"Ahhh! Naku! Huwag! Wag niyo po akong patayin! Bata pa po ako! Please!"
Pawis na pawis si Shu at nanginginig. Ang dami-dami niyang iniisip. Kaka-betrothal wedding lang kasi nila, tapos dinner na.
Habang kumakain, ang dami niyang iniisip. Alam niya kasing sasama na siya sa asawa niya mamaya pagkatapos nilang kumain. Parang anytime pwede na.
"Hay naku! Erase! Erase! Ano ba 'tong mga iniisip ko! Hindi naman siguro siya ganun kasama. Tsaka minor pa ako, pre-wedding pa lang naman 'to. Hindi naman siguro niya ako pipilitin, 'di ba?" Nanginginig ang mga kamay niya habang hawak-hawak ang damit sa ilalim ng mesa. Napansin 'yun ng lalaki sa tabi niya, tapos napangisi.
Napatalon siya nang bumulong 'yung lalaki sa tenga niya.
"Relax, I'm not your groom, Miss. Your groom couldn't make it today."
Naguluhan siya. Nawala yung takot at kaba niya.
"H-ha? Hindi po kayo si Mr. Griffin?"
Ngumisi ulit 'yung lalaki.
"Lieutenant Carber po, Ma'am. Kanang kamay ng General. Pinagbilinan lang akong pumalit."
"Hala?!"
"Busy siya kaya hindi siya nakapunta. Pero may bilin siya sa'yo, ngayong tapos na ang kasal."
"Grabe! Hindi ako makapaniwala! Demonyo nga siguro siya, 'no? Ang bait naman kasi nitong lalaking 'to, akala ko siya na 'yung demonyong General na magiging asawa ko!" Naibulalas niya na lang.
"May sinasabi ka?" tanong ni Lieutenant Carber, na kakatapos lang makipag-usap sa iba.
Ngumiti siya ng pilit at umiling.
"Hay, kung hindi lang may sakit si kambal, hindi ako papayag na ako ang mapangasawa nung General na 'yun! Ang misteryoso pa, baka pangit at matanda na, tapos pamangkin pa raw ni Lucifer kaya namatay na ang dalawang asawa! Jusko... wait! Baka siya ang pumatay sa mga 'yun?! Nakakatakot!" Bulong niya sa sarili, pumikit-pikit pa siya sa takot.
"K-kung ganun, kelan ko kaya siya makikita? Hay, 'yung demonyong General na 'yun!"
...
BINABASA MO ANG
The Demon General's Young Wife
RomanceApat na taon nang kasal si Shu sa isang lalaking hindi niya pa kailanman nakikita o narinig ang boses. Hindi siya dapat ang ikakasal dito; dapat ay ang nag-iisang anak na babae ng mayamang pamilyang pinagtatrabahuhan ng kanyang ina. Isang magulong k...