Chapter 73

10.6K 180 29
                                    


Nagpapalakad-lakad lamang si Shu sa livingroom ng isang safehouse na pinagdalhan sa kanya ng Heneral.

Noong magising siya ay wala na si Dhark, ang sabi ng mga bodyguards na nakabantay sa bahay ay madaling araw pa itong umalis kasama si Lt. Carber at ang iba pang mga tauhan nito.

Wala siyang idea kung saan ito nagpunta o anung ginawa kaya naman hindi siya mapakali.

Nang tangkain naman niyang lisanin ang safehouse para sana lumabas ay hinarang siya ng mga bodyguards. Utos daw ni Dhark na manatili lamang siya doon kaya naman bagot na bagot siya.

Gusto niya sanang pumunta kay Elly dahil nabanggit naman ni Dhark kung nasaan ito at kung sino ang kasama nito sa mansion ng mga Garriego.

____



"General, narito na si Chief Abrera at ang Chairman Vallejo ng 24/7 Broadcasting Centre." Pagbibigay alam ni Lt. Carber kay Dhark na noo'y naghihintay lamang sa isang secret meeting room.

He was tilting a half-full glass of tequila with his hand while the other was in his pocket.

Nakatalikod lamang siya while looking at the busy city through the glasswall of the hotel room they're in.





"Papasukin mo na." Kapagkuwa'y tugon niya lamang bago inubos ang laman ng kanyang hawak na baso.

Tumalima naman kaagad si Lt. Carber at sinenyasan ang mga tauhang ipasok na sa loob ang dalawang matataas na opisyal na kapanalig ng first lady at ng bise-presidente.


Napipilitan ang dalawang opisyal na pumasok sa meeting room kaya napipilitan ding naupo.

Kung hindi lamang sila natatakot na mabaril sa oras ding iyun ay hindi pa sila susunod.

May hiwaga sa kanilang mga isipan na kapwa napatingin sa lalaking dahilan kung bakit sila naroroon. Since nakatalikod si Dhark, hindi nila siya mamukhaan o mapagsino.



"I-ikaw?!"

"General Griffin?!"

Sabay nilang pahayag noong sa wakas ay humarap na din si Dhark.

Naupo siya sa dulong upuan habang ang dalawa ay nasa bandang gitna ng long table.

They only have cup of teas in front of them which they're both hesitant about.

"H-How are you not dead?" Kapagkuway napapalunok na naisatinig ni Chairman Vallejo. Ang taga control ng first lady sa mga balitang lumalabas sa media. Ito ang kasalukuyang Chairman ng 24/7 BROADCASTING CENTRE ng bansa.





"Why? Surprised, hmm?" Dhark asserted sarcastically dahilan para mapalunok naman ang Chairman.

"Huh! At talagang mahirap ka pala talagang puksain, General." Nakangisi namang sabat ni Chief Abrera kaya nilingon niya ito.

"Or maybe, it was just your cakewalk tricks that didn't work on me. Baka kailangan niyo ng mas masidhing pagpaplano at mas matalinong estratihiya." Tila nang-iinsulto naman niyang mungkahi dahilan upang ismeran siya nito.

"What do you want from us? Kung inaakala mong makakanti mo ako, nagkakamali ka! Hindi ka na Heneral ngayun. Sa mata ng mga tao patay ka na kaya wala ka ng buhay na babalikan pa. And if ever you return, maibabalik at maibabalik ka lamang sa loob ng kulungan! So stop this bullsh!t and release us now bago pa kayo mahanap ng mga tauhan ko!" Mahabang pahayag naman ni Chief kaya napataas siya ng isang kilay ng bahagya.

"Well, that's pretty intimidating but it didn't affect me even just a bit, Chief. You are within my sights, who are you to command?" Pang-iinsulto niya pa kaya ito naman ang natawa.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon