Chapter 34

4.3K 63 4
                                    


Nang makauwi ang heneral sa mansion ay may mga ngiti sa kanyang labing bumaba ng kanyang kotse.

Mayroon siyang dala-dalang hot vanilla foam coffee and a streamline vanilla cake.

Nabanggit ni Shu sa kanya na paborito niya ang vanilla flavored na kape and cake kaya naman nang may madaanan siyang local caffee that serves special coffee and desserts ay naalala niya ang kanyang asawa. Lalo pa nang makita niya ang flavored drinks and desserts sa LED previews ng specialties ng caffee which was displayed on its wall.

He's on the way home when he saw that caffee kaya bumaba muna siya doon saglit to buy some for his wife.



Nang pumasok siya sa mansion ay si Nana Tacy ang sumalubong sa kanya.

"Good morning Sir. Nandito na po pala kayo."

"Good morning. Where's my wife?"

"Ah si Miss Shu po. Pumasok na po siya sa skwela Sir."

"Ah really." Biglang baba ng enerhiya niyang tugon bago sumulyap sa bitbit na pasalubong.

"Wow! Anu yan Sir, pasalubong niyo po kay Miss Shu?" Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito.

"Umm, this is a hot coffee. Supposedly consumed while still hot so take it for yourself." Kaswal na lamang niyang saad sabay abot ng hawak na paperbag at naglakad na papaalis ngunit huminto ito sa di kalayuan at nilingon muli si Nana Tacy na noo'y nakangiti dahil sa natanggap.

"Anu po yun Sir? May iuutos ka?""

"Nana,"

"Sir?"

"Don't call her that name again. She's Deanna. I've already told you that." Seryoso lamang niyang saad at pumanhik na ng hagdan.

Bahagya namang nakaramdam ng takot n'un si Nana Tacy ngunit ngumiti din siya't pinayapa ang sarili. "Hay Sir talaga. Paminsan-minsan lumalabas parin ang pagiging General-demon niya." Bulong niya pa at tinungo na ang kusina dahil excited siyang inumin yung kape at kainin yung cake.


____

Makalipas ang isang oras na pananatili sa kanyang silid ay lumabas muli ang Heneral.

"Sir, aalis po kayo ulit?" Tanong naman ni Nana Tacy na noo'y nagpupunas ng mga dahon ng mga special na halaman sa livingroom.

Bagong ligo at bagong bihis ang heneral kaya naman naitanong niya kung aalis ito.

"Yes. I have to go somewhere." Seryoso lamang na saad ng heneral at tinungo na ang pinto.

"P-pero Sir, paano po si Ma'am Sh-- ah Deanna, papauwi na po siya!" Habol pang saad ni Nana Tacy ngunit hindi na narinig iyun ng Heneral dahil nasa labas na ito papuntang parking.

"Hay, kawawang Shu. Hindi na naman maaabutan ang asawa niya." Naibulalas na lamang niya.

Tinawagan niya kasi ito kanina pagkarating pa lamang ng Heneral upang ibalita dito na dumating na ang Heneral.

Excited namang makita ni Shu ang asawa kaya papauwi na ito.

___

"Anu po Nana, umalis na siya ulit?!" Dismayadong saad ni Shu pag-uwi niya pa lamang at walang Dhark na naabutan.

"Eh ang sabi may pupuntahan daw. A-akala ko naman kasi hindi na siya aalis. Yun pala umuwi lang para maligo at magpalit ng damit."

"Di' niyo po ba sinabi na paparating na ako?"

"Eh sinabi ko naman, k-kaya lang late na kasi nakalabas na siya ng bahay. Di yata narinig." Ngiwi namang tugon nito kaya napabusangot siya.

Bagsak ang mga balikat niyang tinungo ang sofa at doon walang enerhiyang naupo.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon