"Anu kaya kung dito ka nalang sa bahay." Walang anu-ano'y wika ni Shu na ikinalito ni Claire.
They're currently in the livingroom playing with Elly.
"A-anung ibig mong sabihin Shu?"
"Dito ka nalang sa bahay matulog." Nakangiti parin namang saad ni Shu kaya napalunok ito.
"M-matulog?"
Tumango-tango siya, "Yes, stay in. Total naman, naranasan mo ng matulog dito sa bahay. Tsaka yung schedule ko kasi nabago, hanggang 6:30 to 7:00pm na ako ngayun. Mag-e-eight na kapag nandito ako. Masyado ka ng gagabihin nun, tulad nitong mga nakaraang araw, at ngayun. Delikado para sa'yo ang umuwi ng late." Mahaba niya pang wika.
Hindi naman nakasagot n'un agad si Claire at napaisip.
"N-naku, h-hindi na. Nakakahiya naman. Stay-out ang napag-usapan. Tsaka, b-baka hindi okay kay General Griffin." Kapagkuwa'y pagtanggi niya, mainly because she's really thinking that it's not a good idea for Dhark. Mas magiging mahirap ang sitwasyon para sa kanilang dalawa.
"Naku anu ka ba, wala iyung problema sa asawa ko. Isa pa, siya nga ang nagpatulog sa'yo noong nakaraan dito sa bahay diba? Tsaka yung room na ginamit mo? That was my old room at bakante naman so you can use it. Isa pa, kailangan ka ng anak namin, nitong mga nakaraang araw madalas siyang atakakihin ng sakit niya sa gabi. Madalas kaming nagpapanic. We really need a stay-in doctor so please, pumayag ka na." Pahayag niya pa kaya naman umiwas ito saglit ng tingin at matagal nag-isip-isip.
Lumipas ang ilang sandali bago ito tumugon at ikinatuwa niya ang tugon nito.
Iyun naman ang naabutan ng heneral na noo'y nagulat sa nalaman at tila hindi mapakali ngunit wala ring nagawa.
"Han, okay lang naman sa'yo na mag-stay in na si Claire di'ba?"
"H-hah? S-sigurado ka ba?" Nauutal naman nitong tugon.
"Hmm? Oo naman. Bakit naman hindi?"
"Ah w-wala naman. What I meant is that, k-kung wala bang magiging problema iyun k-kay Claire. Baka may mga bagay siyang kailangang gawin sa bahay nila di'ba." Pagsesegway pa ng heneral bago sinulyapan si Claire na noo'y hindi rin mapakali.
"Naku wala naman. Mag-isa naman itong si Claire sa bahay niya diba? Tsaka isa pa, malaya naman siyang lumabas labas as long as may titingin sa anak natin." Kaswal pang pahayag ni Shu kaya naman lalong napayuko si Claire.
Nakaramdam naman ng pagkahabag para dito si Dhark. He knows his ex-wife's pain of course. But what else they could do at that moment? Wala.
"Ah by the way Han, bukas na siya magsisimulang mag-stay in, okay lang?" Maya-maya'y nakangiti paring turan ni Shu.
"B-bukas na?"
"Oo. Bukas din yung party na pupuntahan natin, hindi ba? Sakto pala." Konklusyon pa niya.
"Ah o-oo nga pala. Bukas na iyun."
"See? Sakto, may titingin na kay Elly ng gabi kapag wala tayo. At least hindi na rin mahihirapang bumyahe-byahe ni Claire pauwi ng gabi, tapos hindi na din niya kailangang bumangon ng maaga at bumyahe papunta dito sa bahay with all the traffic. Di'ba Claire?"
"H-hah? O-oo naman. T-tama ka." Utal namang biglang tugon ni Claire na noo'y kakagaling lamang sa malalim na pag-iisip.
"Ah, by the way, nandito naman na kayo. Uuwi na ako." Maya-maya'y paalam na ni Claire at tumayo na ng matigilan dahil sa sinabi ni Shu.
BINABASA MO ANG
The Demon General's Young Wife
RomansApat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat ang ikakasal dito, kundi ang nag-iisang anak na babae ng isang mayamang pamilya kung saan namamasukan...