Chapter 54

3.8K 60 13
                                    


_____

"Bye Han, dito na kami ni Elly. Mag-ingat ka sa trabaho."  Nakangiting paalam ni Shu kay Dhark kasabay ng pagkuha niya kay Elly mula sa pagkakabuhat ng heneral.

"Goodbye. Sweetie, Dad will leave again. Enjoy your day at school, okay?" Paalam naman nito sa anak bago bumaling sa kanya. "I'll just be having an important meeting but I'll pick you up for lunch later."

"Lunch? Sa labas?" Taka naman niyang tanong.

"Yes, kakain tayo sa labas for lunch."

"Wow, really? Umm bakit, hindi ka ba masyadong busy ngayung araw?" Paninigurado niya pa ngunit ngumisi lamang ito, "it's just a bit of my time, it should be fine." Malambing pa nitong saad at hinagkan na si Elly sa noo bago siya hinagkan sa pisngi at tuluyan ng sumakay ng kotse.



Ihinatid lamang nila ni Elly ito ng tingin bago sila tuluyang pumasok sa school vicinity.


Bali tatlong oras sila doon. 2 hours learning activities and 1 hour playtime sa park ng school.

Habang nakikipag-laro si Elly ay kakwentuhan naman niya yung manager ng school.

Nang malapit ng matapos ang oras ng paglalaro ay lumabas na siya ng opisina at tinungo ang park.

Habang naglalakad papasok sa park ay nakatitig lamang siya kay Elly. Dahan-dahan lamang siyang naglalakad n'ung marinig niya ang usapan ng grupo ng mga co-parent niya na noo'y mga nakalatag sa  sa bermuda grass.


"Siya pala ang nanay nung batang may sakit. Hindi ko alam, ngayun ko lang kasi siya nakita."

"Oo, siya nga,"

"Nung unang linggo ng eskwela, siya ang naghahatid dun sa anak niya pero nung may nakuha ng Nanny, ayun hindi na nakita dito center. Balita ko, estudyante din daw kasi."

Ito ang palitan ng mga ito ng pag-uusap na inakala niyang tungkol sa kanya kaya naman ay huminto muna siya at hindi muna nagpakita sa mga ito.

"Ah si Miss Claire? Nanny lang pala yun?"

"Bakit, iniisip mo din ba ang iniisip ko? Magkamukha sila n'ung bata anu? Akala ko nga din siya yung Nanay nung bata eh, mas magkamukha sila kesa d'un totoong Nanay."

"Korek ka dyan Mare. Balingkinitan at medyo maliit na babae si Ms. Claire, ganun din yung bata. Balingkinitan din."

"Naku sinabi mo pa, tsaka yung mata nila, parehas na parehas na bilugan. Akala ko talaga mag-ina sila. Yun pala hindi, eh hindi naman kasi kamukha yung totoong Nanay, matangkad din kasi ito at pang-beauty queen ang mukha. Mataray tignan kumbaga. Samantalang yung bata at si Miss Claire, bilugan ang mukha."

"Baka si Miss Claire nga yung totoong nanay! Nangyayari yun sa teleserye diba?"

"Shhh, anu ka ba. Eh Nanny nga lang diba?"

"Eh malay natin totoo yung nasagap ko, balita ko second wife lang siya. Oh baka may babae yung asawa niya."

"Tapos sinasabi mong si Miss Claire yung kabit ganun ba?"

"Eh malay natin! Basta, narinig ko din na mayaman daw yung Tatay nung bata. Sundalo yata o police. Hindi ko alam kung totoo. Basta mayaman daw sila."

"Oo tama kayo, mayaman nga sila. At hindi lang siya police o sundalo, isa siyang prominenteng tao sa gobyerno. Kaya kung ako sa inyo, pakialamanan niyo na lamang ang mga buhay ninyo kung ayaw ninyong ipasundo kayo ng korte suprema bukas o makalawa." Sarkastiko niyang hindi napigilang saad habang nakangiti ng peke bago niya sila dinaanan at pinuntahan na si Elly.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon