Chapter 55

6.5K 107 1
                                    

___

For the first time in six years, nakapasok nang muli si Claire sa kwarto na dati ay sa kanya. Silid na dating puno ng mga pagmamay-ari niya. Silid na dating lugar na puno ng masasayang alaala nila ng heneral.

Mula sa pagpasok sa pinto ay labis na ang kanyang pagkailang. Pakiramdam niya, illegal para sa kanya ang pumasok doon. Subalit kailangan niyang gawin dahil wala pareho si Shu at Dark upang patulugin si Elly sa kwarto nito.

Matapos niyang patulugin si Elly ay nagmuni-muni siya sa silid ng mag-asawa.

Puno ng lumbay ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang kabuuan ng silid na iyun.

It was remodeled into a new interior design. Malamang ay ipinarenovate ito ni Dhark upang mas mabilis na makamove-on sa pagkawala niya noon. Lalo na't puno ang silid ng kanilang mga ala-ala. Gayun pa man ay nakikita niya parin ang dati nitong itsura sa kanyang gunita.


Her eyes were still wandering around the place nang mapako ang kanyang mga mata sa malaking portrait sa dingding.

Lumamlam ang mga mata niya noong sa wakas ay marealize niya that it's a wedding portrait of Dhark and Shu. Although nagtataka siya kung bakit walang mukha ang heneral, mas naagaw ng nakangiting mukha ni Shu ang kanyang atensyon.

Napalunok siya ng dahil doon lalo na't sumilay sa kanyang isipan kung anung klasing tao si Shu, kung anung klasing asawa ito kay Dhark, at higit sa lahat kung anung klasing ina ito kay Elly.

Nabuhay muli ang konsensiya na pilit niyang ikinukubli sa loob-loob niya dahil doon kaya naman agad na niyang tinalikuran yung painting at bumalik na sa silid ni Elly.

Yun naman ang naabutang eksena ni Nana Tacy na kakapasok lamang din sa silid na iyun kaya napabuntong hininga siya't sinundan si Claire upang kausapin ito.


"Anu ba kasi ang tunay na estado ng puso mo para kay General, Shuntal?" Marahang tanong ni Nana nang lumalim ang pag-uusap nila ni Claire.

Hindi naman agad nakasagot si Claire sa tanong na iyun. Sa halip ay mas lalo lamang lumumbay ang kanyang mukha.

"Shuntal, k-kung nahihirapan ka na, bakit hindi mo na lamang hayaang malaman ni Shu ang katutuhanan. Kung anu man ang maging resulta, iyun ang harapin mo. At least, hindi mo na kailangang magtago pa kay Shu. Sigurado naman ako na maiintindihan ka niya. Isa siya sa pinakamabubuting tao na nakilala ko."

"Nana, ang mga mabubuting tao, sila ang pinaka nakakatakot sa oras na sila ang magalit. They will endure everything hanggat kaya nila but once that they've reached their peak, they don't know how to look back. When they're done, they are done. And I am afraid that Shu will be the same as that once she finds out about the truth. Kakamuhian niya ako, kakamuhian niya si Dhark, and my daughter, I-- I don't know how much stress the situation will cause her. Hindi pwede iyun, hindi niya kakayanin. Nana, maaring masira ang relasyon nila."

"So what, if that happens? Hindi ba ikaw lamang din ang makikinabang kapag nangyari iyun? Kapag nalaman ni Shu ang totoo at piliin niyang iwanan si Dhark, there's a chance na magkabalikan kayo, a chance na mabuo ang pamilya ninyo."

Nagulat siya sa tinurang iyun ni Nana Tacy.

"Nana..." naisambit niya pa with so many questions in her eyes.

"Oo Shuntal, malapit ako kay Shu and I also want the best for her. Wala akong gagawin na ikakasakit ng damdamin niya ngunit kung ganito rin lang ang sitwasyon, hindi ba mas okay na palayain na lamang natin siya sa mesirableng buhay niya dito sa bahay na ito, o sa buhay ng heneral?"

"A-anu? Nana hindi iyun pwede. Mahal na mahal ni Shu si Dhark at alam ko, ramdam ko na ganun din ang heneral sa kanya." Nangingilid naman ang mga luhang saad niya ngunit mas natigilan siya sa sumunod na sinabi nito.

"Kung ganun ikaw ang lalayo? Kasi anak, isa lang sa inyo ang dapat manatili sa bahay na ito, sa buhay ng heneral. At kung hindi iyun ikaw, si Shu!" Napalunok siya ng malalim dahil doon.

"Anu kaya mo ba? Kaya mo bang tuluyan kang mawala sa buhay ng iyung mag-ama? That way, Shu can have her real owned-space in this house, in their life. Only then, she won't be hurt and be truly happy." Pagpapatuloy pa nito kaya tuluyan siyang napaluha.

Tila natusok ang puso niya ng pauli-ulit dahil sa narinig niya. Kasunod nun ang pag-iling-iling niya habang tumatangis.

"H-hindi ko kaya Nana, ayuko! Hindi ko iyun kaya. H-hindi ko kaya!" She said in a cracked voice as she sobs.

Maging si Nana Tacy ay subrang nahahabag at naluluha na rin ngunit pinipigilan nito ang sarili.

"Shuntal anak, hindi pwedeng habang buhay kayong ganito. Kailangan ng sakripisyo sa lahat ng bagay. If Shu learned the truth and she decided to give up her life in here and walks away, then you are lucky and should be thankful. But if she reacts the other way and decides to come at you, to come at me, and to all the people who lied to her, we can only endure her rage. And if she refuses to leave and fight what's for her, wala tayong magagawa. She's the wife now, she has all the right to keep what's hers including your daughter, dahil sa mata ng batas, siya ang ina. Karapatan niya iyun, Shuntal." Maingat at marahan nitong pahayag ngunit masakit iyun pakinggan kaya napayakap na lamang siya dito habang humahagulgol, "Nana, what should I do? What should I do?", palahaw niya.

____


Nang hindi makuntak ni General Griffin ang kanyang asawa ay si Lt. Carber ang tinawagan niya.

"Carber,"

"I'm all ears, General."

"Okay, can you check on my wife for a moment? She isn't answering my calls."

"Sir? Check on your wife? "

"Yes, why?"

"Ah, k-kasi Sir, nandito sa palasyo si Miss Torres. Well in fact, she's been talking with Khallib in the livingroom for a while now. I thought she has informed you about it, kaya hindi na ako nagreport sa inyo kanina."

Hindi na siya tumugon pa matapos iyung marinig. He just clenched his jaws and looked away.

"Ah General, may problema ba?" Alala namang agad tanong ni Carber dahil sa hindi niya pagtugon.

"Nothing, at least I know that she's alive." Malamig niya namang tugon, "By the way, kumusta iyung ipinapagawa ko sa'yo?"

"I've got the information, Sir. I've sent it thru email."

"Okay, good! Proceed to the next plan then."

"Copy that, Sir. Umm, by the way, are you sure about the Chief, Sir?"

"There has no rebels involved in the first place, it was a pure plot."

"Plotted by who?"

"You can guess that yourself, Carber. You're smart." He just said casually and dropped the call.



"General Griffin, are you okay?"

Curious namang tanong ni Chief Delgado sa kanya. Kasama niya ito sa information booth na kinaroroonan nila.

"Ah, yes of course. Why do you ask?" Tugon naman niya.

"Nothing, I just saw the sudden changed in your expression after the call."

Ngumiti lamang siya ng tipid, "it's nothing, so never mind," a'niya pa at hinarap na ang isang sundalo na kakarating lamang.

"So, what's the update? Nagsalita na ba?" Seryoso niyang tanong dito. Ang tinutukoy niya ay ang captured rebel na kasama sa naganap na ambush.

"Sir," tila nababahala naman nitong usal kaya nagtaka siya.

"Why? What's the matter?"

"Sir, n-nagsalita na po siya and-- and he mentioned about C-Congresswoman Hillary Villariale." Asiwa nitong saad.

Nagpanting ang tenga niya sa narinig but he maintained his composure.

"Dalhin mo ako sa kanya." Kapagkuwa'y kalmado niyang saad bago binalingan ng tingin si Chief Delgado.

"What's the matter General?"

Ngumisi lamang siya at tuluyan ng umalis. Napalunok naman n'un si Cheif Delgado. Bakas ang pagkabahala sa mukha nito.

____

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon