito ka nalang muna. Mas ligtas ka dito. Hindi ka dito masusundan ng mga kaaway ng heneral. Isa pa, hindi mo na kailangang umuwi sa inyo, nandito naman ako para damayan ka, para alagaan at protektahan ka. Shu mahalaga ka sa'kin and I wanna be by your side specially at times like this na tinalikuran ka ng lahat, kahit pa si Dhark."

Napapikit siya ng mariin sa tinuran nito. Hanggat maaari ay ayaw niya na sana itong dismayahin ngunit wala na siyang nagawa pa kundi ang magpakatotoo.


"Khallib, alam ko kung anu ang nais mong mangyari, so please huwag mo ng subukan. I know what you're trying to do." Pasaring niyang kalmadong saad kaya medyo nagulat ito.
 

"H-hah?"

"Khallib, all this time I have known of your true feelings and intentions toward me. I know the little tricks you're doing just to show me that you have feelings for me." Dere-deritso naman niyang wika.

"A-alam mo?" napapalunok naman nitong usal.

"Do you think I'm that dumb not to notice? Pero alam mo kung bakit hindi ko bini-bring up at pinili na lamang umastang normal sa harap mo? Because I don't want any awkwardness in between us. I don't want to entertain your intentions,  too. I am a married woman and you're somehow a friend of mine so please-- remain in your post and don't do anything stupid!" Kalmado ngunit may halo ng pagka-insulto sa tinig niya upang ipakita ditong naiisulto siya knowing the fact that she's a married woman yet nagkakagusto pa ito sa kanya.


Subalit sa kabila n'un ay ngumisi si Khallib bago siya hinarap. Sa tingin niya ay nagdesisyon na din itong ipakita ang totoong pagkatao sa harap niya at hindi na lamang isang cool, antipatiko, at joker na Khallib na nakilala niya.

"But why do you care much about being married to him? Does he even care about you, no, does he even consider you as his wife knowing that his beloved ex-wife is with him all this time? Isn't it too much too bear? Isn't it too much for you to handle? Why do have to stay beside a man who is a selfish and a liar? Shu, I'm here! A man who sincerely cares for you and loves you truly! Besides, the General is now behind bars for a murder crime! The evidences are strong enough to prove that he had done it kaya habang buhay siyang makukulong. Hindi na siya makaka-petition for trial pa! Even at this very end, he left you alone hanging in vain after all the lies and the cheating that he has caused you!"


She was severely affected by those words from Khallib kaya halos mapaluha na naman siya. Gayun pa man ay sinarili na lamang niya ang sakit na nadarama niya dahil mas nangingibabaw ang pagkadismaya niya dito.

"Shu wake up!" Kapagkuwa'y usal pa nito kaya naman ay napangisi na siya at tinignan ito ng mariin. "YOU TOO WAKE UP, KHALLIB! WE'RE ON THE SAME BOAT, DIDN'T YOU NOTICE? YOU'RE ASKING ME WHY I STILL CARE MUCH ABOUT DHARK WHEN HE DOESN'T CARE ABOUT ME AT ALL? WHY DON'T YOU ASK YOURSELF THAT, TOO? WHY DO YOU CARE MUCH ABOUT ME KUNG GAYUNG WALA DIN NAMAN AKONG PAKIALAM SA'YO? WELL, WE ONLY HAVE ONE ANSWER TO THAT, BECAUSE THAT'S WHAT LOVE IS, IT IS MEANT TO BE PAINFUL BECAUSE IT'S REAL! OTHERWISE, IT WON'T HURT IF IT WASN'T!"

"SHU PLEASE!"

"ENOUGH, KHALLIB! TO TELL YOU THE TRUTH, THE GENERAL HAS TREATED ME BETTER THAN ANY OF YOU COULD'VE! HE LIED TO ME BECAUSE HE HAD NO CHOICE! IT'S PAINFUL BUT I SOMEHOW UNDERSTAND! PERO KAYO? YOU ALL HAVE THE FREEDOM TO TELL ME THE TRUTH BUT YOU KEPT YOUR MOUTHS SHUT!"

"SO? SO WILL STILL FORGIVE HIM SA KABILA NG LAHAT GANUN BA?!"

"I have no obligation to answer you Khallib! He's still my husband and even if I'll be given the chance to go back to where it all began-- I'd still choose to marry him again!"

"Can you not say that, Shu, please!"

"Tama na. Don't say anything stupid again! You will only disgust me!"  Pambabara naman niya dito at nagdesisyon ng umalis.






Tila napagsakluban ng langit at lupa si Khallib sa mga narinig niya lalo na't mas malamig pa sa niyebe ang tinig ni Shu. She's talking like she has lost interest in anything. Matamlay, walang emosyon, mapakla, at malamig.


"Don't worry, babalik naman ako mamayang hapon para magpaalam ng maayos sa'yo at kay tita Clarris." Maya-maya'y naisatinig ni Shu na noo'y huminto sa paglalakad.


Bago pa man makalabas sa pinto si Shu ay agad namang bumawi si Khallib sa pagkalugmok at hinabol niya ito, "a-are you going to the General?"

"Oo. Dadalawin ko siya para ipaalam sa kanyang buhay pa ako sa kabila ng ginawa niya-- ginawa nila. Isa pa nawawala parin ang anak ko, hindi ko alam kong nasaan na siya o kung anu na ang nangyari sa kanya, I will ask Dhark about it." Matatas ang dila niyang tugon.

"K-kung ganun, samahan kita."

"Hindi na, may taxi naman."

"Shu, hayaan mo akong samahan ka, please. Isa pa, may sasabiihin din ako kay Dhark. Magsabay na tayo papunta." Pangungumbensi naman nito at mas nauna pang naglakad kaya wala ng nagawa pa si Shu.



_____

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon