Chapter 75

3.8K 72 5
                                    




Habang naghahapunan ay pilit ikinukubli ni Shu ang pagkaligalig at sa halip ay pilit na umastang normal sa harap ni Dhark.

"Umm, you seem uneasy, is there anything wrong?" Kapagkuwa'y tanong naman nito kaya nasamid siya ng bahagya.

"H-hah? W-wala naman. Bakit mo naitanong? Okay lang ako." Kaagad niya namang pagdedeny bago dali-daling sumubo ng pagkain.

Tumango tango naman si Dhark matapos ngumiti ng tipid dahil sa tugon niya. "Eat well then." Wika pa nito.




Matapos nilang kumain ay dumating si Lt. Carber kaya naman iniwan muna ni Dhark ang asawa upang kausapin ang dumating na kaibigan.


Nagtungo sila sa pool area upang doon mag-usap.

Gustuhin mang sumali ni Shu ay hindi niya iyun magawa. She knows her limits. Kahit alam niyang delikado o mahahalagang mga bagay ang pinag-uusapan ng dalawa.

Pumanhik na lamang siya sa kanilang silid upang nagmuni-muni dahil hindi rin naman siya mapakali dahil sa mensahe ni Khallib na kanyang natanggap.

Iniisip niya ko sasabihin niya ba kay Dhark o hindi ang tungkol doon. Elly and Cera are in his hands. Baka mapaano talaga ang mga ito kapag hindi siya sumunod sa gusto nito.

Isa pa, she feels responsible for Cera. Nadamay pa ito sa mga gulong pinagdadaanan niya. Iniisip niya pa lamang na malubha ang sakit nito sa puso at maaring mamatay anytime kung hindi maingatan at maalagaan ng husto ay natatakot na siya. Elly is in the same situation. May sakit din ito sa puso at hindi dapat nai-stress or else it will be dangerous. Siya lang naman ang kailangan ni Khallib.

Nagpapalakad-lakad pa siya sa loob ng silid nang muli na namang tumunog ang kanyang cellphone.

Text message ito mula kay Khallib.




____


Samantala, seryoso naman ang usapan nina Dhark at Lt. Carber nang dumating ang isang tauhan.

"General, we've got a wind about Chief Abrera." he reported.

"What is it?"

"General, inilipat po siya ng asawa niya sa isang private facility which is heavily guarded by the police. But the thing is, due to heavy loss of blood and the general anesthesia administered to him, he's not yet awake after the surgery. It was a success, but they amputated both of his legs."

Napangisi lamang si Dhark sa narinig. "As they should!" Komento pa niya.




"What about Chairman Vallejo?" Tanong naman ni Lt. Carber.

"Lieutenant, I've checked the things you've said earlier. Chairman Vallejo's secretary booked a flight to US just now and he'll leave the country at dawn."

Nagtinginan lamang sina Dhark at Lt. Carber dahil sa napakinggan.

Maya-maya'y isang pagtangong may ibig sabihin ang iginawad ni Dhark kay Carber. 

"I will, General." Kaagad namang tugon ni Carber at tatango-tangong tumayo. 

"Leave no crumbs." Sambit pa ni Dhark. "I sure will," tugon naman nito at ngumisi na bago tuluyang nagpaalam upang tumalima sa utos ng heneral. 

____


NAGBABAGANG BALITA SA UMAGA!

Patay na si Silverio Ochua Vallejo, ang kasalukuyang Chairman ng 24/7 Broadcasting Centre. Ang isa sa pinakamalaking news outlet ng bansa.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon