Paglabas niya ng kusina ay hinagilap niya si Shu, wondering kung nasaan kaya ito, ngunit hindi niya nakita kaya inakala niyang baka tulog na ito kaya naman ay tutunguhin na sana siya ng hagdan noong mapahinto siya bigla.
He saw his wife sleeping on the livingroom sofa.
Dahan-dahan niya itong nilapitan at malamlam ang mga matang tinitigan.
He satdown on one knee in front of her.
He let out a deep long sigh lalo na noong masilayan ang maamo nitong mukha. Dahan-dahan pa siyang nag-angat ng isang kamay upang hawiin ang buhok sa mukha nito.
"You shouldn't have waited for me and went to bed. I'm sorry." Mahina niyang saad bago siya tumayo at kumuha ng sofa blanket para kumutan ito ngunit noon na naalimpungatan si Shu.
"H-Han? N-nandito ka na pala," saad siya at kaagad bumangon.
Dahil hindi agad nakasagot si Dhark ay napatitig siya dito.
"Ah, k-kumain ka na ba Han?" Kapagkuwa'y tanong pa niya.
Umiling-iling naman si Dhark nu'n at ngumiti ng tipid kaya agad siyang tumayo mula sa sofa. "Naku sorry, kanina ka pa ba dumating? Sorry, nakatulog ako. Sandali, ipapainit ko lang yung mga pagkain, lumamig na kasi." Aligaga ngunit malambing niyang saad at aalis na sana ngunit pinigilan siya ng heneral sa braso, "No, don't bother. Just-- just rest now." Mahina nitong turan habang nakatitig sa kanya.
Noon na siya natigilan at nagtatakang nilingon ang asawa. "Han," nagtataka niya pang sambit.
Noon na niya napansin na medyo lasing si Dhark dahil sa itsura nito.
"L-lasing ka Han? O-okay ka lang ba?" Maya-maya'y malunanay at may pag-aalala sa tinig niyang saad at hinawakan si Dhark sa magkabilang pisngi.
Noon na siya nito nilubayan ng tingin at naupo sa sofa kaya naiwan siyang nakatayo lamang sa harap nito. Nakatitig lamang siya dito.
"M-may nangyari ba Han," maya-maya'y maingat niya pang tanong dito lalo na't napayuko ang heneral at napapabuntong hiningang napahilamos ng palad.
"S-sorry, dumagdag pa yata ako sa mga isipin mo. Hindi na dapat kita sinabihan tungkol sa dinner na niluto ko." A'niya pa kaya naman agad itong nagsalita.
"Bakit?" Mahina nitong tanong habang nakayuko parin kaya nalito siya, "hmm?".
"You are still so nice even after all that I've done. I've ignored and given you cold treatment. So, why ?" Sambit pa nito bago nag-angat ng mukha para tignan siya.
Hindi niya inexpect ang mapusong tanong na iyun mula sa heneral kaya bahagya siyang natigilan ngunit kalauna'y nagbitaw siya ng ngiti at siya naman ang naupo sa sahig. She got down on one knee to face him closely.
Hinawakan niya muna ang kamay ni Dhark na noo'y nakapatong lamang sa tuhod nito bago siya nag-angat ng mukha para tignan ito sa mga mata.
"A-alam mo Han, hindi ko rin alam kong bakit." Tipid ang ngiti niyang malamunay na panimula. "H-hindi ko alam kung bakit, napapagod na akong maghintay pero bakit hinihintay parin kitang umuwi sa'kin? Nasasaktan na ako sa cold-treatment mo pero bakit nandito parin ako sa bahay mo? Nalulungkot na ako kakaisip kung kelan kaya darating yung araw na maging okay na tayo, pero bakit patuloy parin ako sa pag-iisip at paghihintay sa araw na iyun? Pero alam mo, narealize ko din na may isa lamang pala akong kasagutan sa mga bakit na iyun-- mahal nga pala kita," a'niya bago nagbitaw ng pagngiti.
"Mahal kita kaya ako nagtitiis. At nagtitiis ako kasi masaya ako kapag nandyan ka na, kapag nasa akin na yung atensyon, at sa mga panahong okay tayo. Yun-- yun ang dahilan kung bakit nandito parin ako. Isa pa, alam kung nagpakasal ako sa isang Heneral. I know, you have your duties and obligations that you must fullfil before me and it's okay." Nangungusap ang mga mata at may ngiti sa mga labing mungkahi niya kaya naman ay napatitig sa kanya ng matagal ang heneral.
BINABASA MO ANG
The Demon General's Young Wife
RomanceApat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat ang ikakasal dito, kundi ang nag-iisang anak na babae ng isang mayamang pamilya kung saan namamasukan...