___"Oh Khallib! A-anung ginagawa mo dito?" Takang bungad ni Shu kay Khallib na noo'y kakapasok lamang ng mansion.
"Hays, I've reaching you out for a week now pero hindi ka sumasagot. Inakala ko lang na baka may sakit ka na naman kaya dumalaw na ako but here you are, alive!" Nakatawa naman nitong cool na saad at pabagsak na naupo sa sofa sa tabi niya.
Napangiti naman siya nu'n. "Hay ikaw talaga kahit kailan! Gusto mo lang ng mapagtitripan eh!" Nakatawa naman niyang tugon.
"So bakit nga? Why are you absent for a week now? That's not so you, what happened?" Kapagkuwa'y tanong nitong muli kaya natigilan siya ngunit ngumiti din siya.
"Busy lang ako! Pero hopefully next week, makapasok na ako." Magaang niyang saad para hindi na ito maghinala pa.
"Busy saan? Sa pagmumukmok?" Pagbibiro naman nito kaya nangunot ang noo niya.
"Pagmumukmok? Saan naman sana aber?"
"Well, the General is not around for more than a week now. He went back to Russia and haven't been back yet. Busy pa sila ni Dad. Maybe you've missed him that's why?" Kaswal naman nitong konklusyon kaya natigilan siya ngunit tumawa din.
"Haha! Bakit naman ako magmumukmok para d'un? Okay lang ako anu ka ba! Sanay na ako, trabaho niya iyun, naiintindihan ko." Kaswal niya ding tugon kaya tumango-tango ito.
"That's good then. Ah by the way, why is your face like that?" Kapagkuwa'y curious nitong tanong looking at her face kaya inilayo niya ang kanyang mukha. "Hmm? Bakit? Anung meron sa mukha ko?"
"Alam mo yung itsura ng bagong panganak na babae, yung ilang gabi ng walang tulog kakahele ng anak sa gabi? Yun, yun ang itsura mo." Pagbibiro nito kaya natawa siya.
"Ah talaga lang ah! Grabi ka sakin, para mo namang sinasabi na yung eyebags ko may eyebags din!" Ika niya while touching her face.
"Ganu'n na nga! Puyat na puyat ka eh!" Nakatawa naman nitong tugon kaya natawa na din siya ngunit kapwa sila natigilan nang maulinigan nila ang pagbaba ni Nana Tacy sa hagdan. Buhat buhat nito si Elly.
Banaag ang pagkalito sa mga mata ni Khallib na nakatingin kay Shu.
"S-sino y-yung bata?" Utal pa nitong saad.
Tumayo naman muna si Shu bago iwanan ng ngiti si Khallib at sinalubong sina Elly.
"Ellyyy, gising ka na pala." Magiliw niyang saad kay Elly na noo'y kaagad nagpabuhat sa kanya.
"Naku ayun nga't umiyak noong hindi ka nakita kaninang paggising niya. Ayaw maglaro sa playhouse niya kaya ito, binaba ko na." Nakangiti namang saad ni Nana Tacy.
"Naku ganun ba, sorry anak ha, kawawa naman ang baby ko, iniwan ka ba ni Mommy? Hmm, hindi na muulit ha, hindi na. Lagi kang babantayan ni Mommy para sa bawat paggising mo, ako ang unang una mong makikita." Malambing niya namang saad habang hinahaplos sa likod si Elly na noo'y nakayakap sa kanya.
Wala namang imik na nag-oobserba n'un si Khallib na noo'y napatayo pa dahil sa kalituhan.
"Oh siya sige, maiwan ko muna kayo at maghahanda ako ng meryenda." Ngiti namang paalam ni Nana Tacy at tinungo na ang kusina.
Bumalik naman na si Shu sa sofa buhat buhat parin si Elly.
Alam niyang nagulat si Khallib kaya nginitian na lamang muna niya ito bago ibinaba si Elly at binigyan ng laruan.
"Maglaro ka muna nak ha, kakausapin lang ng Mommy ang Tito." Malambing niya pang wika kay Elly bago muling hinarap si Khallib.
"So who is this lil girl? Kelan ka pa nagkaana-- wait, is-- is she the General's missing daughter?" Konklusyon nito kaya tumango siya.
"Oo, siya nga. Elly, that's her name." Malumanay naman niyang saad.
Namilog lamang n'un ang mga mata ni Khallib.
"S-so it's really true that she's still alive! Whoah! Is this some kind of dream or what!"
"Same reaction here!" Ngingisi-ngisi naman niyang saad bago nilingon si Elly na noo'y abala sa paglalaro.
"Since nabanggit mo na rin lang na mukha akong bagong panganak na Nanay na wala pang tulog kakahele, actually totoo yun. She's the reason why, isang linggo na akong hindi pumapasok." Ngiwi niyang saad.
"S-since when did she get here? I mean how?"
"Umm, isang linggo na din, k-kaya nga isang linggo na din akong halos walang tulog eh." Pagbibiro niya pang dagdag.
"S-so, a-anung nangyari, bakit siya biglang sumulpot dito?"
"Naku, mahabang kwento tsaka komplikado. Basta, isang araw boom, nandito na siya and of course kailangan ko siyang tanggapin at aalagaan, kaya iyun ang ginagawa ko. Lalo na at m-may sakit siya." Madamdamin niyang saad bago ngumiti ng bahagya.
"M-may sakit?"
"Oo. Heart disease."
"What?"
"Tama ang narinig mo k-kaya nga nakakaawa din siya," Tugon niya bago sinulyapan si Elly ng may awa sa mga mata. "Yun din ang dahilan kung bakit delayed ang growth niya hindi katulad ng mga normal na bata na kaedad niya. Baby palang kasi, kung anu anong treatment na ang pinagdaanan niya, malalakas ang mga gamot niya kaya ayan, nahihirapan siya."
"It must be really hard for her. Poor little girl." Sambit naman ni Khallib.
"Oo. Kaya nga medyo hirap din kami ni Nana Tacy sa pag-aalaga sa kanya. Hindi kami nakakatulog ng maayos kasi madalas siyang sinusumpong sa gabi. Madalas magdamag siyang umiiyak tapos ako lang ang gusto niya. Kahit nga yung on call doctor na binayaran ni Dhark, ayaw niya. Kaya walang choice, si Nana Tacy naman mahina na rin sa puyat kaya ako lang talaga ang nag-aalaga sa kanya." Mahaba niya pang kwento.
Natigilan naman n'un si Khallib at nakatitig lamang sa kanya with sympathy on his eyes.
Ilang sandali pa ang lumipas bago ito nagsalita, "b-but how about you?"
"Hmm?"
"I mean, i-ikaw paano ka naman? How about yourself? Your life?"
Napahinto siya't napaisip sa sinabi nito.
She actually understands what was Khallib meaning to say. To become a mother to Elly is like sacrificing her own life, her freedom to do things that she likes, and her time for herself, pati nga ang pag-aaral niya naaapektuhan.
Dahil sa isiping iyun ay matagal siyang hindi nakapagsalita.
"And how about your studies?" Kapagkuwa'y muli pang saad ni Khallib kaya naman napabalik siya sa ulirat.
Isang pilit na ngiti ang ipinukol niya dito, "hopefully makahanap na kami ng private nurse o kaya doctor na pwedeng maging nanny niya. Kailangan 24/7 siyang i-monitor at ma-cater ang medical needs niya kaya hindi uubra ang non-medical nanny for her. Kapag nakahanap na kami, pwede na akong pumasok sa school kasi may titingin na sa kanya. Dati namang nurse si Nana Tacy pero basics na lamang ang alam niya tsaka hindi kaya ng isang tao lang ang pag-aalaga dito kay Elly." Mahaba niyang mungkahi na pinili na lamang hindi sagutin ang unang tanong ni Khallib.
___
BINABASA MO ANG
The Demon General's Young Wife
RomanceApat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat ang ikakasal dito, kundi ang nag-iisang anak na babae ng isang mayamang pamilya kung saan namamasukan...