Kyle Enrico Salvador
☾ ⋆*・゚:⋆*・゚:⠀ *⋆.*:・゚ .: ⋆*・゚: .⋆"No worries. I'm glad I was able to assist you today. And thanks for choosing XY Services. My name is Kyle. Hope you have a great day."
Pagkatapos na pagkatapos ko sabihin ang closing spiel ko, kaagad na akong nag-log out sa Avaya. Tumingin ako sa time na naka-display sa pinakasulok ng monitor ko at napabuntong-hininga. 3:31 AM. I have an hour to enjoy and relax.
Pagkatapos kong i-lock ang computer ko, saglit akong tumingin sa katabi ko na hanggang ngayon ay may kausap pa rin. Long call si gago.
"Alan, lunch lang."
Tinignan lang ako ng katabi ko at tumango habang patuloy pa rin ang pakikipag-usap sa customer niya.
Naabutan kong maraming tao sa pantry. Tuwing gantong oras kasi ay maraming naka-lunch break. Yes, you heard that right. Alas tres ng umaga ay lunch pa rin. Bilang call center agent ng mahigit limang taon, nasanay na ang katawan ko sa gantong schedule. Sinubukan kong magtrabaho sa pang-umaga pero di kaya ng katawan at utak ko. Tinanggap ko na na messed up na yung body clock ko kaya nag-resign ako sa dati kong kumpanya at nag-apply sa night shift position.
Apat na buwan pa lang ako dito sa kumpanya ko ngayon. Okay lang naman. Paulit-ulit lang yung mga ginagawa na kahit nakapikit ako, alam ko na ang pasikot-sikot nitong building. Maganda rin yung benefits ng kumpanya at hindi na rin masama yung sahod. May libre pang unli-kape na galing vendo pero di ako kumukuha don. Kadiri kasi.
Umupo ako sa bakanteng table na pang dalawahan at nilapag doon ang tray ko. Makabutas bulsa ang mga ulam dito kaya itong hotdog at sinangag na lang ang binili ko. Dalawang araw na lang naman at makakapagpakasasa na ako sa fastfood kasi pay day na.
Habang kumakain ay nags-scroll ako sa Facebook. Naramdaman ko na lang na may umupo sa bakanteng upuan sa unahan ko. Napataas ang kilay ko dahil parang di niya inda na may nakaupo na rito, at saka hindi ko naman siya kilala. Marami pa namang bakanteng mesa kaya nagtataka ako kung bakit umupo dito tong gago na 'to.
Hindi ko siya tinignan at patuloy lang sa pagkain. Public space naman 'tong pantry kaya wala na akong pake sa kanya. Nag-scroll lang ulit ako sa Facebook at nanood ng mga reel. Napatawa pa ako nang mahina dahil sa nakakatawang video na napanood ko.
Pero nagulat ako ng biglang tumayo yung lalaki sa unahan ko at pumunta sa tabi ko. Parang tumaas ang mga balahibo ko nang bigla siyang yumukod at tumingin sa cellphone ko.
"HAHAHAHAHA, LT!"
Napakapit pa yung isang kamay niya sa balikat ko habang tumatawa. Ramdam ko na biglang lumamig ang paligid at mas lalong nagtindigan ang lahat ng dapat tumindig sa katawan ko. Pero hindi yung ano, ha.
Malamig dito sa office namin dahil kaliwa't kanan ang aircon, pero kakaiba yung lamig na nararamdaman ko ngayon. Hindi ako nag-scroll pa ng reel kaya paulit-ulit yung video na nagp-play sa cellphone ko. Tawa lang din nang tawa yung lalaki habang nakalapat pa rin ang mga kamay niya sa balikat ko.
Medyo naalibadbaran ako kasi parang di niya alam ang personal space. Kinabig ko nang kaunti yung balikat ko para matanggal yung kamay niya. Bigla siyang napatigil nang lingunin ko siya at tignan ng masama.
"Pre, pwede wag ka dito?"
Wala na akong pakealam kung masama ang pagkakasabi ko. Ayoko lang kasi na ini-invade yung personal space ko lalo at naka-lunch ako. Isang oras na nga lang madarama ang katahimikan sa trabaho, ay guguluhin pa niya. Saka sobra naman yung akbay-akbay niya. Di ko naman siya kilala.
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Romance[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...