Chapter 7

9.2K 138 1
                                    

____

"Um, K-Khallib!" Nahihiyang bungad ni Shu kay Khallib na noo'y kakalabas lamang mula sa male restroom.

Natigilan ito saglit at tumingin sa kanya bago patay malisyang nagpatuloy sa paglalakad kaya naman ay sinundan niya ito.

"Khallib! Khallib sandali!" Pagpupumilit naman niyang saad at pinilit sabayan ito sa paglalakad hanggang sa nahawakan niya ito sa kamay ng hindi sinasadya.

Isang seryosong tingin lamang ang ipinukol ni Khallib sa kanya papunta sa kamay nito na hawak niya kaya naman napabitaw siya agad d'un.

"Ah' umm p-pasensya na." Naiilang naman niyang saad ngunit wala paring nagbago sa ekspresyon nito.


"Ah- g-gusto ko lang sanang mag-- magsorry sa ginawa ko sa kamay mo. H-hindi ko sinasady--"

"Nevermind. It doesn't matter." Putol lamang nito sa sinasabi niya at ibinulsa na ang isang kamay para sana umalis na ngunit pinigilan niya ito, "t-teka sandali!" Aligaga niyang sambit kaya tumigil ito at humarap sa kanya ng kunot ang noo.




Napalunok lamang siya nu'n bago lakas loob na kinuha ang kamay ni Khallib. Nanginginig ang kamay niya ngunit itinuloy niya parin.

Dumukot siya ng isang band-aid sa bulsa niya at nilapatan ang sugat sa kamay nito na siya ang dahilan.

Nakatitig lamang si Khallib sa kanya habang ginagawa niya iyun hanggang sa matapos at napatingin din siya dito kaya naman napaiwas ito ng tingin bago tumikhim at agad nagbawi ng kamay.


"Umm, s-sorry ulit." Mungkahi naman niya ngunit tumalikod na ito at naglakad paalis ngunit nagtaka siya nang huminto ito at humarap sa kanya.

"Don't do something like this again next time." Seryoso nitong sambit kaya nalito siya saglit.

"H-Hah?" Naguguluhan niyang tugon ngunit itinuro lamang nito ang signage sa likod niya.

"Male Restroom", it says.

"A-ah-- p-pasensya na. N-nakalimutan ko. Nagmamadali kasi akong sundan ka kanina eh, hindi ko na naisip ang tungkol sa rules ng school. Bawal pala ang babae dito." Nahihiya niyang paliwanag ngunit nagkamot ito ng noo at humakbang papalapit sa kanya.


"Nakalimutan mo? And then what? What if hindi lang ako yung tao dito at may iba pa, didn't you think of the consequences that they could gossip about us or something? What if iba pala yung taong sinundan mo and something bad happened? Remember, there are thousands of male students here in the University. Who knows what can happen to you in this hallway or inside that restroom? You shouldn't be careless all the time Miss To-- FORGET IT!" Bigla niyang seryosong dugtong at tumalikod na.

Tila nagulat at naguluhan naman siya sa narinig kaya kaagad siyang tumakbo para sundan ito.

"T-teka sandali!" Habol naman niya sabay hablot muli sa kamay nito.

Nang tignan siya nito sa mga mata ay agad siyang napabitaw sa kamay nito.

"One more thing, stop touching people. You're a woman, you shouldn't be careless like that specially if you already have a husband or a boyfriend. Don't cause trouble!" Suplado nitong saad kaya napailing siya.

"H-hah boyfriend? Husband? W-wala nu. Wala." Naiilang niyang saad kaya napangisi ito bago siya tinignan ng mariin.

"Really? I see then." Kapagkuwa'y seryoso nitong turan at umalis na.

Natigilan naman siya nu'n ng bahagya bago magpakawala ng malalim na paghinga. "Hays! Bakit siya ganun, nakakatakot! Parang hindi ako nakahinga doon ah." Tila humahangos niyang saad bago magpunas ng pawisang noo.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon