Chapter 20

6.9K 92 2
                                    

Kinabukasan, pababa na ang Heneral nu'n sa sa secondfloor livingroom noong mahagip ng kanyang mga mata ang silid ng kanyang asawa.

Huminto muna siya at tumingin roon. Bumuntong hininga muna bago nagdesisyong maglakad papunta roon.

Nakapamulsa lamang siya habang nakatitig sa pinto ng ilan pang segundo bago magdesisyon ng kumatok.

He's about to knock when he stopped and turned around. Kaya lamang, hindi pa siya nakakalayo ay bumalik siyang muli sa pinto.

Kakatok na sana siya nang biglang magbukas ang pinto. Kapwa sila natigilan ni Shu ngunit mamaya'y nakita niya ang masaya at maliwanag na mukha nito.

"Oh Han, good morning!" Bati pa nito sa kanya na kala mo'y hindi sila naging aso't pusa kahapon kaya naman hindi niya alam kong paano ito i-a-approach nang hindi niya ito mabubuwesit because he knows that whenever he opens his mouth, he upsets people, lalo na si Shu. Well, that's mainly because he doesn't know how to please people. He just speaks up his mind and it's just okay with him since he's been living like that ever since, since he doesn't care about anyone. However, his situation with Shu is different and he just realized it last night as he rationalised everything that Shu have told him about that 'girl codes' thing.


Kaya naman imbes na basta na lamang siyang umalis papunta sa trabaho at ibilin na lamang kay Nana Tacy ang gusto niyang sabihin kay Shu ay hindi niya ginawa at pinilit ang sariling puntahan ito para kausapin bago umalis.


"Oh, nakabihis ka na. Aalis ka na Han?" Pukaw ni Shu sa isipin niyang iyun dahil napansin nito na nakabihis na siya. As usual, he's on a black suit na merong General's pin and badge na nakakabit sa bandang dibdib nito.

"Wait lang, ipaghahanda lang kita ng breakfast. Anung gusto mo?" Masigla pang saad ni Shu at aalis na sana ngunit pinigilan niya ito.

"There's no need. I already had breakfast." Tugon niya kaya natigilan ito.

"Tapos ka ng magbreakfast? A-anung oras na ba?" Biglang aligaga nitong saad bago dali-daling kinuha ang kamay niya para tignan ang oras mula sa wristwatch niya.

"Ay shocks, tanghali na pala akong nagising! Gusto sana kitang ipaghanda ng breakfast. " Dismaya nitong saad sa sarili kaya nagsalita na siya.

"It doesn't matter. I came to you not for the breakfast. There's a dinner in the palace tonight so prepare for it." Kaswal niyang wika.

Namilog naman ang mga mata nito sa sinabi niya.

"D-dinner?"

"Y-yeah."

"Tama ba ang narinig ko? Isasama mo ako?" Kapagkuwa'y natutuwa pa nitong mungkahi.

"Umm, t-the first-lady wants to see you that's why." Tugon naman niya at tumalikod na.

Sinundan naman siya ni Shu at sinabayan siya sa paglalakad pababa ng hagdan at umabresiete pa sa braso niya.

Kakaiba ang saya sa mukha nito na animo'y talagang excited.

"It's just a dinner, so watch for your self-projection. Don't overdo it."  Maya-maya'y bilin niya pa dito at kumalas na para tuluyang umalis.

"Teka anung isusuot ko? Han!" Habol pa ni Shu ngunit napangisi na lamang siya at tuluyan ng lumabas ng mansion.


"Ito naman, anung self-projection ka dyan! Bakit di mo nalang sabihin kung anung isusuot ko? Hays, anu nga bang isusuot ko? Baka mamaya ako lang naiiba o baka mamaya mukha akong tanga doon. Han naman! Dipa sabihin kasi!" Maktol niya habang nakatayo parin sa kung saan siya iniwanan ng heneral kanina.

Noon naman na lumapit si Nana Tacy na may ngiti sa mga labi at may buhat buhat na malawak na puting kahon. Muntikan na niyang akalaing kahon iyun ng cake.


"Hay anung itinatayo-tayo mo dyan Darling?"

"Eh kasi po Nana, sabi po ng asawa ko may dinner daw po sa palasyo mamayang gabi. Pero hindi ko po alam kung anung isusuot. Baka mamaya magmukha po akong ligaw na damo doon." Maktol niya kaya ngumiti ito at iniabot sa kanya ang hawak na box kaya nalito siya.

"A-anu po ito Nana at bakit ka nakangiti dyan?" Tanong niya pa.

"Sa tingin mo ba hahayaan ka ni General Griffin na pumunta doon na parang ligaw na damo tulad ng sinabi mo?"

"I-ibig pong sabihin---"

"Ayan, binili niya iyan for you. Galing pa iyan sa ibang bansa, binili niya during his stay in Hongkong bago siya umuwi dito kahapon."
Namilog  lalo ang mga mata niya at sumilay ang labis na saya sa puso niya.

"So iniisip niya po pala ako." Tila maiiyak niya pang bulong.

"Abay oo naman. Bakit naman hindi?"

"Eh yun po kasi ang ipinaparamdam at ipinapakita niya sa akin."

"Hay, alam mo darling, yang si General hindi talaga marunong mag please  o mag-alaga ng iba yan when it comes to his personal relations. Lumaki siyang ganu'n and given the nature of his job, naging mas stone-hearted at mas naging malupit pa siya. Pero darling alam mo, naniniwala ako na unti-unti, matututo siyang mag-adjust sa relasyon niya sa iyo. Basta kumapit ka lang anak, pasasaan pa't matuturuan mo din siyang maging malambing at maging sensible sa ibang tao o kahit sa'yo lang bilang asawa niya." Mahaba nitong pahayag.

"Ah o-opo Nana, huwag po kayong mag-alala. Hindi po ako marunong sumuko. Isa pa po Nana, a-alam ko pong siguro maaga pa para kumpirmahin ko sa inyo ito lalo na't wala pa naman po kaming masyadong napagsamahan ni General pero alam ko po sa sarili ko na mahal ko siya. At dahil pinasok ko na rin lang ito, napagdesisyunan ko na pong ituloy tuloy at panindigan nalang."

"M-mabuti naman kong ganu'n darling. Natutuwa akong marinig iyan sa'yo. Sa inyong tatlo, sa iyu ko lamang narinig iyan."

"P-po? Tatlo po? Sino p-- ah a-ang ibig niyo po bang sabihin kaming mga asawa?"

"Ah eh, naku kalimutan mo na iyun, wala iyun. Oh siya sige na, isukat mo na iyan sa kwarto mo at tsaka ka bumalik para sa breakfast mo. Maghahanda na ako." Biglang pag-iwas nito kaya nagtaka siya ngunit hindi na siya nagtanong sa halip ay tumango na lamang siya. Tutal naman eh excited siya doon sa damit.





____

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon