Chapter 42

62 1 0
                                    

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Isang linggo na ang lumipas simula nang makabalik sa Maynila sina Ezekiel at Kyle matapos ang ilang araw na pamamalagi doon.

Natatandaan pa ni Ezekiel ang mga sinabi sa kanya ng mama at kapatid ni Kyle bago sila umalis:

"Maraming salamat sa pagbisita mo dito sa amin. Palagi kang welcome dito anumang oras. Masaya kami na nakasama ka namin." bumulong si Mrs. Salvador sa kanya. "At tawagin mo na rin kaming mama at papa."

"Kuya Ezekiel, salamat ulit sa pagbisita. Sana makapunta ka ulit pag umuwi dito si kuya." at pabulong na sinabi ni Warren, "Sana pagbalik mo, may invitation na kami ng kasal niyo."

Tinanong niya kay Kyle kung sinabi ba niya sa pamilya niya ang tungkol sa relasyon nila, ngunit ang sagot nito ay hindi.

Anuman ang dahilan, masaya si Ezekiel dahil sa pinapakitang pagsuporta ng pamilya Salvador sa relasyon nilang dalawa ni Kyle, alam man nila ito o hindi. Si Warren kasi mukhang nanunukso lang.

(Ang hindi nila alam, nadatnan ni Warren at ng mama nito ang dalawa na magkayakap na natutulog sa kwarto.)

Habang inaalala ang pakiramdam na ito, parang gusto na rin niya tuloy na magsabi sa mom niya.

Kahit na paulit-ulit na sabihin ng mom niya na susuportahan niya ang anak sa mga desisyon niya, naroon pa rin ang takot ni Ezekiel dahil baka maulit na naman ang mga nangyari. Hindi naman sa pinagdududahan niya ang mom niya, siguro dala na rin ng mga tagpo sa nakaraan kaya may kaunting pag-aalinlangan siya sa bagay na iyon.

"Okay, par."

Narinig niya na may kausap sa cellphone si Kyle. Nasa loob sila ng kwarto niya ngayon. Nakaupo siya sa kama niya at pinag-aaralan yung mga dokumentong binigay sa kanya ng mom niya dahil sa sunod na linggo ay magta-trabaho siya sa isa sa kompanya ng tito niya. Si Kyle naman ay nasa bean bag sa isang sulok ng kwarto at may ginagawa sa laptop niya habang may kausap sa telepono.

"Akong bahala don... okay... I-text mo na lang sakin kapag may nakita ka. Okay, par. Gege, ingat par." Pagkatapos ay binaba na ni Kyle ang tawag.

"Par? Sanaol may tawagan." pabirong sabi ni Ezekiel at nag-pout pa. Ang totoo niyan, nagseselos talaga siya dahil pangalan lang ang tawagan nila ni Kyle, pero iba ang tawag nito sa ibang mga kaibigan niya.

I'm his boyfriend, goddamit!

Napataas naman ang kilay ni Kyle dahil sa sinabi ng nobyo. Kapag nagmumukmok talaga ito ay humahaba ang nguso nito. It's like it's begging to be kissed.

"Bakit, gusto mo rin bang tawagin kitang 'par'? Sige par." ang panunukso niya dito. Mahal niya si Ezekiel pero di niya mapigilan minsan na asarin ito dahil ang cute nito kapag galit.

Sumama naman ang mukha ni Ezekiel at binato ang unan sa direksyon ni Kyle.

"You know what? I actually hate you."

"Hate mo rin ba yung mga good morning kiss ko?"

Isang unan na naman ang binato sa direksyon ni Kyle.

"Shut up!"

Nagtalukbong nga kumot si Ezekiel kasi nahihiya siya ngayon. Ginagamit pa talaga ni Kyle ang weakness niya—ang good morning kisses nila—laban sa kanya! Iyon ang weakness niya dahil his knees go weak kapag nagsalubong na ang mga labi nila.

Naramdaman ni Ezekiel ang paglubog ng mattress ng kama niya at maya-maya ay ang paglingkis ng mga braso mula sa likod niya at nilibot ito sa kanyang bewang.

Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon