─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
Sundan natin ang araw ng pinakagwapong (di umano) multo at kung anu-ano ang mga pinagkakaabalahan niya.
Tahimik na nakaupo si Junjun sa sofa ni Kyle. Alas-10 na ng gabi at wala ring mapapanood sa TV, kaya minarapat na lang nito na maupo na lang at makipaglaro sa sisiw na si Chikie. Hindi man niya ito mahawakan, tila naririnig naman siya nito dahil hinahanap-hanap ng munting sisiw ang boses ni Junjun tuwing nagsasalita ito.
May pasok si Kyle ngayon at kasalukuyang naghahanda. Ngayon kasi ang araw ng pagbabalik nito sa trabaho mula sa mahabang bakasyon. Nakaramdam rin ng konting excitement si Junjun dahil makikita ulit nito ang mga kaibigan sa building.
Napukaw ang atensyon ni Junjun nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Kyle. Iniluwa nito ng bagong ligong binata na medyo basa pa ang buhok. May itim na tote bag itong nakasukbit sa kanang balikat habang ang kaliwang kamay naman nito ay hawak ang cellphone. Nakasuot ito ng black na pullover hoodie na pinaresan ng itim na jogger pants at puting Converse.
Naamoy din ng multo ang normal na pabango nito na gusto niya laging nalalanghap.
Namamangha si Junjun sa ayos ni Kyle. Napakasarap nito sa mata kahit na ano pa man ang suot nito. Matangkad kasi ito at matipuno ang katawan at kapansin-pansin din ang mahahaba at tuwid nitong mga binti.
"Papasok na ko. Sasama ka ba?"
Bumalik sa sarili si Junjun nang marinig niya ang boses ng binata.
"Of course! Let's go!" ang masiglang sagot ng multo.
Pagkatapos siguraduhin na may sapat na pagkain at inumin ang sisiw na blue, umalis na ang dalawa para pumunta ng office. Mabilis maglakad si Kyle habang si Junjun naman ay tahimik lang na nakasunod.
Sa ilang araw na nakasama ni Junjun si Kyle, alam niya na talagang mabuting tao ito. Nagpapasalamat siya dahil si Kyle ang nagkaroon ng kakayahan na makita siya.
Bago kasi dumating ang binata sa buhay (?) niya, tanging mga kapwa kaluluwa lang na naninirahan sa building ang kausap niya. Masaya naman sila kausap, pero limitado lang ang napag-uusapan nila dahil gaya niya, wala din silang maalala sa mga nakaraang buhay nila. Hindi rin sila nakakalabas sa lugar na iyon. Pawang mga pangyayari lang sa loob ng office building ang napagku-kwentuhan nila.
Pagkatapak pa lang ni Junjun sa loob ng building, mas naging masigla ito. Excited itong makipag-kwentuhan muli sa mga multo dahil sa dami ng istorya na baon niya. Gusto niyang i-share yung mga experience niya sa mga naging gala nila ni Kyle. Tiyak nito na kaiinggitan siya ng lahat.
"Kyle, I have to go somewhere. See you in a bit!" ang nagmamadaling pagpapa-alam nito sa binata. Hindi na niya hinintay ang sagot ni Kyle. Kumaway si Junjun at saka dali-daling nagtungo sa lugar kung saan alam niyang nakatambay ang mga multo.
"I'm back!"
Kung naririnig lang ng mga nabubuhay ang boses ni Junjun, tyak na nabulahaw na ang buong building. Masigla niyang binati ang mga multo na tila nagtitipon sa isang lugar.
"Junjun 8! Kamusta ka na?!"
Nagulat si Junjun 3 nang makita ang pagbabalik ng kaibigan. Akala kasi nito ay tuluyan na itong nawala. Hindi kasi ito nagpaalam na aalis kaya di nila alam kung ano ba ang nangyari rito.
Junjun 8 ang palayaw ni Junjun—si Junjun na kaibigan ni Kyle. May mga numbers ang nickname nila dahil lahat ng multo sa building na iyon, babae man o lalaki, ay Junjun ang pangalan. Tinatayang nasa 15 ang lahat ng multo na nakatira rito. Nako-corny-han nga siya sa ganitong systema kaya naman Junjun lang ang binigay na pangalan nito kay Kyle. Pero wala siyang magagawa. Ito ang napagkasunduan ng mga naunang multo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Romance[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...