Chapter 11

17.3K 272 2
                                    

____

"So, see you in a week General. Enjoy your stay here and don't think of work yet." Nakangiting pagbibilin ng first-lady kay General noong  uuwi na ang mga ito. Nagsiuwian na din ang ibang mga bisita.

"We're not gonna stay here that long Madam, we will be back tomorrow." Seryoso namang tugon ng General.

"What? But this is my arrangement. This is my gift and the President's gift to you. We've paid and settled everything already. Sayang naman."

Napatiim bagang siya nun kaya naman tinapik siya ng first-lady sa balikat.

"Si Shu, she's a very good girl. I could see that she's very enthusiastic towards you even thu this is an arranged marriage and not your choice. Spending a week with her for a honeymoon vacation will be a great opportunity for you to relax and unwind. As far as I know, all these years, you've never used your vacation leaves and you've never taken a break from work. Be nice to yourself too General, especially now that you've got a precious wife." Mahaba nitong pahayag ngunit patay malisya lamang siya. At the back of his head, he's actually defying the first lady's words.

"I've got things to do as soon as possible, a two-day stay here would be enough." Kapagkuwa'y deklara na lamang niya kaya natigilan ang first-lady bago bumuntong hininga.

"Okay then, may those days be spent beautifully." Tipid ang ngiting tugon nito na wala na ring nagawa dahil tila na-intimidate din ito sa awra at pananalita niya. Besides, they knew what's behind those smiles on their faces.

____



Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Dhark pagkasara niya palang ng pinto ng hotel room nila.

Inikot niya muna ang tingin ang buong silid bago naglakad papalapit sa sofa at nagtanggal ng suit.

Hindi niya mamataan si Shu kaya napalingon siya corner kung nasaan ang mismong bedroom. Isang slightly black-tinted glass wall lamang ang naghihiwalay n'un mula sa livingroom kung nasaan siya kaya naman naaaninag ang kama kung nasaan ito. Noon na siya tumayo para magpunta doon.

Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa kama habang nakatitig kay Shu na noo'y tulog na at nakabalandra sa kama.

"So, you're already sleeping." Bulong niya bago tumitig sa kabuuan nito at bahagyang napataas ng isang kilay as soon as his eyes landed on Shu's legs na noo'y walang tabing dahil nga sa maiksing dress.

Agad siyang humagilap ng kumot ngunit hinihigaan iyun ni Shu kaya naman ay yung suit na lamang niyang nakasampay sa braso niya ang itinabing niya sa hita ng asawa.

"What should I do about you now?" Kapagkuwa'y sambit niya bago siya naupo sa gilid ng kama. Dahil sa halo-halong isipin ay napahilimos siya ng mga palad bago yumuko.

Nasa ganoong posisyon siya nu'n nang maalimpungatan naman si Shu. "G-General?" Mahina nitong sambit kaya natigilan siya at napaangat ng mukha para lingunin ang asawa.

"Nandito ka na pala." Nakangiti namang sambit ni Shu at biglang nagliwanag ang mukha.

Hindi na siya nu'n tumugon at tila naghahagilap pa ng sasabihin nang magsalita itong muli. "Teka sandali!" Ngiti nitong saad at
kaagad bumangon at naglakad papunta sa harap niya.


Natigilan lamang siya nun dahil sa pagatataka. Maya-maya pa'y pinindot nito ang kanyang ilong bago pinisil ang magkabila niyang pisngi kaya nanlaki ang kanyang mga mata. He eve leaned back dahil sa pagkagulat.

"W-what the hell are you doing?" Kunot noo niyang usal.

Mas nagtaka pa siya n'ung humagikgik ito na parang batang paslit na nabigyan ng lolipop.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon