Chapter 15

12.7K 217 5
                                    

  ____

(6 months later...)

"Pao frenny, wala pa ba si Shu?" Tanong ni Ivon kay Pao paglapit palang nito sa kaibigan na noo'y nasa labas ng hotel kung saan gaganapin ang Christmas ball ng kanilang University.

Kasalukuyan nilang hinihintay si Shu na hindi pa dumarating.

"Nasaan na kaya ang acklang yun! Kanina namang tinawagan ko, nag-aayos na raw at nakabihis na." Taka pang saad ni Ivon.

"Ay truennesss! Pero halos dalawang oras ng walang walang reply, hindi din online." A'naman ni Pao.

Ilang saglit pa ay nagsalitang muli si Ivon ng may pag-aalala sa tinig.

"Teka, sigurado kayang nag-aayos na talaga siya kanina? Hindi ba kaya nagsisinungaling lang siya at ang totoo ay nagmumukmok na naman sa kwarto niya?" Supusisyon nito.

"Oo nga nu. Baka ayaw naman talaga niyang pumunta sa Ball kasi alam mo na, hindi na naman natuloy sa pag-uwi ang asawa niya. Pang-limang beses na yata ito. Hello! Like six months na ang nakalipas. New Year na bukas oh! Pero hindi pa siya inuuuwian ng General-demon niya simula noong umalis ito sa El Nido noon." Mahabang litanya ni Pao.

"Hay, eh kasi naman busy daw sa foriegn affairs kaya ang isang buwang trabaho niya sa ibang bansa eh umabot na ng anim na buwan. Hay, kawawa naman ang frenny natin."

"Korek ka dyan. Hay, tawagan ko kaya ulit." A'naman ni Ivon at tinawagan ng muli si Shu subalit hindi ito sumasagot.

"Puntahan ba natin sa bahay nila?"

"Pwede rin pero hindi din naman tayo makakapasok. Bawal diba, may security so hanggang gate lang tayo."

"Hay oo nga pala. Hay anu ba yan! Dati naiinggit pa ako dahil General ang asawa niya, ngayun parang hindi na. Ang hirap naman ng sitwasyon niya. Eh mas busy pa yang si General sa regular soldier eh. Yung mga sundalo kung saan saan nadidistino pero may 1 or 2 weeks vacation naman kada 3 months kaya may oras dumalaw sa pamilya o asawa, eh yang si General!" Kapagkuwa'y litanya ni Ivon noon na sila kapwa mapatingin sa harapan dahil sa pagparada ng isang itim na motorsiklo.

Si Khallib ang ang sakay n'un at nakaangkas ang isang babae na noo'y naka-red glittery dress with a slit sa isang leg.

Namimilog lamang ang mga mata nilang nakatingin sa dalawa nang sa wakas ay tanggalin na ni Khallib ang helmet ng babae.

"Shu?!"
"Shu?!" Sabay namang naibulalas n'ung dalawa kaya napangiti si Shu. "Oo, ako nga!" Nakatawa naman niyang saad na kanina ay pamisteryos pa.

Ngumisi naman nun si Khallib.

"Oyy babae, at bakit kayo magkasama niyang si Dhark?" Maya-maya'y agad na bulong naman ni Pao na hinawakan pa siya sa braso.

"Mamaya na ako mag-explain." Mahina naman niyang tugon lalo na't naroon pa si Khallib.

"Kayo ah, mukhang napapadalas na iyang bonding ninyong dalawa. Noon labas kayo ng labas, ngayun magkasama naman kayong aatend ng ball." Mungkahi pang muli ni Pao.

Tahimik lamang noon si Ivon at abalang tinititigan si Khallib habang ibinibigay nito ang susi at motorsiklo sa security guard na naroon.

Noong matapos na iyun ay bumaling na ito kay Shu. "Eyy Shu, let's go." Saad nito at ini-offer pa ang braso para may kapitan si Shu.

Kapwa naman napatingin doon sina Pao at Ivon bago magtinginan habang si Shu ay kusa iyung tinanggap dahilan para ngumiti si Khallib na noo'y kilala parin ng lahat bilang si Dhark, ang pinsan ng Young master na si Khallib.

Hindi na nagpupunta sa school ang General kaya wala ng nagpapanggap na Khallib doon. Ipinalabas ng school na bumalik ito sa paghohome-school dahil law naman na ang kinukuha nito. That way, hindi na magtataka ang mga studyante kung bakit bigla nalang hindi na pumasok ang young master.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon