Kyle Enrico Salvador
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───Napaaga ng isang araw ang uwi namin ni Junjun sa Maynila. Sinabi ko na lang kay mama na kailangan na ako sa trabaho kahit hindi naman totoo. Hinatid ako nina papa sa terminal at bago ako makaalis, hinigit ako ni Warren sa isang tabi dahil may itatanong daw siya.
"Kuya," panimula niya. Mariin siyang nakakapit sa pulsuhan ko at taimtim na nakatingin sa aking mga mata. "Hindi pwedeng hindi ko 'to itanong bago ka umalis. Kuya... may dinala ka ba ditong... isang nilalang."
Ilang saglit din kaming nagtitigan ni Warren. Na-blangko ang utak ko. Paanong...
Nung bata pa ang kapatid ko, palagi namin tong naririnig na nagsasalita mag-isa na tila may kausap na di namin nakikita. Pag tinatanong naman namin kung sino kausap niya, hindi naman sumasagot. Nung nag-elementary siya, lagi siyang nagsusumbong na nakakita siya ng nakakatakot na bagay. Sinasabi ko na lang na guni-guni niya yon at wag na pansinin. Noon ay akala ko nagbibiro lang to kasi hindi naman ako naniniwala sa mga multo. Pero ngayon, mukhang may espesyal na kakayahan nga ang kapatid ko.
"Nakikita mo rin ba sya?" ang tanong ko.
Umiling-ilang lang si Warren.
"Hindi ko nakikita. Pero nararamdaman ko. Minsan din naaaninag ko ang anyo niya pero hindi ko masabi kung ano ba yon." binitawan ni Warren ang pagkakahawak sa akin saka niya pinag-krus ang mga braso. Nakataas ang kanyang kilay at sinabing:
"Nung isang araw sa kwarto, nung nakita kitang may ginagawang kung ano sa kama mo, medyo naaninag ko siya na nakahiga sa ilalim mo, pero malabo at agad ding nawala. Kaya nagtataka ako kung nakikita mo ba siya o di sinasadyang nasama siya rito."
"Sinama ko siya dito. Nakikita ko siya at nakaka-usap."
"Bakit?"
"Dahil kaibigan ko siya." ang sagot ko ng walang pag-aalinlangan. Walang pasabing sumulpot si Junjun sa tabi ko. Inakbayan niya ako at tumingin sa akin habang may nakakalokong ngiti sa labi.
"Hi~!" Kinawayan niya si Warren kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin na nagpatindig ng balahibo namin.
"Kuya...?" Halo-halong emosyon ang nakapinta sa mukha ng kapatid ko. Takot. Gulat. At pagtataka. Gusto kong tumawa ng malakas pero sinarili ko na lang dahil baka magmukha akong tanga.
"Wag kang matakot, mabait siya. At saka aalis na rin naman kami. Di mo na sya makikita."
"That's right. Akong bahala sa kuya mo." Nag-thumbs up pa ang gagong si Junjun.
Medyo masama ang tingin ng kapatid ko. Hindi ko alam kung sa akin ba siya nakatingin o sa nilalang sa tabi ko.
"Basta mag-iingat ka kuya. P-Pag may problema ka... nandito lang kami." Halos pabulong na lang si Warren sa huling parte ng sinabi niya. Kahit kailan talaga, itong kapatid ko.
"Naks naman, binata na tala ang bunso namin." pabiro kong sinabi at sinundot pa ang kili-kili niya. Tinampal naman ni Warren ito palayo. "At oo, mag-iingat ako. Mag-ingat rin kayo dito, ingatan mo sina mama at papa. Kung may kailangan kayo, sabihin niyo lang sa akin."
Nang makalapag na kami sa Maynila, dumiretso na ako sa bahay. Buong biyahe kong hindi nakita si Junjun.
Naalala ko yung mga dati kong pagluwas noon. Mag-isa akong aalis, mag-isa rin akong babalik. Pero ngayon, nakasama ko si Junjun. Memorable din yung bakasyon ko sa probinsya ngayon. May mga nakakatuwang nangyari, at meron ding hindi. May pagkakaibigang nabuwag, meron ding pagkakaibigang umusbong. Dahil doon, marami akong natutunan sa buhay at na-realize sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
عاطفية[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...