Chapter 65

3.7K 63 0
                                    





[BREAKING NEWS]

Kapapasok lamang na balita, inaresto si General Dhark Han Griffin sa salang pagpatay sa dating AFP Chief na si Ruffino Delgado, na nagtangka umanong tumakas sa kulungan kahapon.

Ayun sa primary investigation na naganap, maaring si General Griffin mismo ang gumawa ng paraan upang mailabas ito sa kulungan upang isagawa ang pagpatay. Natagpuan din sa crime scene kung saan nahuli si General Griffin ang sumabog na kotse na lulan umano ang asawa at tatlong anak ni Delgado na lahat nasawi sa insidente. Ito ay iniiuugnay kay General Griffin na siyang primary suspect sa naturang kaso.

Naaresto siya ng hating-gabi kagabi.

Ayun sa mga police na rumescue, naabutan nila ang heneral sa crime scene at hawak-hawak nito ang baril na ginamit sa pagpatay kay Delgado. Nakita rin sa crime scene ang mga ginamit sa pagpapasabog ng kotse na nagmatch sa fingerprint at DNA ng heneral ayun sa lumabas na forensic analysis.

____




Nabitawan ni Shu ang kanyang cellphone dahil sa napanood na balita.

Kasabay ng pagbagsak nun ang pagkahulog ng kanyang mga luha sa lupa dahil kasalukuyan siyang nasa park nun isang kilometro ang layo mula sa mansion.

Bagamat pinigilan siyang umalis ng mansion ng mga bodyguards, nagpumilit parin siya dahil wala na siyang pakiaalam. She's like a zombie walking unconsciously in the streets hanggang sa matagpuan na lamang niya ang sarili sa parke. Malayo na pala ang narating niya.


It's too early in the morning kaya naman walang ibang tao doon kundi siya at ang ilang mga nagjojogging na hindi maiwasang tumingin sa kanya kapag napapadaan sa kinaroroonan niya.


She was sitting in the middle of the pavement and wailing like crazy.

Hindi pa nga niya napoproseso ang pagkawala ni Elly at ang tungkol kay Claire, ayun at nabalitaan na naman niyang nasa kulungan si Dhark. It's just too much for her to handle.



She was in that position when a hand handed her a handkercheif kaya natigil siya saglit upang mag-angat ng mukha, "K-Khallib?", mahina niyang naisambit.

"What the hell are you doing out here Shu? Why are you doing this to yourself?" Mariin namang turan ni Khallib bago siya inalalayang tumayo.

She just cried because she couldn't find a word to say.

Wala namang nagawa si Khallib kundi panuorin lamang siyang umiyak ng umiyak.



Nang sa wakas ay kumalma na ito ay siya namang pagdating ni Lt. Carber na noo'y banaag ang pag-aalala sa mukha.

"Miss Torres, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Bakit ka umalis ng mansion, the General said that you shouldn't leave hanggat wala ako. But anyways, we're running out of time, we should leave now." Dere-deritsong mungkahi niya at aalalayan na sana si Shu ngunit hinarang siya ni Khallib.

"She's not going with you." Mariin nitong usal.

"You are in no position to say that!" Tugon naman ni Lt. Carber at muling tinignan si Shu, "Miss Torres, tara na."

Umatras naman nun si Shu at umiling-iling, "H-hindi ako babalik sa mansion. K-Kayo nalang ang umalis, h-hindi ako sasama." tila wala sa sarili nitong pahayag.

"See? You can now get lost! Hindi daw siya sasama, malinaw na malinaw!" Sabat naman ni Khallib ngunit hindi na siya pinansin ni Lt. Carber at kay Shu lamang nakatuon. "Miss Torres, the General will be so worried about you if you don't follow his orders. You have to be safe para hindi na siya mag-alala pa. He's in the jail, he has bigger fish to focus on so please--"

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon