Chapter 47

3.8K 64 2
                                    


Matapos ang dinner ay dumeretso na si Dhark at si Shu sa kanilang silid.

The General went straight to the shower room habang si Shu naman ay sinamahan muna si Elly sa personal room nito sa isang bahagi ng kwarto nila.

Nagbasa muna siya ng bedtime story upang tuluyan itong patulugin.

Kakatapos niya pa lamang isara ang pinto sa kwarto nito nang malingunan niya ang heneral.

Kakalabas lamang nito mula sa shower room at kasalukuyang nagbibihis.

He's currently puting on his white sleeping polo nang mapansin ni Shu ang sugat nito sa likod. Malapit lamang ito sa kaliwang balikat.

Noon siya nakaramdam ng pag-aalala kaya kaagad siyang lumapit dito, "Han, a-anung nangyari sa likod mo? Bakit may sugat ka?" Naaalarma niyang tanong bago hinila pababa ang hindi pa naibubutunes na polo nga heneral dahilan para makita ang kalahati ng likod nito.

That's she finally scanned the General's back for the first time. Napahinto siya at napalunok ng malalim dahil sa nasilayan niya. She's not even looking at the bleeding wound. Sa halip ay nakatingin siya sa mga naglalakihan at iba't-ibang klase nitong peklat na umuukupa sa likod nito.

Tila kinilabutan siya na ewan just imagining how deep and painful those wounds were. At kung saan iyun natamo ng heneral noon. Iniisip niya pa lamang na ang ilan doon ay tama na baril, sugat mula sa patalim, o mula sa anu pa mang klase ng sandata ay nanginginig na siya.

Nagbalik na lamang siya sa ulirat nang marinig niya ang pagtikhim ng heneral at ang pagkailang nito kaya naman ay nagsalita siya upang mawala ang awkwardness sa pagitan nila.

"Han, bakit ka may sugat sa likod? May nangyari ba? Sinong gumawa niyan?" Muli niya pang aligagang tanong kaya hinarap na siya ng heneral, "its-- it's nothing serious, Deanna."

"Nothing serious? Eh mukha kayang malalim tsaka magdugo-dugo pa oh!" Salubong naman ang kilay niyang usal bago nanguha ng first aid kit sa toiletries section ng silid nila.

"Halika dito at nang magamot natin yan!" Mando pa bago naupo sa kama.

Nagpakawala na lamang n'un ang Heneral ng paghinga bago sumunod at wala ng nagawa pa.


Nakaupo lamang siya nu'n patalikod kay Shu na abala lamang sa paglilinis ng sugat niya.

Wala itong imik so he knows that she's upset or something.

He couldn't find words to say kaya wala siyang balak magsalita but not until he heard her almost deaf-sounding sobs and he couldn't stand it.

"A-are you crying?" Mahina niyang tanong at sinulyapan ito saglit over his shoulder.

Nanatili paring walang imik si Shu at patuloy parin sa pag-asikaso sa sugat niya.

Noon na siya ngumiti ng pilit, "it's just nothing. Nakuha ko lang yan sa isang hardbound book na nahulog sa likuran ko while I was looking for a book, sa office ko." Magaang at nakatawa niyang saad para pagaanin ang atmospera ngunit napaaray siya bigla n'ung diniinan nito ang sugat niya bago magsalita, "you can lie to me all you want saying that you're okay even if something bad happened. But seeing you bleed like this and you still dare to lie and say you're okay? It's upsetting, alam mo ba yun?"  Inis nitong bulalas kaya natigilan siya.

"Patalim ba yung librong yun at ganyan ang resulta? Ang lalim ng sugat mo oh!" She asserted in frustration ngunit pinili niya paring ngumiti to act cool.

"It's really nothing. Malayo sa bituka." Pagbibiro niya pa kaya isang tampal sa balikat ang inabot niya.

"A-aww! G-galit ka ba?" Pagsasawalang bahala niya paring pabirong saad bago ito hinarap. "Deanna, I meant it okay, it's nothing. I'm okay." Sambit niya pa habang hawak-hawak ang mga kamay nito ngunit nagbawi lamang si Shu ng mga kamay at humalukipkip.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon