─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
Sa araw ng pag-alis ni Luigi pauwi sa Canada, gusto sana siyang ihatid ni Ezekiel sa aiport dahil marahil ito na ang huli nilang pagkikita pero pinigilan ito ni Luigi.
"Ano ka ba? We'll probably see each other again. Who knows? Are you saying you're going to ignore me because—"
"That's not what I mean. As you know, may kanya-kanya na tayong buhay. For you, you got your own family. As for me... I've got a new life to live too." ang paliwanag ni Ezekiel. "Now that we got different goals and paths to take, I wish to start over with my divinely granted second life."
"Got it. I know what you mean." Tipid na ngumiti si Luigi at hinawakan ang balikat ni Ezekiel. "I guess, this is it. I'm glad that we're able to peacefully close this chapter of our lives."
"Likewise. Salamat din sa pagdalaw. I wish you and your family a harmonious life, too."
Noon, ni minsan ay hindi niya naisip na sasabihin niya iyon sa dating kasintahan. Dati akala niya, siya ang 'family' na bubuo sa harmonious life ni Luigi.
Kahit na ganon, ang mga binitiwang salita ni Ezekiel ay tapat at galing sa puso niya. Kagaya nga ng sabi ni Luigi, payapa nilang sinara ang kabanata na nagdudugtong sa kanilang buhay.
Magaan sa pakiramdam kapag iniisip ni Ezekiel na kinaya niya ang mga bagay na ito. Ang mga nangyari bago siya na-coma, ang matagal na pagkaka-confine niya, at ngayon, ang pagtatagpo nila ng lalaking minsang naging laman ng puso niya.
He's happy to let everything go. There was no unresolved feelings between them. Walang sama ng loob. Walang galit.
"I also wish nothing but the best for you, Ezekiel. Thank you for being part of my life."
Sa huling pagkakataon ay niyakap nila ang isa't-isa, parehong umaasa na makakahanap ang bawat isa ng kaligayahan at kapayapaan sa kanya-kanyang buhay.
Bago bumitaw si Luigi, may binulong ito sa tenga ni Ezekiel. Nanlaki naman ang mata ng isa at tinignan siya ng masama.
Isang misteryosong ngiti ang binitawan ni Luigi.
"See you when I see you." ang sabi niya bago ito lumabas ng kwarto.
"Bye." Kumaway si Ezekiel sa paalis na lalaki.
Naiwan na lang siyang mag-isa sa kwarto.
Ang daming nangyari sa kaunting araw na lumipas. Pero masaya si Ezekiel dahil parang unti-unti nang bumabalik sa dati ang buhay niya.
Makalipas ang ilang minuto, dumating na sa kwarto si Kyle kasama si Mrs. Sy. Sinamahan lang nila sa entrance ng ospital si Luigi para magpaalam.
"How are you, anak? Feeling better?" ang tanong ni Mrs. Sy sa anak.
"Better than ever." ang nakangiting sagot ni Ezekiel
Sa wakas ay nagkaroon na ng kasagutan ang kanyang mga tanong tungkol kay Luigi. Masaya siya sa kinahinatnat ng lahat. Masaya siya dahil maayos silang naghiwalay ng landas.
"I'm so glad, anak." Hinawakan ng kanyang mom ang kamay niya, "For now, just focus on yourself and your recovery. And my promise to you, susuportahan kita sa kahit na anong gusto mo. I'm always here for you anak. I love you."
Nagsimulang lumuha si Mrs. Sy dala ng kasiyahan. Hindi niya alam ang gagawin kapag may mangyari pang masama sa anak. Gusto niyang ibigay ang buong suporta niya kung ano man ang magpapasaya dito.
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Romance[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...