Chapter 24

6.5K 91 0
                                    


Nasa school gym lamang si Shu kasama ang kanyang mga kaibigan at kasalukuyang nagpi-PE nang mapadaan si Dhark (young-master).

Seryoso lamang ang mukha nito at nakabagsak ang mga balikat na dumaan sa harap nila. He's wearing white hoodie and a black cap plus black pants.


Tahimik lamang n'un si Shu habang ang mga kaibigan niya ay binigyan siya ng nangkukwestyong mga tingin. Hindi na naman kasi siya pinansin ni Dhark.


"Oyy frenny, anung nangyari kay Dhark, bakit hindi ka niya pinapansin? I mean, bakit hindi na kayo nagpapansinan simula noong magresume ang klase. Late din siyang nag-enroll kaya 2nd week na nakapasok. Hindi na din kayo lumalabas." Curious na pahayag ni Pao.

"Korek ka dyan Pao. Bakit nga ba Shu? May nangyari ba noong bakasyon na hindi mo naikwento sa'min?" A'naman ni Ivon.


"Umm w-wala naman, basta nalaman niya lang na married na ako tapos ang asawa ko yung General. Yun, hindi ko alam pero simula n'un hindi na siya namamansin." Kaswal naman niyang tugon na nagkibit balikat pa.

"Ah-- kuha ko na. Kaya naman pala." A'naman ni Ivon na tila naiintindihan ang mga bagay bagay.

"Nakuha ang alin?"

"Girl! Hindi mo ba talaga alam o manhid-manhidan ka lang. Malamang eh nagseselos yung tao!" Nakairap nitong sarkastikong bulalas.

"Either nagseselos or nasaktan sa katutuhanan!" Sabat naman ni Pao.

"Korek!"
Sabay pa nilang bulalas kaya natigilan siya.

"Selos? Bakit naman siya magseselos? Hindi nagseselos yun, lalong hindi nasasaktan. Baka nadismaya lang kasi nagsinungaling ako sa kanya, hindi ko sinabi sa kanya ang totoo." Saad naman niya ngunit nagtawanan lamang ang dalawa.

"Hays, ang manhid mo girl! Anung nadismaya lang?"

"Hay, yun nga lang yun. Kayo talaga kung ano-anung pinagsasabi ninyo. Yang si Kh-- ah Dhark, may gusto na yang iba noon pa man." Confident naman niyang wika.

"Talaga ba? Kanino mo naman nalaman yan aber?" Singhal naman ni Ivon.

"Umm nabanggit niya sa'kin. Sabi niya, may babae daw siyang gusto, matagal na."

"Nabanggit niya ba ang pangalan?"

"Hindi eh. Hindi na din naman ako nagtanong pa."

"Naku! Malamang ikaw yun girl!"

"Hindi na nga. Trip niya lang akong pagtripan, tsaka yun nga kasi iniisip niya na may atraso ako sa kanya kaya iyun, kapag walang kinukulit, ako ang pinagdidiskitahan." Saad niya pa at tumuloy na sa pagtakbo.

Sumunod lamang ang mga ito sa kanya n'un na naiiling-iling. "Hays, Shu!!!" Buntong hininga pang usal ni Ivon.





____

Nakatanaw lamang si Khallib n'un sa isa sa mga hallways ng department nila nang may mag-abot sa kanya ng canned drink.

Nang lingunin niya ito at makitang si Shu ang tao sa likod niya ay napatiim-bagang muna siya bago kinuha yung drink.


"I-ikaw pala." Napipilitan ang ngiting wika niya pa.

"Kumusta?" Saad naman ni Shu kasabay ng pagtabi sa kanya.

"Me? I'm always fine." Kaswal naman niyang saad para iwasan ang awkwardness nang biglang magseryoso si Shu.

"K-Khallib, sorry." Asiwa nitong biglang saad kaya naman ay natigilan siya saglit. He's trying to hide his real emotions and acted cool instead.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon