Chapter 14

7.2K 124 3
                                    

_   ____



   Sa hotel room na binitawan ng Heneral ang kanyang asawa.

   "Galit ka ba Han?" Wika naman ni Shu na noo'y hinilot pa ang kamay dahil sa higpit ng pagkakahawak kanina ni General.

Ngumisi naman ito sa narinig.

"Stop calling me that name, Deanna!" Wika pa nito ngunit mas matapang naman siya.

"No! Han ang gusto kong itawag sa'yo. Period!" Paninindigan niya kaya tinignan siya nito ng mariin.

"Huh, ganyan ka ba talaga? Wala kang ibang gustong sundin at pakinggan kundi ang sarili mo lang?" He asserted sarcastically.

"Para lang makausap ka? Oo! Kailangan kong maging makulit at matigas ang ulo or else nasa sulok lamang ako kausap ang sarili ko kasi hindi ka marunong makipag-usap! Kailangan, mabuwesit ka muna bago magsalita!" Bulalas niya kaya nagpanting ang tenga nito.

"YOU--!"

"Anu? Anung gagawin mo? Ilalabas mo na ba ang pagiging General-demon mo?"

Napangisi ito dahil sa inasal niya, "Huh, and you actually believe in that name?"

"Bakit hindi? Akala ko nga sabi-sabi lang mga tao eh! Pero mukhang bagay naman pala talaga sayo ang mabansagang General Demon!" Mariin niyang saad kaya naningkit ang mga mata nito.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo!"

"Bakit hindi? Hindi ba yun naman ang ipinapakita mo?! Ngayun naiintindihan ko na kung anung ibig sabihin ng fisrt-lady!" Singhal niya pa kaya Napatiim-bagang ito bago siya hinarap.

"What did you say?"

"Wala pang isang araw tayong kasal at magkasama pero nakikita ko na ang mga bagay na inakala kong sabi-sabi lang noon tungkol sa'yo!"

"You shut up! You don't know what you're talking about! Akala ko makulit ka lang at matigas ang ulo, yun pala you're such a gullible person and childish!" Untag nito kaya natawa siya ng bahagya.

"Ah talaga ba?! Akala ko din masungit ka lang at laging gustong mapag-isa! Yun pala you're such a stone hearted person and a General Demon and that's why people doesn't wanna come close to you, kaya ka pala loner! " Matapang naman niyang singhal dito kahit na nakakatakot na ang awra at tingin nito. Nagpakawala pa ito ng mapait na pag-ngisi at pagtango.

"Oh, so this is what you really are! First, you talked sh!ts about me with your friend last night saying that I'm snobbish! Loner! No fun and boring! Then you tricked me up making fool out of yourself and flirt with that painter! And now you're accusing me of being a rightful General Demon!" Mariin at dahan-dahan nitong bigkas habang nakatitig lamang sa kanyang mga mata dahilan para kilabutan siya at napalunok na lamang.

"WHAT DO YOU REALLY WANT?" Kapagkuwa'y madidiin ang pagbigkas pa nitong turan bago humakbang papalapit sa kanya dahilan para mapalunok siya't mapaatras ng bahagya.

"G-General..." Nanginginig na lamang niyang mahinang usal lalo na't mas lumapit pa ito sa kanya.

"Uulitin ko, what do you want me to do huh? Bakit ayaw mong magsalita ngayun? Why do you have to talk about those nonsense when you don't even know me yet! WHY?! WHAT DO YOU WANT?!!!" Halos pasigaw at mariin nitong untag sa kanya kaya naman napaigtad siya dahilan para utomatikong mahulog ang isang butil ng luha sa mata niya.

Dahil sa takot at kabang nararamdaman ay napayakap na lamang siya sa heneral ng mahigpit kahit na nanginginig "S-sorry, sorry." Mahina niyang mungkahi habang nakasubsob ang mukha sa dibdib nito.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon