Chapter 70

8.1K 135 1
                                    



Nagkagulo ang mga tao nang biglang mawalan ng ilaw ang funeral hall ng mansion ni Congresswoman Hillary.

Kasalukuyan siyang nilalamayan ng bigla na lamang nawala ang ilaw.


Yung iba ay nakaramdam ng takot dahil sa isiping minumulto sila ng Congresswoman, ngunit ang Bise-Presidente at ang first-lady na noo'y naroon din upang magpakitang tao ay nagtinginan lamang.


They knew that there might be something wrong.


Nagtinginan din nu'n si Shu at Lt. Carber na naroon upang makiramay at para na rin magbakasakaling naroon si Dhark.


Si Shu din ang nag-aasikaso sa mga bisita sa lamay. Gayun din sa mga pagkain at iba pang mga bagay. Nakabantay lamang naman sa kanya si Lt. Carber who's watching after her sa di kalayuan as per the General's request.


Since patuloy sa bait-baitan role ang Bise-Presidente, hinahayaan lamang nito si Shu since technically, she's part of the Griffin's family register.



"Ayusin niyo ang ilaw ngayun din!" Kaagad pang utos ni Francis sa mga tauhan na agad namang tumalima.


"Kumalma lamang ho tayo mga kapatid, may nangyari lamang ho sigurong hindi maganda sa main-switch ng ilaw sa buong mansion kaya nawala ang ilaw ngunit huwag ho kayong mag-alala, inaayos na po namin ang problema. Mamaya-maya lamang ho ay babalik na ang ilaw." Pahayag naman ng first lady sa banayad at dalisay na tinig.


"Ganito na lamang po, habang inaayos pa po ang problema ay magkukwento na lamang po muna ako ng mga katangi-tanging kwento patungkol dito sa ating butihing Congresswoman."


"Mabuti nga yan!"

"Opo, mahal na first lady! Gusto ho naming marinig iyan!"


Ito naman ang samo't saring tugon ng mga tao na taga suporta ni Hillary. Pumalakpak pa sila ng masigabo dahil sa sinabing iyun ng first lady.



Napangiwi lamang naman nu'n si Shu habang nakatingin sa first lady since Lt. Carber have already told her something about the first lady and even warned her.  Pinilit niya itong payagan siyang magpunta sa burol upang mag-asikaso bilang daughter-in-law ng nasirang Congresswoman. And of course, for Dhark's sake. She doesn't even know where he is, or if he's just okay or breathing. 

She can just imagine kung anu ang nararamdaman nito. Nawalan ito ng ina pero hindi ito makalapit manlang because authorities are everywhere. He couldn't even get to see his mom for the last time bago ito macremate. And now, yung mga kaaway pa talaga niya ang naroon sa lamay playing some tricks for their selfish motives.



Dahil sa kaplastikan ng fisrt lady at ng Bise-Presidente ay nagdesisyon siyang lisanin muna ang funeral hall. Tinungo niya ang kusina upang sabihan ang mga katiwalang maghanda ng merienda at inumin para sa mga bisita. 

Since the funeral is open for public, marami at papalit palit ang mga tao.


May ngiwi pa sa labi niyang sinulyapan ang first lady bago tuluyang umalis. Nagpatuloy naman ito sa pagsasalita.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon