Chapter 76

3.4K 60 8
                                    




Naabutan ni Shu si Dhark na nagbabasa lamang ng diaryo habang nakadikwatro sa sofa noong lumabas siya mula sa shower room.

"Han, nandito kana pala." Pukaw niya sa atensyon nito na kaagad namang iniwan ang diaryo upang lingunin siya. Utomatiko itong napalunok nang makita siyang nakabalot lamang ng tuwalya. Nasa harap na siya nu'n ng dresser at nagsisimula ng magsuklay.

"Oh, Han. Bakit wala kang imik dyan?" Sambit niya pa nang walang maghintay na pagtugon mula dito na noo'y napatikhim lamang matapos mapahiya sa sarili. "A-ah, Umm." Naisatinig nito bago nangingising ibinalik ang tingin sa diaryo.

Nang lingunin niya ito ay napangiti naman siya. "Gabi na, nagbabasa ka parin dyaan. Anu bang meron sa diaryo?" Pagbibiro niya pa bago muling humarap sa salamin.

"It's nothing, just a random unfortunate news." He just casually said.

Natigilan naman siya saglit sa pagsusuklay noong may maalala.

"Ah, by the way Han, kanina pala, napanood ko sa TV, patay na daw yung Chairman ng 24/7 Broadcasting Centre. Inatake daw sa airport. Diba, kasama yun sa mga kaalyansa ng first-lady?" Dere-deritso niyang turan dahilan para matigilan si Dhark at mapatiim-bagang.

Kapagkuwa'y itiniklop nito ang hawak na diaryo upang lingunin siya.

"Umm, it's true but Babe..."

"Hmm?"

"Don't mind those things okay. Not for you to think about." Marahan nitong wika bago ngumiti ng tipid.

"P-pero Han--"

"Babe," Sambit lamang muli nito kaya naman hindi na siya nagtuloy pa at tumango-tango nalang kasabay ng pag-ngiti.

"Okay, Babe." Sambit niya pa at nilingon na ang salamin para magpatuloy sa pagsusuklay ngunit utomatiko namang napangiti si Dhark sa narinig.

Tila kinilig siya sa pagtawag sa kanya ng Babe ni Shu.

That's when he got out of the sofa and found himself behind his wife.

Napangiti naman si Shu nang makita ang repleksyon ng asawa sa kaharap na salamin. Dhark just smiled and took the hairbrush from her hand and started to gently brush her wet hair.


Tila kiniliti naman ang puso niya n'un kaya wala siyang ibang ginawa kundi ang ngumiti habang pinagmamasdan mula sa salamin ang asawa na abala sa buhok niya.

Dahil sa tagal ng pagkakatitig niya dito ay bahagya siyang napakurap ng mahuli siya ng tingin ng kanyang asawa mula sa salamin.

Matagal ang pagtitig nilang iyun hanggang sa ngumisi sa kanya si Dhark at hinagkan siya sa balikat.

"Why are you so good at it?" Pilyo pa nitong sambit kaya nangunot ang noo niya.

"Hah? Good at what?"

"Seducing your husband."

"H-hah?" Ngisi niya na lamang na mungkahi sa sinabi nito.

"You don't believe it?"

"Hmm, hindi ah! Should I do it more often then?" Pilya naman niyang pahayag na tila nang-aakit kaya napatawa ito.

"No, or else..."

"Or else what?" Panunutil niya pa kaya lalong lumaki and ngisi nito.

"Or else I'll stay here all day long and we won't be able to get out of the bed." Pagbibiro nito kaya napataas siya ng mga kilay.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon