Chapter 48

3.8K 58 0
                                    


_____

Maagang nagising kinabukasan ang heneral dahil may pupuntahan silang pagpupulong ng Presidente. Isa pa, ngayung araw ang dating ng business tycoon mula sa Singapore na si Mr. Chang at ang anak nito. Darating din ang ibang mga delgado mula sa Brunei, Indonesia, at Russia para sa usaping ekonomiya ng bansa.

Bago tuluyang lisanin ang kanilang silid ay pinuntahan niya muna ang kanyang asawa sa silid ni Elly. Parehong mahimbing ang mga ito sa pagtulog.

He kissed them both on their temples bago niya inayos ang kumot nila at tuluyan ng nilisan ang silid.


Dahil ugali na niyang magkape muna bago pumasok sa trabaho ay tinawag niya si Nana Tacy.

"Nana Tacy, coffee please. I'll be at the pool area." Utos niya mula sa sala. Hindi na siya nagtungo pa sa kusina dahil alam naman niyang naroon lamang si Nana Tacy at narinig siya nito.


Standing in the pool area while looking at the peaceful forest nearby the backyard of his mansion gives him peace. Lalo na kapag umaga niya iyun ginagawa with all the mist ang fogs. The birds are just there flying with a flock of dragonflies. Also, it's facing east, so the streaks of rays from the rising sun peep from the tall trees' canopy of leaves.

He was in deep thought like that when he heard footsteps from behind him.

"Ah-- umm, i-ito pala yung kape mo."
Anang tinig na gumulat sa kanya. It's Claire.

"S-Shuntal?"

Isang tipid na pagngiti lamang ang tugon nito.

"Where's Nana Tacy at bakit ikaw ang gumagawa nito?" Marahan niyang muling saad.

Ngumiti naman ito ng tipid bago ipinatong yung kape sa lamesang naroon.

"Ah, n-narinig kasi kita kanina. Maaga akong dumating dito kasi umiiwas ako sa traffic. Since, maaga ako, umalis muna si Nana Tacy para mamalengke saglit. Ibinilin niya muna sa'kin ang pagtimpla ng kape mo lalo na't alam niyang maaga ka ngayun."
Paliwanag nito.

Tumango na lamang siya at naupo na sa may lamesa upang magkape.

Hindi pa n'un umaalis si Claire kaya naman ay namayani ang awkwardness sa pagitan nila.


"S-si ate, may balak siyang masama sa'yo at kay Tita Hillary." Walang anu-ano'y sambit ni Claire kaya napatiim bagang siya.

"It's not new anymore. I know what she's doing." Tugon naman niya.

"Then, until when will you let her ruin you and your family?" Tugon naman ni Claire na noo'y humarap din sa kakahuyan at doon ipinukol ang mga tingin.

"Because if I do, she'll be done for, or worst-- baka mawalan ka ng ate." Marahan ngunit makahulugan niyang saad kaya napalunok si Claire.

Matagal itong natigilan ngunit nagsalita din. "You're not planning to k!ll her, are you?"

"Well, I'm capable of that too." He just said casually bago humigop ng kape kaya kinilabutan si Claire.

"But Dhark, you can't stain your hands just like that para lang sa taong katulad ng kapatid ko."

Napangisi lamang siya nu'n. "That's why I'm doing what it takes to punish her by the law. But if she keeps on inconveniencing me like this through her shabby tricks, you know what will happen to her. Of all people, you know what I'm capable of. I can always go back to my old self and if I do, it's gonna be a done deal."

Tila kinilabutan si Claire sa narinig. Of course she knew what Dhark is meaning to say. She saw him during his darkest.

____


The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon