Chapter 10

8.9K 123 11
                                    


____

Nakatunganga lamang si Shu habang nakaupo sa isang magarbo at magandang sofa na para sa kanila ni General.

Nasa Reception hall na sila ng mismong hotel ng resort.

Their guests are currently living the best of the moment, eating, drinking, and chatting with each other habang siya ay nakaupo lamang.

Hindi niya alam kong paano siya sasabay sa mga bigating bisita nila. Tanging si Nana Tacy lamang ang nakakausap niya ngunit busy pa ito sa pag-asikaso sa mga VIP guests nila na kung hindi politiko ay mga opisyal ng military.

Makes sense kung bakit hindi pa man umiinit ang sofa ilang minuto pagdating nila sa reception ay wala na si General sa tabi niya.

Paroo't parito ito while talking to their guests. Sa tingin niya ay mahahalaga ang mga pinag-uusapan ng mga ito at hindi tungkol sa kasal nila. Well, he's the General.

Dahil doon ay pasunod-sunod na lamang siya ng tingin dito.

Noong magutom na siya ay nagkusa na siyang kumain mag-isa tutal naman eh may sarili silang pagkain sa kanilang lamesa. Mukha kasing wala pang balak bumalik sa kanya ang heneral.

Kung sabagay, okay lang yun dahil kailangan niya rin ng panahon mapag-isa lalo na't hindi pa siya nakakaget-over sa mga nangyari at sa mga nalaman niya. Hindi niya parin lubusang maisip na si Khallib ay hindi si Khallib kundi si Dhark. Tapos si Dhark na inakala niyang si Khallib ay ang General Demon na asawa na niya ngayun. Tapos iniisip niya na din na kung si Khallib ay si Dhark at siya ang heneral, sino ang young master?

"Hayss ang gulo! Sasabog na yata ang ulo ko kakaisip dito!" Wala sa sarili niyang naibulalas.


Nasa ganoong estado siya n'ung lumapit sa kanya ang first lady kaya naman mas mabilis pa siya sa alas kwatrong tumayo ng maayos.

"M-magandang gabi po Ma'am-- ah f-first lady." Nanginginig ang mga ngiting sambit niya.

Ngumiti naman ito bago siya tinignan mula ulo hanggang paa.

"Hmm, you look great iha. Finally, we've met in person. Tama lang pala na ikaw ang pinakasalan ni General Griffin dahil bagay kayo. 18 ka palang ngunit hindi nahahalata ang age gap ninyo. Kung sabagay, he's only 28, and he's looking young and great kaya tama lang kayong tignan dalawa." Elegante at sosyalin nitong saad kaya hindi niya alam ang irereak ngunit tumango na lamang siya. "S-salamat naman po kung ganun Ma'am." Tugon niya pa bago ngumiti.

"Magrelax ka iha, masyado kang kinakabahan. Hindi mo kailangang kabahan sa harap ko. Mas kabahan ka sa presensya ni General Griffin." Pagbibiro niyang dugtong but she sounded a lil bit odd sa pandinig ni Shu kaya naman pilit na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.

"A-anu pong ibig niyong sabihin Ma'am?" Pilit ang ngiti niya namang tanong.

"Wala naman. Soon, you'll find it out yourself. Pero ngayon palang sinasabi ko na sa'yo, when that day comes, just come to me. I'll support and give you a hand. Okay?" Nakangiti nitong saad ngunit tila may ibang ibig sabihin sa tono nito kaya naman nakaramdam na naman siya ng takot para sa sarili niya.

Gayun pa man ay hindi niya na lamang iyun ipinahalata sa first-lady. Ngumiti lamang siya at tumango, "salamat po Ma'am, s-sige po, lalapit po ako sa inyo kapag kailangan." Turan niya pa kaya ngumiti ito at hinawakan siya sa kamay. "Treat me as your Aunt or a friend. I'm Dhark's aunt anyways so it's okay. We're pretty close and connected. Actually, you could come in the Palace if you want to para makapagkwentuhan din tayo kapag hindi ako busy. I kind of like your vibe and talkativeness." Tila naglalambing pa nitong wika kaya napangiti na siya ng totoo at lumabas na ang tunay na Shu.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon