Naalimpungatan si Shu nang gisingin siya ni Claire.
Dahil nahihilo at masakit pa ang kanyang ulo mula sa pagkakapukpok ng batok kanina ay hindi kaagad rumehistro sa kanya ang sitwasyon.
Napapapikit pa niyang hinawakan ang kanyang batok bago inikot ng tingin ang silid na kinaroroonan niya at noon na siya napamulat ng mga mata.
"C-Claire?" Wala sa sarili niyang naibulalas at bahagya pang napausog ng upo.
Hindi naman na nun tumugon si Claire na hindi parin siya matignan ng deretso sa mga mata kaya naman nagsalita siyang muli.
"A-anung nangyari? B-Bakit ako nandito? Nasaan ako? AT ikaw, bakit ka nandito?" Sunod-sunod niya pang tanong at pinilit tumayo kahit nahihilo pa siya.
Nang maalala niya ang nangyari ay nanlilisik ang mga matang tinignan niya si Claire. "K-kasama ka ba sa nagplano nito?"Walang pasintabi niyang singhal dito ngunit napansin niya ang mga pasa nito sa katawan at mukha kaya kaagad din siyang natigilan.
"D-Dinakip ka rin ng kapatid mo? A-anung nangyari sayo?" Biglang nahahabag niyang sambit kahit na malamig parin ang kanyang tinig.
"S-Shu, o-oo. N-noong isang araw pa ako dinala ng kapatid ko dito upang pagbuntunan ng galit niya sa heneral. N-Ngayun naman ay nadakip kana rin pala niya." Umiiwas ng tingin nitong tugon kaya naman napalunok siya.
"B-Bakit tayo dinala dito ng first lady? Anung kailangan niya? Anung binabalak niyang gawin?" Sunod-sunod niyang muling saad.
Umiling iling naman ito bago nagpunas ng luha sa pisngi na noo'y bigla na lamang tumulo.
"H-hindi ko alam Shu, ang alam ko lang dinala niya ako dito para pagbuntungan ng galit niya tulad na lamang ng matagal na niyang ginagawa dahil galit na galit siya ngayon. P-pero ikaw, hindi ako sigurado. Basta ang alam ko lang eh delikado ang lagay mo. Kailangan mong tumakas habang wala pa siya. Kailangan nating gumawa ng paraan." May pag-aalala sa tinig nitong mungkahi kaya naman nagbaba siya ng tinig kahit papaano.
"P-pero paano? T-tsaka bakit ako lang? Bakit hindi ka rin tumakas?"
Ngumisi ito dahil sa tanong niya kaya naman nangunot ang noo niya.
"Claire bakit?"
"Tumakas man ako, wala na din akong mapupuntahan Shu. Ate Clarissa is my only family now."
Natigilan muli siya sa tinuran nito at napaisip.
"Even if she could kill you?" Naibulalas niya.
Ngumti naman ito ng mapit bago magsalita.
"Yes. Pero gayun pa man, alam kung hindi niya iyun kayang gawin dahil kung kaya niya, sana noon niya pa ginawa. I am her only family too."
Agad niya itong nilingon dahil sa sinabi nito. Puno ng pagtataka.
"Alam kung marami kang katanungan sa isipan Shu, pero hindi mo na kailangan pang malaman kung anu ang ibig kung sabihin. Ang mahalaga ngayun ay makahanap tayo ng paraan para makatakas ka dito."
Napalunok na lamang siya sa sinabi nito bago siya muling nagbalik ng tingin sa paligid ng silid.
Lumilingalinga lamang siya nang mapansin niya ang isang bookshelf sa gilid. Kaagad niyang naalala ang secret room ni Dhark kaya naman kaagad siyang tumayo at lumapit doon.
"Shu bakit, m-may nakita ka ba?" Agad namang ani Claire at sumunod sa kanya.
Kinakabahan niyang ini-scan ang hilera ng mga librong naroon hanggang sa abutin niya ang isa sa mga iyun at hindi nga siya nagkamali ng hinalang maaring may secret door din doon katulad ng silid ni Dhark.
BINABASA MO ANG
The Demon General's Young Wife
RomansApat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat ang ikakasal dito, kundi ang nag-iisang anak na babae ng isang mayamang pamilya kung saan namamasukan...