Chapter 38

3.9K 71 3
                                    




Nakatitig lamang si Shu sa batang babae na nasa harapan niya. There's so much curiosities and confusions in her eyes.

Wala pang isang oras simula noong matagpuan ito ng mga guards sa labas ng gate ng Griffin Mansion at may kasama pang isang sulat. Ang dahilan bakit siya hindi mapakali komplikado ang isip.


"Nana, anu nabasa mo na ba yung sulat? Anu, nagkamali ako ng pagkakabasa kanina hindi ba? Sabihin mo, Mali yung nabasa ko kanina hindi po ba?" Walang anu-ano'y aligaga at hindi mapakali niyang saad kay Nana Tacy na noo'y kakatapos lamang ding paulit-ulit basahin yung sulat.

Hindi niya ding mapigilang hindi laruin ang kanyang mga kamay na nakahawak sa hindi niya mapakaling mga tuhod.

"Eh darling, apat na beses ko ng binasa itong sulat p-pero ganun parin eh! Iisa lang ang sinasabi ng sulat." Hindi din naman mapakaling wika ni Nana Tacy.

"Anu, so-- so a-ang ibig pong sabihin, a-ang batang ito ay-- ang batang ito ay anak ng heneral? Tama po ba Nana? Y-yun po kasi ang nabasa ko eh?" Tatawa-tawang nalilitong usal ni Shu na indenial parin dahil sa pagkagulat at pagkalito sa biglaang pagsulpot ng batang babae sa mansion.


"Eh darling, b-baka nga. Yun ang sinasabi dito sa sulat eh. A-ang batang ito daw ay ang nawawalang anak ng heneral, ngayun ay ibinabalik na sa tunay na magulang dahil namatay na daw ang taong nangidnap dito sa bata noon sa nursery ng nasunog na hospital. A-at yung tao naman na nagdala sa kanya dito sa mansion ay nakuha na yung pera na kapalit ng pagbabalik niya dito sa bata." Paglilinaw pang saad ni Nana Tacy na hindi rin lubos makapaniwala.

"N-naniniwala po kayo dyan Nana?"

"Eh-- eh h-hindi ko rin alam darling. Mahirap paniwalaan p-pero paano kung totoo?"

"HASHHH!!! EWAN!!! ANU TO' TELESERYE? K-DRAMA? TAGUAN NG ANAK?!" She randomly exclaimed in frustration at ginulo pa ang sariling buhok.

"Eh darling, hindi natin alam. S-siguro mabuti pa tawagan nalang natin ang heneral."

"Ay shaks! Oo nga po pala. Mabuti pa nga tawagan ko nalang si Han." Aligaga naman niyang saad bago dali-daling kinuha ang cellphone para tawagan ang heneral ngunit out of service ito.

"HASHH!!!" Naibulalas na lamang niya at initcha ang cellphone sa sofa sa tabi niya dahilan para tuluyang umiyak ng malakas ang bata na kanina pa naiiyak dahil sa kalituhan.

"Naku lagot! Umiyak na siya. Hays, pa'nu ba 'tu!" Aligaga naman niyang saad.

Kaagad namang binuhat ni Nana Tacy ang bata para patahanin ito ngunit iyak parin ng iyak at sa kanya nakapako ang mga mata.

Noon na siya nakaramdam ng kung anu para sa bata. Just the way how the little girl looks at her made her want to do something for her. Unti-unti siyang nakaramdam ng pagkahabag at simpatya para sa bata dahilan para mapalunok siya at nag-iwas ng tingin.

Subalit hindi parin tumitigil sa pag-iyak yung bata at sa kanya parin ang tingin kaya naman nanatili siyang nakatingin sa iba ngunit natigilan siya't dahan-dahang napatingin dito dahil sa narinig niya, "m-mommy," mahinang palahaw nung bata habang nakatingin parin sa kanya kaya naman tila may kuryenteng dumaloy sa katawan niya. "M-mommy?" Mahina niya pang gulat na sambit at tinuro pa ang sarili.

"Mommy," muli namang umiiyak na sambit nung bata na tila gustong magpunta sa kanya kaya napailing siya at napaatras ng bahagya, "h-hindi ako ang momm--"

"Shu darling," Agad namang mahinang putol sa kanya ni Nana Tacy at binigyan pa siya ng makahulugang tingin kaya naman para siyang natauhan at tinignan muli yung bata.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon