Chapter 77

3.6K 66 9
                                    

Pagbukas pa lamang na pagbukas ng bise-presidente ng pinto ng kanyang silid ay halos lumukso ang puso niya dahil sa gulat at takot.

Nabungaran nito ang heneral na noo'y nakaupo sa couch na naroroon at nakadikwatro pa.

Hindi pa man nakakabawi mula sa pagkagulat ay isa lamang ang nasa isipan nito: and tumakbo.

Subalit tatalikod pa lamang ito pabalik sa pinto noong dumaan sa pagitan ng mga hita nito ang kutsilyo na tumarak sa sumaradong pinto.

Butil butil ang pawis at nanlalaki ang mga matang napapihit ito upang harapin ang heneral na noo'y malamig lamang ang aura. Nasa baril na hawak hawak ang mga tingin.

"H-How did yo-- p-paano ka n-nakapasok dito?" Sa wakas ay utal na pahayag ng Bise-Presidente.

Ngumisi naman n'un ang heneral bago ito nilingon.

"How do you think I did, hmm? Am I not welcome here? Well, if I'm remembering things correctly, this is my house too, since this is my father's mansion that he built for our family." Tila nang-iinsulto niyang pahayag.

Napaiwas naman n'un ng tingin ang Bise-presidente at nagkuyom ng kamao.

"Why? Do you have an objection? That's funny of you trying to shut me out of a house that I grew up with. This house is a lot bigger and complex than you think it was, Mr. Vice President Francis Mercado. Those bodyguards outside? Nagtataka ka kung bakit nakatayo parin sila kung gayung nandito ako sa loob? Well, I would have killed them all, but I didn't. I love keeping body counts to a minimum. Why would I take useless lives kung ikaw lang naman ang kailangan ko, hindi ba?" Makahulugan niyang nakangising saad dahilan para lalo itong kilabutan.

"W-what do you want? Why don't you just tell me! You want this house? You want money? Anu! Just tell me and stop fooling around!" Sa wakas ay naisatanig nito kahit na may nginig sa mga tinig.

Napahalakhak naman siya dahil doon bago biglang magseryoso at tinitigan ito ng mariin.

"Pinulot ka lang ng aking ina sa kangkungan! She dressed you up, gave you high status and power! How dare you betrayed her!" Kapagkuwa'y mariin niyang bigkas kaya napalunok ito.

"Ah-- I didn't mean to betr--" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil sa pagdaplis ng bala sa tenga nito mula sa baril ng Heneral kaya naman lalo itonv nanginig sa takot.

"Speak more lies and I will send you to hell bit by bit!" Mariing wika ng heneral, bakas ang poot sa sarkastiko nitong tono.

"Okay, fine! Fine! Yes I betrayed her! Simula palang iyun na ang plano ko dahil lahat ng paglapit ko sa kanya at panliligaw ay parte lamang lahat ng plano ko. Ginamit ko siya at ang katayuan niya sa buhay para matulungan ko si Clarissa! And yes, Clarissa is the only woman I've loved and I'm willing to do everything para makaganti sa mga Villarialle, sa inyo! Gladly, Hillary was not as smart as you are! She didn't only love me, she gave me avenue to politics. He backed me up and supported me all through out." Ngingisi-ngisi pa nitong kwento.

"And yet you only not betrayed her, but you poisoned her!" Saad naman niya sa kalmado ngunit mariing tono.

"I couldn't get rid of her any other way. I had to end her to end everything between us!" Kaswal naman nitong saad na tila ba'y hindi buhay ang pinag-uusapan. Noon na siya napangisi bago muling magsalita.

"Gladly, you're not as smart as you think you are too. You've gave your life trying to help the first-lady believing that she loves you too but you're a fool to believe that."

"W-WHAT? THAT'S NOT TRUE!"

"She's just using you and guess where she is right now! Do you think she's even thinking about you at this very moment? Huh, unfortunately, you can't even get to see her at the very last moment to ask her if she loves you! Something that you've never heard from her, it was all your illusions!"

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon