Kyle Enrico Salvador
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───Sabi nila, wag tayong maging work-a-holic at magpaalipin sa trabaho. Ang pera, makukuha mo sa maraming paraan (basta legal). Pero pag tinamaan ka ng sakit kakasubsob sa trabaho mo, di mo na yon mababalik. Gagastos ka pa. At saka madali tayong mapapalitan ng mga boss natin kapag nawala tayo.
Kaya ito ako ngayon, pa-relax-relax lang.
Kasalukuyan kaming bumibyahe ni Junjun ngayon papunta doon sa hiking spot. Mabuti na lang ay ipinahiram ni Alan ang kotse niya, ang hassle kasi mag-commute. May lisensya din naman ako kasi mayvjeep kami sa probinsya at baka ako ang magmana.
Kahit dalawang lalaki kami dito, ako lang naman ang magbubuhat ng mga bag na dala namin. Ano naman ang silbi nitong multo na to?
Nag-usap na kami ni Junjun tungkol sa nadiskubre kong picture niya. Hindi man naka-focus sa kanya ang picture at pawang nahagip lang, mas ayos na rin iyon kesa wala. Hindi ako makakapag tanung-tanong ng wala akong hawak na kahit ano. Impossible rin namang picture-an ko 'tong gago dahil isa nga siyang espirito.
Ang sabi naman niya, wala siyang naaalala kahit titigan niya ang picture. Walang kahit anong memoriya ang bumalik sa kanya. Pero namangha siya dahil ang gwapo niya daw talaga noong nabubuhay pa ito.
"Matagal pa ba tayo?" narinig kong tanong ni Junjun.
Nakaupo siya ngayon sa likod na passenger seat. Kung sa normal na pagkakataon, dito sa tabi ko siya pauupuin. Ayokong magmukhang driver ng gagong to, no. Pero dahil multo naman siya at ako lang ang nakakakita, wala akong pake kahit sa gulong pa siya umupo.
"Medyo malapit na." sumagot ako at muling tumingin sa Waze. 30 mins na lang daw bago dumating sa destination.
Ipininagkrus niya ang dalawang braso niya at dadan-dahang inihiga ang sarili sa likod na passenger seat. Medyo malawak naman ang likod at kasya ang pandak na katulad niya.
"Do you think we'll find something here?"
Hindi ko makita ang mukha ni Junjun dahil hindi na ito kita sa rearview mirror habang nakahiga ito. Pero ramdam ko ang magkahalong saya at excitement sa boses niya.
Isang araw bago kami bumiyahe, dinala ko siya sa isang park malapit sa office. Baka kasi sakaling napadpad siya rito noong nabubuhay pa ito at baka magbalik ang ala-ala nito kapag nakita niya ng lugar.
Tahimik lang na nakaupo si Junjun sa tabi ko sa isang bench. Tanaw namin ang mga bata na naglalaro ng habulan sa di kalayuan. Buhay na buhay ang paligid dahil sa mga tawa at hiyawan nila. Mayroong mga magulang na nakatanaw din sa di kalayuan at kinukunan ng picture ang mga anak nila habang naglalaro.
"Ano, may naaalala ka ba?" mahina ko siyang tinanong. Nakasuot ako ng wireless earphones para naman kunwari ay may kausap ako sa phone at hindi ako magmukhang may problema sa utak.
"Hmmm... wala e." ang sagot ng multo. Sa mga naglalarong mga bata nakabaling ang paningin niya. "Pero sana nung nabubuhay ako, ganyan din ako kasaya kagaya nila."
Ibinalik ko ang paningin ko sa mga naglalarong bata. Alam kong gusto na'ng makatawid ni Junjun sa kabila, pero nahihirapan siya dahil wala siyang maalala sa nakaraan niya. Kahit ako ang nasa kalagayan niya, gugustuhin ko na lang ding tumawid na kesa manatiling nakatali sa isang lugar.
"Mukha ka namang mayaman, kaya sigurado akong masaya ka rin noong buhay ka pa. English-ero ka pa nga e. Baka isa kang mahal na prinsipe." biro ko. "Pilipino ka ba?"
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Romance[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...