Chapter 87

2.8K 74 3
                                    






        Tangan-tangan si Elly, ay pumasok na si Claire sa cafe kung saan sila magkikita ni Shu.

Iniikot pa niya ang mga mata sa loob ng cafe para hanapin si Shu nang magsalita si Elly.

"Mommy! Mommy!" A'nito turo-turo si Shu na noo'y nakaupo sa bandang gilid.

Napabuntong hininga siya't napangiti ng may awa noong masilayan ito.

Shu is looking at them but her aura is dark and melancholic.

Alam niyang hanggang sa mga oras na iyun ay hindi pa ito okay ayun pa lamang sa itsura nito. Wala sa ayos ang buhok na noo'y maluwag ang pagkakapusod. Nangangayayat ito, halatang hindi kumakain ng tama. Her eyes were with dark circles at halatang hindi pa nakakaalpas sa malimit na pag-iyak.






Bukas ang mga kamay, ay tumakbo si Elly upang lapitan at yakapin si Shu na matagal hindi nakita.

"MOMMY!" Bulalas pa nito sabay yakap ng mahigpit sa ina kasunod ng isang halik sa pisngi, "I missed you, Mommy. Muah!" Inosente pa nitong sambit.

Isang tipid na ngiti naman ang sumilay sa mga labi ni Shu bago niya ito hinaplos sa ulo. "K-kumusta ka baby? Nagpakabait ka ba? Halika kay Mommy." Pilit pinagsisigla ang tinig niyang wika sa anak bago ito binuhat upang ipaupo sa kanlungan.

Ngumiti naman n'un ng tipid si Claire at naupo na rin sa isang upuan.

Nang magtama ang kanilang mga mata ay saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nila.

Banaag ang mga lungkot sa kani-kanilang mga mata.


"K-kumusta ka na, Shu." Maya-maya'y panimulang saad ni Claire matapos linisin ang lalamunan.

Tumingin naman muna si Shu kay Elly na noo'y tahimik lamang na nilalaro ang manika sa mga kamay.

"N-never been better." Kapagkuwa'y mahina niyang sambit.

Napalunok at napatango si Claire sa sinabi niyang iyun. She understands what she meant.


"S-Si Elly, lagi ka niyang hinahanap. Hindi ko naman siya madala sa'yo dahil alam ko ang kalagayan mo nitong mga nakaraang buwan." Malamlam pa ang mga matang wika nito.

"H-hindi ba matagal mo na siyang gustong makasama, I'm giving you now the freedom to be with her. Ikaw ang tunay na ina, after all."

Bahagyang namilog lamang ang mga mata ni Claire dahil sa sinabi niyang iyun. Alam niyang may pagtataka at mga katanungan ito sa isipan.

"W-with my current condition, h-hindi ko na alam kong kaya ko pa siyang alagaan. I-- I'm not even sure if I'm still willing to live--"

"Shu..." Agad nitong putol sa sinasabi niya. Puno ng pag-aalala.

Ngumiti na lamang siya ng bahagya at iniba ang usapan.

"I'm leaving, Claire."

"H-hah? A-aalis ka? Bakit? Saan ka pupunta?"

"H-hindi mo na kailangang malaman kung saan. Basta, sa malayo. Malayong-malayo kung saan makakalimutan ko ang lahat." Kaagad niyang mahina at malungkot na tugon kaya natigilan ito.

"Shu, h-hindi mo kailangang talikuran si Elly. Oo, gustong gusto ko siyang makasama pero alam ko rin na mahal na mahal mo siya, na gusto mo siyang makasama. W-we can share Shu, alagaan natin siya parehas."

Napailing siya ng bahagya sa sinabi nito bago tinignan sa mga mata.

"W-when I woke up after being in coma for a month and I found out that I didn't have amnesia, I was in so much pain. I felt like I was being torn into pieces. I wished na sana nagkaamnesia nalang ako, na sana habang buhay na akong hindi makaalala. But I woke up remembering everything, EVERYTHING! The moment I opened my eyes, malinaw na malinaw sa aking alaala ang nasaksihan kong nangyari kay Dhark. I can still clearly remember his last gazes to me. I can still hear how he told me to forget that part. To forget what happened that time before he fell off of the window with a headshot. I can still remember everything, especially those two bandits who killed him. I remember their faces. I saw them leave my hospital room before I was subjected to a sepsis shock because of too much stress."

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon