Chapter 23

11.2K 194 4
                                    

____

"So Lady Deanna, you're the wife of General Griffin. You look beautiful. Are you a pure Filipina? I love your skin completion."

"I'm glad to see that you're as beautiful as what I have imagined you to be hija. Mabuti naman at nakahanap si General Griffin ng babagay sa kanya."

"Oh, so you're the wife of the famous General Demon. You look pretty. Not bad for a young, handsome, successful, and first-ranked General like General Griffin. I think, you're pretty deserving."

"Lady Deanna, even your name is beautiful. I'm glad that you are beautiful. General Griffin chose you over my daughter, I understand now."

_____

Ito pa ang ilan sa samo't saring pahayag ng mga bisita sa dinner party kay Shu. Palakad-lakad lamang kasi siya at kung sino-sino ang nakakasalamuha matapos ang kainan.

Natutuwa siya sa mga compliments ng iba, ngunit yung iba ay halatang napipilitan lamang na purihin siya.

Yung iba na naman ay halata niyang ayaw sa kanya o hindi satisfied sa kanya.

Gayon pa man ay wala siyang masyadong pakialam sa mga bagay na iyun. Sa dalawang bagay lamang siya may pakiaalam sa mga oras na iyun. Una, kay Khallib na hindi pa niya nakikita simula noong matapos ang kainan. Pangalawa, abala siya sa paghagilap sa heneral na kanina pa paroo't paroon. Hindi niya makausap o malapitan dahil abala sa mga kausap.

Naalala niya tuloy yung parehong kaganapan noon sa reception after their wedding.

Kahit tuloy masaya siya kanina dahil tila proud na proud ang heneral habang ipinapakilala siya sa mga tao sa party, ngunit ngayun, bakit parang it's all part of politics. Parang public service lang. Mukha kasing wala na naman itong pakialam sa kanya.





____

"Hm! Ni hindi niya manlang ako pinuri noong makita niya akong ganito ang ayos. Samatalang yung iba, mukha namang gandang ganda sa akin." Nakabusangot na saad ni Shu habang nakatanaw mula sa veranda sa likod ng event hall.

Nilisan niya muna ang event hall para magpahangin sa labas. Total naman eh wala siyang kausap, abala ang lahat sa kani-kanilang mga tapiko. Kung may lalapit naman sa kanya para kumausap sa kanya, puro background o pinagkakaabalahan naman niya ang tinatanong o kaya mga topic sa politika o business. Obviously, parehong wala siyang alam. Tungkol kasi sa background niya, kailangan niyang magsinungaling kasi nga sa mata ng lahat, siya ang nag-iisang anak ng Chairman ng BUENAVENTURA GROUP of companies ng bansa which is obviously a lie, anung alam niya sa business kapag tatanungin siya? So ang ending, iiwas nalang siya and now here, outside para magtago at para huminga.




Malayo ang lipad ng kanyang isipan at tulala lamang sa hangin nang biglang uminit ang kanyang likod.

Hatid iyun ng coat na ipinatong ng heneral sa likod niya.

"What are you doing out here? People are looking for you, specially the first-lady." Kaswal pang saad ng heneral bago tumabi sa kanya at itinukod sa railing ng veranda ang mga kamay bago tumingin sa kalangitan.

Nakatitig lamang si Shu sa Heneral dahil hindi niya maiwasang hindi maakit sa side-profile nito lalo na't kita niya ang adams-apple nito habang ito'y nakatilngala.

"So, what's the matter. Why are you here? Malamig pa naman." Muli ay saad ng heneral bago siya nilingon saglit kaya agad siyang napatikom ng bibig dahil sa pagkapahiya.

Noon na siya humalukipkip.

"Hm! Hindi kasi ako makahinga sa loob. Hindi ako makasabay sa mga tao roon. Puro politika at business ang usapan nila. Isa pa, yung ibang tao roon hindi ako gusto. Tapos ikaw na nga lang sana ang pag-asa kong makausap at makasama para hindi ako ma-out of place, busy ka naman." Derederetso niyang kaswal na litanya kaya napangisi ang Heneral.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon