Chapter 67

3.9K 72 8
                                    




"Ako nalang muna ang kakausap sa kanya." Pahayag ni Shu kay Khallib nang mailabas na si Dhark mula sa selda nito at naupo sa visitation area.

Nakatitig lamang ito sa kanila ni Khallib na noo'y nasa may pinto banda.

Tumalima naman si Khallib at pasimple pang nginisihan ang heneral bago umalis muna upang lisanin ang visitation area.


Mula sa paglalakad palapit hanggang sa makaupo si Shu sa harap ni Dhark ay nakatitig lamang ito sa kanya.



Sa kabila ng pagiging matigas na awra niya ay hindi niya maitago ang sumisilay na pagkahabag kay Dhark. Nabuhay din muli ang mga hinanakit niya para dito kaya nanunubig na naman ang kanyang mga mata na pilit niyang nilalabanan. She wanted to appear taugh and bolder in front of him.

"H-Hindi ako magtatagal. G-Gusto ko lang malaman kung ano ang lagay ni Elly." Malamig niyang saad bago pasimpleng mag-iwas ng tingin lalo na't titig na titig si Dhark sa kanya.

"I haven't had any update yet but I'm on it so don't worry." Tugon naman nito kaya napangisi siya.

"Ayan kana naman sa 'don't worry' mo. Hindi ko tuloy alam kong sincere ka ba na ayaw mo talaga akong mag-alala o gusto mo lang ipahiwatig na hindi naman ako ang tunay na ina ni Elly para mag-alala pa." Matatas ang dila niyang mungkahi kaya tinignan siya sa mga mata nito.

"I'm sorry and-- and thank you for worrying about Elly." Kapagkuwa'y sambit nito kaya lalo siyang napangisi. Lalo siyang nairita sa sinabi nito.

"I'm sorry? Thank you? For what? Alam mo Han, simula noong dumating si Elly sa buhay natin, wala akong ibang narinig sa'yo kundi 'sorry' at 'thank you'. You always say 'sorry' kapag napapagod at napupuyat ako para alagaan siya. 'Sorry' kung minsan nahihirapan akong pakainin siya. 'Sorry' kung alagain siya at kailangan lagi ng atensyon. 'Sorry' kung kailangan kong unahin siya minsan kesa pumasok sa school. O kaya naman, you always say 'thank you' for taking care of her. 'Thank you' kasi pinaliguan ko siya. 'Thank you' kasi pinakain ko siya. 'Thank you' kasi inihele ko siya sa pagtulog. 'Thank you' I make time para makipaglaro sa kanya. 'Thank you' kasi napapasaya ko siya. 'Thank you' kasi binilhan ko siya ng damit, ng laruan, o ng favorite food niya. 'Thank you' kasi inilabas ko siya para maglaro. 'Thank you' kasi sinamahan ko siya sa school! HAN! BAKIT? Bakit kailangan mong magsorry at magthank you sa'kin for doing the things na dapat lang namang gawin ng isang nanay sa kanyang anak? Bakit kailangan mong magpasalamat sa mga bagay na natural lang namang gawin ko kasi nga ako yung nanay ni Elly, diba? Obligasyon ko anv mga yun bilang nanay niya so why must you say thank you and sorry as if I am a stranger doing you a favor for taking care of your daughter!" Mahaba niyang malakas na litanya. Puno ng pagkukuwestyon ang kanyang tinig kaya hindi nakapagsalita si Dhark. Nakatitig lamang ito sa kanyang mga mata trying to process what she have just said.



"At first, I was confused kung bakit ka ganu'n, pero iniisip ko na lang na baka naaapreciate mo lang yung mga ginagawa ko, but I uderstand now. You were saying sorry and thanking me because you only see those things as favor from a fake mother, k-kasi buhay nga naman yung Nanay, 'yung totoong Nanay' na dapat sana ay gumagawa ng mga ginagawa ko. Kaya pala I've never heard you say thank you nor sorry to Claire for the hardships she has in taking care of Elly." She concluded while hindering her tears from falling.

"D-Deanna-- listen to me--"

"You know what, I have heard this Chinese proverb that 'A family don't say thank you to each other', but you kept on thanking me, so I guessed--- I'm not one." Matalinghaga niyang putol dito bago magpakawala ng mapait na ngiti.


"Deanna--"

"Isa pa yan. I always wondered why you've never called me 'Shu' o 'Shuntal'. I thought it's because Deanna sounds more appealing to you pero yun pala, kapangalan ko ang dati mong asawa and it's torturing you to hear people call me Shu, because she's the only Shu you could think of." Naghihinagpis ang kalooban niyang mariing mungkahi noon na napaiwas ng tingin si Dhark.


The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon